Friday, June 11, 2010

A BOOK AND A DVD

Natanggap ko kanina ang complimentary copy ng second issue ng Outbound, UK based comics anthology ito. Isang simpleng inside cover illustration lang ang gawa ko dito.


Nakakuha din ako ng dvd na ito ang cover. Ang totoo ay hindi ko alam ang title nito. 20? Hindi ko rin alam kung ano ang kwento. Parang pamilyar lang kasi sa akin ang bida na nasa harap.

At eksakto namang habang kumakain sa labas ay na-realize ko na kahawig nga niya ang nasa print ng t-shirt ko. Nagpakuha na ako ng litrato hawak ang dvd para may remembrance.

4 Comments:

At Friday, June 11, 2010 8:00:00 AM, Anonymous macoy said...

nasa 20th century boys pala si direk! :D

 
At Friday, June 11, 2010 10:54:00 AM, Anonymous John Becaro said...

Yung dvd na yan na may 20 ay 20th Centuty Boys yan, isang Japanese film na based sa popular Manga.Yang kamukha ni CJC ay ang pangunahing bida na si Kenji. Maganda ang pagkagawa ng kwento, medyo boring yung phasing pero sulit ito sa mga mahilig sa mystery suspense adventure.Kung merung Watchmen ang Western, ito ang counterpart nun.Isa itong Trilogy, at lumabas na rin yung 2nd Film nito na patuloy ko ring hinahanap dito sa pinas.

 
At Wednesday, June 30, 2010 12:15:00 PM, Blogger pearl ann said...

nice picture! hehe.

 
At Wednesday, June 30, 2010 12:17:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

nice din kasi ang kumuha :)

 

Post a Comment

<< Home