Sunday, March 14, 2010

RENAISSANCE BOOK TOUR pics/ news bits

Narito ang mga litrato sa Renaissance Book Tour na ginawa kanina sa NBS, Glorietta 5:





*****
Marami na ang nagtatanong sa akin kung kailan lalabas ang 2nd issue ng Pinoy Komiks Rebyu. Ang totoo niyan ay marami-rami na rin ang articles na puwedeng ilagay, ngunit marami pa ring kulang para punuin ang 68 pages na magasin. Nasimulan ko na ang ilang pages ng layout, ngunit marami pang dapat ayusin dahil may theme akong sinusunod sa 2nd issue, at iyan ay: 'Komiks bilang isang Sining.'

Ang unang isyu ay introduksyon lang sa komiks dito sa Pilipinas, at ng ilang personalidad na aking na-interview. Ang mga susunod na issues ay may mga partikular na tema at iyon ang nagpapahirap sa research namin dahil kailangan naming huwag lumayo doon.

At alam din naman ninyo, hindi naman ako full-time editor/writer/publisher, fulltime ako bilang illustrator dahil nariyan ang aking kabuhayan. Kaya pinipilit ko talagang pagkasyahin ang oras para mapunan lahat. Nitong mga nakaraang buwan ay natambakan ako ng trabaho na kinailangan pang magpatulong ako sa mga dating kasamahan sa komiks, ang iba nga ay ipinasa ko na lang sa iba, lalo na doon sa mga projects na may kinalaman sa pulitika (alam naman ninyong tuwing dadating ang eleksyon ay sangkatutak ang mga pulitikong naghahanap ng gagawa ng komiks para sa kanila).

On the side ay gumagawa ako ng sample pages para sa mga major publishers abroad, hanggang ngayon ay hindi ko talaga matapos-tapos samantalang ilang pages lang. Ito ang sample:

Mga ilang linggo pa siguro bago ako makakahinga ng maluwag-luwag para matutukan ko naman ang iba pang gawain lalo na ang PKR. Pasensya na po sa mga naiinip na.

May ginagawang book project ngayon si Fermin Salvador kasama ang ilang Filipino poets, may maliit na partisipasyon ako dito (hindi po ako kasama sa mga gumawa ng tula, nasa production side ako), at isa rin ito sa mga haharapin ko sa mga susunod na linggo kapag nakita ko na ang buong manuscript at makipag-usap sa editor nito na isang mahusay na manunula.

1 Comments:

At Monday, March 15, 2010 11:31:00 AM, Anonymous ROMIWORKS® said...

bagsik ng gawa mo pareng randy gawa ka graphic novel mo!:)

 

Post a Comment

<< Home