Thursday, March 11, 2010

THE SECRET OF KELLS

I-share ko lang sa inyo itong isang animated movie na inaabangan ko. Bawat scene ay ni-layout artistically, para kang nakatingin sa children's book na gumagalaw.

9 Comments:

At Friday, March 12, 2010 4:29:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

This whole movie was all done in Adobe Flash CS4. I find this latest version of Flash really powerful and quite easy to use. The best feature that really fascinate me is the BONE TOOL. It really functions as a bone and does wonders for animating humans and animals. Indeed, Flash have come a long way. It doesn't only create amazing websites, it can also create amazing animation work.

 
At Friday, March 12, 2010 6:44:00 AM, Anonymous Joshua said...

Kaya pala maganda, ang mga gumawa nito yung gumawa ng TRIPLETS OF BELLEVILLE, 2003 animated film ni Sylvain Chomet. Randy, OK taste mo. Galing. Sana mapanood mo din ang Triplets. Me mga pirated copies na available pa nito pag nakita mo. Very educational din ang special features nito. Ang animation ng Triplets ay hawig nitong sa trailer ng Secret of the Kells. Isa pang recommendation ko na animated film: "Waltz with Bashir" na nanalo ng Golden Globe at BAFTA nominations.

Alam mo kung ganito lang ka-independent, imaginative, original at innovative ang mga animated films ng Pinoy, aasenso. Yung mga past animated efforts tulad ng DAYO, etc. halatang ang mga gumagawa ay walang originality. Bakit? Kasi naman kung papanoorin mo, gayang-gayang sa mainstream U.S. animation at nagpupumilit maging Walt Disney. Pero ang resulta parang usual cartoon na napapanood sa U.S. T.V. At di naman kataka-taka pagkat halos lahat ng nasa production crew nito ay galing at nakapagtrabaho sa mainstream U.S. animation at walang alam kundi iyang natutunan lang nila. Nakakalungkot.

Wala silang katapangang umiba at maging innovative tulad ng Waltz in Bazhir, Secret of the Kells at Triplets. Sana naman may totoong artistic vision ang susunod na Pinoy animated film at di na lang sabay ng sabay sa "trend" ng U.S. at Japanese animation di tulad ng ginagawa ng iba diyan sa mainstream "cinematic" comics.

 
At Friday, March 12, 2010 12:40:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

JM-

Very powerful na ang mga softwares ngayon, ano. Kahit mag-isa ka na lang ay pwede ka nang gumawa ng full-length.

Joshua-

Isa sa pinakamagandang animation na napanood ko yung 'Waltz with Bashir'. Kailangan siguro sa mga local animation studios natin ay magkaroon ng isang 'visionary' na magha-handle. Yung kayang 'i-break' kung ano ang nariyan na.

 
At Saturday, March 13, 2010 7:17:00 AM, Anonymous Joshua said...

Salamat Randy. Ikaw nasa animation ka rin di ba? Ano ba naging experience mo dito? Wala ka bang na-engkwentrong mga "visionaries" ng DAYO? Yung Urduja, nagpupumilit maging Walt Disney ang animation, at yung istorya formulaic.

Tama ba itong observation na kaya walang visionaries sa mga animation projects na yan ay pagkat karamihan sa mga nagtatao diyan e, mga "machanical" mag-isip na "animators" lamang?

 
At Saturday, March 13, 2010 12:26:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Budget ang nakita kong malaking problema sa animation dito sa atin. Hindi ko rin masasabing mechanical mag-isip ang mga taga-animation, in fact, marami sa kanila ang mahuhusay, na lumilipat na lang sa paggawa sa ibang bansa, lalo na sa Amerika. Mas ibubuhos mo kasi ang galing mo kung nasusuklian iyon ng tamang sahod.

Ang sweldo sa animation dito sa atin ngayon ay tulad din ng nangyari sa komiks noon. Baratan sa bayad sa mga tao. Noong naging in-betweener ako noon, binabayaran lang kami ng nine pesos per drawing. Ito ang reyalidad.

