GINTONG HULA
Ang komiks-magasin na ito ay inilabas ng Agoja Atlantis Publications noong May 2001 kung saan malapit na rin ang national election. Ang nasa likod nito ay sina Chai Aquino (publisher) at Judy Lou de Pio (editor). Ang laman ng magasin ay 'new age faith and practices'. Ako ang unang nag-layout ng magasin na kalaunan ay iniwan ko na rin at naging contributing writer na lang ako.
Isa sa mga seryosong article na sinulat ko para sa magasin.
Dalawang komiks stories lang ang laman ng magasin na kalaunan ay naging isa na lang.
Hindi ko malilimutan ang magasin na ito dahil mayroon din akong column dito na pinamagatang 'Showbits' na tungkol sa local showbiz. Oo, aaminin ko, minsan ay naging showbiz writer din ako hehehe. Pero hindi ninyo malalaman ako pala iyon dahil gumamit ako ng pen name na 'Totoy Payaso'.
Uma-attend pa ako noon ng presscon ng mga artista, pero kadalasan ay nasasagap ko lang ang tsismis at balita sa mga kaibigang showbiz reporters, isa pa ay nagpi-freelance pa ako bilang graphic artist ng Intrigue Magazine, kaya puro balitang ka-showbizan na lang ang nabubungaran ko linggu-linggo.
Napaka-'holy' ng aura ng opisina ng Gintong Hula, paano'y ang mga taong involved ay puro new age religion practitioners. Ako lang yata ang hindi. Ang editor na si Ms. Judy Lou ay award-winning set designer sa pelikula at certified manghuhula.
May isang sekreto ang Gintong Hula na ako na lang yata ang nakaalam, of course, ang editor at at ang 'acting' publisher, dahil isa ako sa ipinatawag nang buuin ito. Ang totoo ay isa si Alfred Guerrero III sa nagpapatakbo nito. Hindi mababasa sa editorial box ang pangalan niya. Si Alfred ay anak ng mga Guerrero na may-ari ng Kislap at Counterpoint Publications. Si Alfred din ang nagsimula ng lumalaki na sanang West Publication na naputol din nang mag-takeover na ang Kislap sa compound ng Counterpoint.
Mas progressive mag-isip si Alfred, kung nagkaroon sana siya ng papel sa mga titles ng Kislap komiks noon, siguro ay baka napalago pa niya ang 'traditional' local komiks. Kung makakakuha kayo ng 1st issue ng anumang komiks ng West Publications ay malalaman ninyo ang sinasabi ko.
At kung bakit nagsara ang West at hindi rin nagtagal sa pamilihan ang Gintong Hula...ay isa na namang mahabang kuwento.
2 Comments:
Hahaha.
Kung saan-saan ka talaga napadpad noon. Napasabak ka pa sa grupo ng NEW AGE. Mabuti na lang, walang HARE KRSNA na nagtayo ng publications, baka pati sila, inimbitahan kang mag-join.
Talaga palang nakababaliw ang mga sumunod na mga pangyayari sa lumang industria ng komiks noon bago ito tuluyang namayapa.
Panahon na siguro para isulat mo ang isang nobelang semi-autobiographical tungkol sa kinahantungan ng komiks. Sigurado akong magiging very interesting ito. Kaganda pa ng nom de plume: Totoy Payaso. First cousin ba ito ni Totoy Bato?
:)
andami talagang kwento sa larangan ng komiks....
Post a Comment
<< Home