Saturday, December 12, 2009

BOTONG & COCHING BOOK LAUNCH

Matagumpay na naidaos kagabi ang book launch ng libro nina Francisco Coching at Botong Francisco sa National Museum, Rizal Park. Maraming bisita na dumalo kabilang ang ilang pulitiko at artista tulad nina Roilo Golez, Aurora Sevilla, Bebe Gandanghari, mga National Artist na sina F. Sionil Jose at Napoleon Abueva, mga tagakomiks na sina Pablo S. Gomez, Jess Jodloman, Ernie Patricio, Jun Lofamia, Danny Acuña, Roderick Macutay at Toti Cerda. Marami pang dumating na mga kilalang tao mula sa art world, showbiz at media. Naparaming tao na pumunta para saksihan ang book launch at exhibit ng dalawang modernong maestro ng painting at komiks.

Ang dami ko sanang kuhang litrato sa cellphone kaso mukhang nasira yata ang memory card ko kanina at ayaw mabuksan. Kinunan ko na lang ng litrato ang set ng mga libro nina Coching at Botong.

Binabati ko ang napakagandang mga aklat na ito na binuo ng Vibal Publishing at ni Dr. Patrick Flores.

Makikita sa blog ni Dennis Villegas ang iba pang litrato.

4 Comments:

At Saturday, December 12, 2009 2:03:00 PM, Blogger Reno said...

available na ba ito sa mga bookstores?

 
At Saturday, December 12, 2009 2:58:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Wala pa yata. Yung El Indio pa lang.

 
At Saturday, December 12, 2009 8:37:00 PM, Blogger kc cordero said...

randy,
nakalimutan kong mag-comment doon sa blog ni gerry nang ilabas niya 'yang cover ng book. naobserbahan ko lang na sana sinunod na lang 'yung cover sa original issue. well, comment lang ng gaya ko na isang ordinaryong reader, lalo na at nakita ko na ang epekto diyan sa libro:
1. 'yung ground na dating medyo yellow (color blind ako) nang maging green ay medyo lumamya ang stance ng mga under siege na character;
2. doon sa original, mapapansin na 'yung konting pahid lang ng blue sa outline ng ulap ay mas nagpapaalimpuyo ng emotion nang mga sumasalakay, tapos gray 'yung sky. nang bugahan ng todong blue ang sky at alisin ang blue sa outline ng ulap ay nawala 'yung emotion.
3. green isn't really attractive pag ginagamit sa cover. as you can see, naging parang ordinaryong textbook ang cover--which should not be the case dahil dapat special ito. sana nagkaroon ng cover study with the same coloring gaya sa hiwaga cover using photoshop. it could have been splendid.
anyway, i have yet to see the book in actuality, baka naman sa pisikal ay iba ang dating.

 
At Sunday, December 13, 2009 1:21:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Ok naman sya sa actual book, gusto ko sya dahil magaan sa mata at madaling makita sa malayo

 

Post a Comment

<< Home