RELIGIOUS BOOK ARTWORKS
Noong bata pa ako ay may Bibliya ang kamag-anak ko na may mga paintings sa ilang pages. Hindi ko makalimutan dahil napakagaganda ng mga ito. Siguro maituturing natin na ginawa ang mga paintings hindi lang upang mailagay sa libro kundi pinagbuhusan talaga ng panahon ng artist. Ang Bibliyang tinutukoy ko ay imprenta ng mga Jehovah's Witnesses.
Nakakakita ako ngayon ng mga libro nila, kahit magasin, pero hindi kasing-ganda tulad ng dati ang mga artworks. Wala rin akong idea kung sino ang artist.
Bukod sa mga regular bookstores ay madalas din akong pumasok sa mga religious bookstore para tumingin ng magagandang trabaho. Marami kasing artist ang alam ko na wala sa mainstream pero napakahuhusay ng trabaho.
Ang librong ito ng 'Book of Mormon Stories', na gawa ng Latter Days Saints ay paintings na parang ginawang komiks. Ang gaganda ng paintings dito na siguradong ginawa ng frame-by-frame bago binuo. Wala ring nakasulat kung sino ang painters dito.
Pero ang pinakamaganda na sigurong nakita ko ay itong librong may pamagat na 'Jesus The Son of Man', a Catholic book, na may mga paintings ni Carl Bloch (buti na lang at nakalagay ang pangalan), isang Scandinavian painter. Parang trabaho ng mga Rennaisance painters, at malapit-lapit sa gawa ni Diego Velasquez. Napag-alaman ko rin na madalas din palang gamitin ng mga Latter Day Saints ang paintings ni Bloch sa kanilang mga libro.
3 Comments:
Isa ring magaling na LDS painter ay si Walter Rane. Di raw sya mahilig sa mga gawa na "picture perfect" ang dating kundi yung emotions mismo ng eksena ang sinusubukan nyang i-capture. Try mo syang i-Google :)
Hawig din kay Alma-Tadema yung gawa ni Bloch.
Markus-
Maganda nga itong gawa ni Walter Rane. Kita ang brush strokes.
Reno-
Ok din si Alma Tadema. Gustong-gusto ko rin ang mga Pre-Raphaelites. Mas darker lang ang color choices siguro ni Bloch.
Post a Comment
<< Home