Thursday, March 18, 2010

ANIMAL CHARACTERS

Isa na siguro sa pinakamahirap ma-assign sa isang illustrator ay kung ang mga characters ay puro hayop. Kailangan mo talagang pag-aralan ng husto dahil iba ang anatomy ng hayop kesa sa tao.

Ang Funny Komiks at Bata-Batuta Komiks na siguro ang madalas nating kakitaan ng ganitong mga kuwento.

Paborito ko ang 'Planet Op Di Eyps' ni Roni Santiago, Pinoy ang comedy at simple ang pagkakagawa.

Paborito ko rin ang Superdog ni Louie Escauriaga dahil interesting ng kuwento at maganda ang art, malakas ang impluwensya ng animation.

Sa mga foreign comics naman ay gusto ko itong adaptation ni Michael Plessix ng 'Wind in the Willows' ni Kenneth Grahame. Convincing ang emotion ng mga characters, gumagalaw ang bawat eksena at maganda ang storytelling.

Pinakagusto ko na siguro itong 'Blacksad' nina Juan Diaz Canales at Juanjo Guarnido. Seryoso ang kuwento kaya ginamit ang mga hayop sa seryosong pamamaraan. Puno ng emosyon ang pagkaka-develop sa mga characters, at cinematic ang storytelling.

May fan page ang Funny Komiks sa Facebook. Kabubukas lang nito pero mahigit 700 na kaagad ang sumali.

May nakausap akong marketing staff ng Anvil Publishing at ibinalita niya na nasa top 9 bestsellers na ng National Bookstore ang 'Renaissance Art Book'. Hindi ko pa nakikita ang listahan pero ilalabas na daw nila ang poster ng mga bestsellers ngayong buwan na ito. Magandang senyales ito dahil two weeks pa lang itong nai-launch ay gumaganda na ang resulta.

4 Comments:

At Friday, March 19, 2010 9:49:00 AM, Blogger kc cordero said...

Maige naman para magkaroon agad ng kasunod.
Re: Funny Komiks, si Mahimud ang paborito ko noon sa mga hayop.

 
At Sunday, March 21, 2010 7:47:00 PM, Anonymous jakedrg@hotmail.com said...

"May nakausap akong marketing staff ng Anvil Publishing at ibinalita niya na nasa top 9 bestsellers na ng National Bookstore ang 'Renaissance Art Book'. Hindi ko pa nakikita ang listahan pero ilalabas na daw nila ang poster ng mga bestsellers ngayong buwan na ito. Magandang senyales ito dahil two weeks pa lang itong nai-launch ay gumaganda na ang resulta."

Randy, ilang copies ba ang dapat mabenta para ma-consider na bestseller ng National Bookstore? Atsaka, ano ang time frame nito? One month? Two Months?

Isa pa, magkano ba ang isang kopya niyan?

Pakitanong naman sa marketing ng Anvil.

 
At Monday, March 22, 2010 6:20:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Jake-

500 ang isang kopya. Hindi ko alam kung ilang kopya ang kailangan bago mapasama sa mga bestsellers nila. Pero yun lang na makasama ka sa top 10 sa dami ng libro nila ay maganda na ang resulta. After two weeks lang 'yan ng release.

 
At Thursday, March 25, 2010 4:54:00 PM, Anonymous Cebu Attractions said...

excellent one.

 

Post a Comment

<< Home