KABILA
In-upload ko ang buong pahina ng 'KABILA' na pinagtiyagaan kong buuin nitong nakaraang December. Ng-inquire ako sa isang publisher tungkol sa pagpi-print ng graphic novel, interesting daw ang project pero dahil naka-lineup na ng 2010 ang mga libro na kanilang ilalabas ay baka daw 2011 na maasikaso itong libro.
Hindi pa ako nakapag-commit sa alinmang publishers, pinag-aaralan ko pa kung sino ang puwede. Iniisip ko rin na i-self publish na lang ito. Gusto ko lang munang magkaroon ng feedback sa mga readers kaya puwede ninyong itong makita sa link na ito.
Narito ang foreword ng libro para magka-ideya kung ano itong 'KABILA':
"Hindi ko maalala kung paano ko nabuo ang titulong ‘Kabila’. Ang natatandaan ko lang ay ilang buwan ko na itong iniisip na gawing title ng isang graphic novel na ang tema ay ‘other-side-of the-coin’ o iyong kuwentong nasa alternative point-of-view. Radical, underground, subersibo…hindi ko sigurado, basta wala siya sa mainstream. Naghahanap ako ng mga lumang artworks na ibebenta sa Komikon 2009 na ang kikitain ay para sa mga kaibigang nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng nang makita ko ang ilang short stories ko sa komiks na nakatambak lang. Unpublished ang mga ito, maliban sa ‘Silence Means Yes’ na lumabas sa SLAMBANG #1, isang alternative American comics. Naisip ko na sayang naman ang pagkakataon kung hindi ito mababasa ng karamihan.
‘Kabila’ siguro dahil sa tagal ko na ring nagsusulat at nagdu-drawing sa komiks para sa karaniwang mambabasa ay ito ang mga kuwentong nasa ‘kabila’ naman ng pagiging ‘mass-based writer’ ko. Ang mga kuwentong ito ay tiyak na hindi tatanggapin ng mga editors ko noon sa komiks.
‘Kabila’ siguro dahil hindi ka patatahimikin ng mga kuwentong ito. May mga pilosopiya, ideolohiya at pananaw ditong maari kang sumang-ayon, o matawa, o magalit, o paratangang ‘this is politically incorrect!’
At iyon ang dahilan kung bakit binuo ko ang compilation na ito ng mga gawa ko. Dahil kung hindi ka pag-iisipin at maapektuhan, walang silbi ang ibig sabihin ng salitang ‘Kabila’. Malamang ay nasa parehong side lang tayo ng pader.
Paminsan-minsan, boring din maging mabait sa isang mabait na lipunan. Kaya kailangan nating magbasag ng mga kumbensyon, guluhin ang mga nasa ayos na. Dito natin malalaman na ang mundo ay hindi lang pala ginawa sa sarili nating kagustuhan."
13 Comments:
A HAPPY NEW YEAR GREETINGS TO YOU RANDY! WELCOME THE YEAR OF THE TIGER!
Other alternative Titles: On The Other Hand, In to the Void, Vice Versa, SUBERSIBO, RANDY'S GREATEST HITS, tapos mi maliit na text sa ilalim ,almost....
BTW, magkano ba mag self-publish ng sariling Graphic Novel? could you quote some ballpark figures para may basis naman? Thanks...
Auggie
Kelan lalabas 2nd isyu ng Pinoy Komiks Rebyu? Ba't inuuna ito?
Thanks, Auggie :)
Kumporme sa printer, pwede kang mag-try na humingi ng quotation dyan sa province. usually hindi naman sila gaanong nagkakalayo ng presyo, pipili ka lang talaga ng maayos magtrabaho at kung may experience na sa pag-print ng pages na may graphics.
Anonymous-
Kulang pa ako ng materyales ng PKR 2. Ito kasing 'Kabila' ay tapos na lahat matagal na, inipon ko lang.
Monday, January 04, 2010 10:39:00 AM
Randy:
This one looks quite interesting.
Mas mabuti siguro self-published ang gawin mo para lahat ng sale ay sa iyo mapunta at nang makapag-pa-print ka pa ng iba.
Kunsabagay wala akong idea kung paano ang situation ng publishing diyan sa atin ngayon. Pero kung karamihan sa mga nagse-self-published ngayon ay mukhang okay naman, bakit di mo na lang gawin ang ganon din?
Good luck to your project. Aabangan ko iyan.
thanks, JM :)
Magaganda at malalalim ang nilalaman ng plano mong graphic comics na ito ito Randy. Ngayon pa lang ay aabangan ko na ang paglabas nito. Good luck for this project.
Thanks, Arman :)
Happy New Year!
Happy New Year!!!
"Paminsan-minsan, boring din maging mabait sa isang mabait na lipunan. Kaya kailangan nating magbasag ng mga kumbensyon, guluhin ang mga nasa ayos na. Dito natin malalaman na ang mundo ay hindi lang pala ginawa sa sarili nating kagustuhan."
Hindi lang boring, Randy. Non-progressive. Kontra-sulong. Paikot-ikot.
Pero ang problema kadalasan naman ng mga experimental writing e, kahit na salungat ito sa pananaw ng mambabasa, hindi sulit ang writing and/or art.
OK sana kung nakakawili basahin ang kwento o maganda man lang ang drawing KAHIT na underground ang subject matter o delivery. Pero kadalasan ay hindi e.
Sana, kung me gagawa man lang ng experimental stories, ayusin naman nila ang pagsusulat at pagdo-drawing, at wag gawing excuse na, dahil nga experimental, pwede na silang magbara-bara. Walang bibili ng marami niyan.
Ok ang experimental at controversial. Ayusin lang ang delivery.
--Gov. Ampatuan
Agree ako ki Governor. Hindi komo non-mainstream, padaskul-daskul na lang ang drowing. Pag ganoon, binabato ko at ipinamimigay ko ng lang. Para rin iyang mga Indie-indie kunong bands at movies. Ang daming pangit! parang ego-trip lang eh.
Kailan ang labas niyan Randy?
Auggie
Its very interesting..."kabila", coz im also..doing graphic novel..the diffrence is, its dystopian.by coming march we will release it..intitle --(Project_God_Program)--hoping to share it with u-- noel (A)
For Contacts--(09056434562)or email @ emmagoldman@yahoo.com
Luwas ka ng Manila para maibenta mo sa komiks conventions dito :)
Post a Comment
<< Home