 
At Saturday, March 13, 2010 3:15:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

"nine pesos per drawing"

HA?
ANO?
DIYATA'T?
KASUKLAM-SUKLAM!
KARUMAL-DUMAL!
KAHINDIK-HINDIK!

Grabe naman ito, Randy.
Nakagigimbal naman ito.

Ala'y magpuntahan n lang kayo sa iabng bansa. At least, masusuwelduhan kayo ng tama.

Ano ang akala nila sa mga artist diyan sa RP, hindi kumakain?

Por dios y por santo.

 
At Sunday, March 14, 2010 1:20:00 AM, Anonymous Joshua said...

Kung baratan din lang, ba't pa sila gumawa ng DAYO at URDUJA, di ba? I mean, heto, me mga nagkaroon ng capital para gumawa ng animated film features, pero "artistically" speaking, winaldas e. Sinayang. Sumablay pa sa takilya. Obvious. Hindi ako naniniwala na kaya mababa ang animation at story ng DAYO at URDUJA ay dahil sa binarat sila ng producer nito. Palagay ko mas malaking rason ang kawalan ng kalidad ng kanilang creativity. Mga "mechanical" at "mass assembly" artists kasi ang karamihan diyan. Lalong-lalo na sa management ng mga animation studios na ito, na parang ang habol lang ay PERA o TREND at di ang kanilang independent artistic spirit.

Kung mapapanood mo ang special features ng Triplets of Belleville, makikita mo na kokonti lang ang mga taong gumawa ng animation na ito at computers halos gamit nila. Matipid. Di magarbo at pilit na nagte-"trend" tulad ng DAYO at URDUJA. Pero ang kalidad ng kanilang creativity, kitang kita sa screen. Bakit? Dahil sa kalidad ng kanilang kokonting CREATIVE at INDEPENDENT talent. Yan palagay ko ang kulang sa animation efforts sa atin. Kulang tayo sa CREATIVE, INDEPENDENT at RESOURCEFUL animation talents. Kung kokonting tao nakakagawa ng Triplets, Secret of the Kells, na di nakakagastos ng malaki, pero bumabawi naman sa creativity, ba't di ito magawa ng Pinoy? Ba't kailangang en-GRANDE lagi? Mataas agad bayad sa animator na "droid" naman kung mag-isip.

 
At Sunday, March 14, 2010 3:31:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Napakahabang diskusyon din itong sa animation field, at dahil hindi naman ako 'regular' na nasa animation, wala ako sa posisyon para isa-isahin pa ang mga problema.

Kung may idea kayo para makagawa ng isang animation (short or full-lenght), bukas ang NCCA para magbigay ng pondo, sa pagkakaalam ko.

Maganda ang bayad sa Dayo at Urduja. Karamihan ng mga tao sa mga studios na ito ay maayos na pinapasweldo. Ang nabanggit kong naging karanasan ko (P9 per drawing) ay isang studio na kumukuha pa naman ng trabaho sa ibang bansa. Pero noon pang 1998 ito, hindi ko alam kung ano na ngayon ang sistema sa mga in-betweeners.

May forum about local animation kung saan nakikisimpatya ako sa ilang animators: http://animationartists.ning.com/ na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng mga problema sa studios.

 
At Monday, March 15, 2010 3:23:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kaya siguro hindi kumita yung DAYO at URDUJA, dahil mediocre lang ito. It offers nothing new kasi rip-off lang naman ng Disney style. Why settle for a rip-off? di doon ka na lang sa orig, di ba? Para kumita, it ha to offer something different. Huwag na yung Disney at Anime style na masyado ng talamak. Example ng animation na shoe-string budget lang at pre computer: paki review ninyo ang WIZARDS at LORD OF THE RINGS ni RALPH BAKSHI. At that time it offered something new pero mura l;ang ang production kumpara sa mga giants na gaya ng Disney...

 

Post a Comment

<< Home