PRINCE VALIANT
Sa mga seryosong nag-aaral sa kasaysayan ng komiks illustration sa Pilipinas, hindi maaring lampasan ang kontribusyon ng gawa ni Harold Foster sa ating mga naunang dibuhista. Hindi kumpleto ang ebolusyon ng dibuhong Pilipino kung hindi ito isasali sa kasaysayan.
Kamakailan ay nag-release ang Fantagraphics ng 'The Definitive Prince Valiant Companion' na koleksyon ng mga essays at artworks tungkol sa Prince Valiant. May mga sample pages ang libro na makikita dito na naka-PDF format.
Last year ay may nabili akong Prince Valiant sa Merriam & Webster bookstore sa Morayta na kasama sa mga old books. Nabili ko ito sa halagang P15. Yes! Kinse pesos lang siya! Hardbound, prose edition ito ng isang adventure ni Prince Valiant na sangkatutak din ang illustrations. Lumabas ito noong 1976 at out-of-print na. Walang kamalay-malay ang mga tao na 'ginto' ito para sa mga comics illustrators. At $79.99 ang presyo ng second hand copy nito ngayon.
Hindi ko napanood ang ginawang pelikula ng Prince Valiant noong 1997, wala rin akong makita sa mga video shops ng kopya nito. Laking tuwa ko nang may mag-upload nito ng buo sa youtube.
7 Comments:
Happy New Year, Randy P.(Prince) Valiente
Happy New Year!
Seguro kaya mo gusto ang Prince Valiant kasi hawig nito apelyido mo ano? Valiant-Valiente? :D
Hindi naman. Nagkataon lang. Si Harold Foster at Alex Raymond kasi ang unang inintroduce sa akin ng teacher ko nu'ng unang dating ko sa komiks.
ayus ito - ako naman me nabili sa HongKong life & Art of Hal Foster :)
Randy,
Available ba iyan sa Maynila? saan? please advice...thanks.
Auggie
Wala pa akong nakikita e. Inaabangan ko nga, ayokong umorder online, masyadong mahal ang shipping :)
Sa Fully-Booked o Powerbooks lang naman ang bagsak nito kung sakali.
Post a Comment
<< Home