COMICBOOK DESIGN
Marami-rami na ring aklat ang lumabas na malaki ang maitutulong kung ang isang tao ay seryosong mag-aaral tungkol sa komiks. Nariyan ang Understanding Comics at Reinventing Comics ni Scott McCloud, ang Comics and Sequential Art ni Will Eisner, Visual Storytelling ni Tony Caputo, ang The Education of a Comics Artist nina Michael Dooley at Steven Heller. Sa mga partikular na kurso naman, gaya ng pagsusulat o pagdu-drawing sa komiks ay nariyan ang How To Draw Comics the Marvel Way at iba pang aklat ng DC Comics tungkol sa scriptwriting, pencilling, inking, at iba pa.
Isa sa pinakabagong lumabas ay itong Comic Book Design na nang una kong makita ay interesado na kaagad ako. Matagal ko na kasing nakikita na sa patuloy na pag-evolve ng comics art ay nahahaluan na rin ito ng graphic design elements. Kapansin-pansin ito sa gawa ni Jim Steranko, hanggang sa panahon nina Frank Miller at Dave McKean.
Bukod sa naiibang kuwento, kaya ako nahihilig sa mga alternative comics ay dahil sa design elements nito na bihirang lumalabas sa mainstream comics. Ilan sa mga paborito ko ay may mga ganitong cover na malakas ang attraction sa akin.
Narito naman ang mga inside pages na mayroon ding design elements.
May teorya ako na dahil sa design elements ng komiks, darating ang araw na isa sa pinakamahalagang curriculum sa isang art student ang comics course. Na hindi ka makaka-graduate ng fine arts, advertising, multi-media arts o kung ano pang visual art-related course, na hindi ka dadaan sa pag-aaral ng komiks.
2 Comments:
Randy,
Actually, noong 60s, pinauso na ni TONY DE ZUNIGA, ang comics illustration combining with graphic design, lalo na sa mga gawa niya sa CRAF publications noon. Gumagamit pa siya ng collage, pinunit sa mga US magazines, at ididikit sa composition niya. Sagana din siya sa gamit noon ng ZIPATONE, at LETRASET, at saka sa use of white space. Pati TYPOGRAPHY, eh kasama din. Ito eh dahil nagtrabaho din siya sa isang Advertising Agency.
Isa pa, fanboy din siya ni Saul Bass at Bob Peak.....
Auggie
Oo nga, nakalimutan kong banggitin na si De Zuniga ang unang nag-apply nito sa Philippine Komiks.
Post a Comment
<< Home