Saturday, January 31, 2009

KUA & CELERIO

Nasa opisina ako ng Philippine Business for Social Progress (NGO) nang makita ko sa lobby itong mga komiks na may drawings nina Joey Celerio (first image) at Vincent Kua Jr. Walang nakasulat kung anong taon ito lumabas, pero base sa hilatsa ng papel at kalidad ng pagkakagawa ay mukhang late 80's/early 90s ito.

Nakakatulong ang ganitong mga proyekto sa mga komiks creators bukod pa sa kinikita nila noon sa local publications. Ang mga NGOs ang nagbibigay ng extra income sa kanila, kasama na rin dito ang mga campaign materials tuwing sasapit ang eleksyon.


1 Comments:

At Saturday, January 31, 2009 9:12:00 AM, Blogger kc cordero said...

Randy,
mas maayos kausap ang mga NGO pagdating sa comics project lalo na sa isyu ng bayad. ang mga pulitiko, madalas hindi nagbabayad.

 

Post a Comment

<< Home