THIS COLORIST IS INSANE!
Ito ay sample page na ginawa ng colorist para sa isang 3-part comicbook na katatapos ko lang gawin. Background artist sa animation ang colorist na nakabase sa Greece na ngayon pa lang nagta-try gumawa ng komiks, kaya parang mga eksena sa animation ang kinalabasan ng drawing ko. Nag-announce na sa kanyang twitter ang writer tungkol sa project na ito kaya naglagay na rin ako ng sample page dito. Ang writer nito ay isang kilalang writer sa American comicbooks.
10 Comments:
Mukhang mas matagal pa ang pagkulay nito kesa sa paglapis at pagtinta. Kaya dapat ng mga colorist na tulad nito ay equal billing sa writer at penciller. :)
Ang ikinakatakot nga namin dito nung writer, dahil sa masyadong mabusisi ang colorist, baka abutin ng isang taon bago niya matapos ang lahat ng pages sa isang issue pa lang. Arg!
Haha! Oo nga. Isa yan sa disadvantage ng masyadong detalyadong coloring.
COLOR EXAGGERATES A DRAWING, tinalakay ko ang temang ito sa Chapter 46 ng blog ko. Na-exaggerate ang black & white na drawing mo ng color ng artist na ito na taga Greece.
Ang ambisyon ni Auggie ay global domination ng mga pinoy sa komiks. Itong drawing mo Randy at color ng animation artist na ito sa Greece ay ang tamang punterya at daan patungo sa global domination.
Ang black & white na panoramic na drawing mong ito kung ikumpara sa isang piliin na pinakamagaling na panoramic na black & white drawing ni Coching ay sasabihin ng mga komikeros na duling ang mga mata na mas magaling si Coching kaysa sa'yo, pero sasabihin ko dito na mas magaling ang drawing mong ito kaysa kay Coching. Bakit, ano ang sekreto?
Ang sagot sa tanong sa itaas ay dahil napaka-simple ng mga compositions ni Coching, mas kumplikado ang composition mong ito. Ang simpleng composition ay LESS ang exaggeration kaysa kumplikadong composition kung kulayan ito.
Kaya abangan ninyo dahil i-post ko na sa January ang limang parte na
COMICS KINGS NA WALANG MGA KORONA AT TRONO
Pagsusundutin ko na ng husto ang mga "PIGSA" ng mga dibuho ng mga matatanda at kabataan dibuhista sa Pilipinas para magsi-atungal ang mga kumagis na ito, hhhhhhh ......., baka pati ikaw ay sundutin ko duon.
- Kapre
Nakalimutan ko palang sabihin na meron pa palang dalawang katangian ang panoramic view mo na wala ito sa panoramic view ni Coching. Pero hindi ko ito sasabihin sa'yo dito dahil baka lumaki na ng husto ang YAGBA mo, hhhhhhh .......
Dahil napagpasiyahan ko ng sundotin ka kaya malalaman mo rin ang dalawang katangian ito sa post ko na
ANG MGA COMICS KINGS NA WALANG MGA TRONO AT KORONA
Maraming salamat, Mang Flor. Abangan ko sa blog niyo ang mga susunod nyong post :)
Randy:
Huwag kang papayag na ipasundot ang pigsa mo kay Supremong Kapre.
Painumin ka na lang kamo ng ANTIBIOTIC para walang infection. Mamaya, yung gamit niyang karayom puno ng mikrobyo at tetano, baka magkaroon ka pa ng OUT OF THE BODY experience.
Hhhhhhhhh.
Aabangan ko rin iyang mga HARING WALANG MGA KORONA, SETRO, AT KAHARIAN.
JM-
Haha, ok lang. Marami naman akong matututunan kay Kapre :)
Gusto ko pa ring ilagay dito ang ilang pages na talaga namang napaganda lalo ng colorist, grabe ginawa niyang pelikula ang mga drawings ko, pero baka sa susunod na kapag nag-announce na ng husto ang writer.
Randy,
Sino ba itong colorist mo? pero tama si Padi, maganda yung composition mo, pinag-isipan talaga.
BTW, meron ka na ba ng lahat ng mga Coching na lumabas? wala pa dito sa NBS, sa Bicol eh.....
Auggie
Thanks, Auggie. Yup, kumpleto na ako pati yung bagong labas ng Atlas :)
Post a Comment
<< Home