Thursday, April 15, 2010

'SPECIAL BOX' NA PUWEDE SA KOMIKS



Kanina lang dumating ang order kong mga special boxes na puwedeng paglagyan ng kahit ano. Una kong nakita ito ay komiks kaagad ang naisip kong ilagay dito dahil eksakto ang sukat para sa dalawang komiks na magkatabi.

Ang kagandahan sa lalagyan na ito ay naitutupi at puwedeng bitbitin kahit saan. May iba't ibang designs ang cover (may foam sa itaas), at sa maniwala kayo at sa hindi, puwede itong upuan dahil matibay na board ang ginamit na materyales.

Kung maaga-aga lang sana ang order ko ay nakakuha ako ng table sa Summer Komikon at ang mga 'special boxes' na ito ang isasama ko sa ititinda.

4 Comments:

At Friday, April 16, 2010 7:42:00 AM, Blogger humawinghangin said...

yun din ang naisip ko nung makita ko yan. grabe, nung christmas 2009, na-sold out sa mga tyangge at xmas bazaars yan, napilitan akong kunin yung nagiisang display sample para lang magkaron. haaay. yan ang upuan ko ngayun sa aking mumunting lulukan sa bahay. :)

jim

 
At Friday, April 16, 2010 9:37:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Meron ka din pala. Ang gaganda ng designs no. Pinili ko lang yang black & white para simple.

 
At Friday, April 16, 2010 11:56:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Saan nakabibili niyan Randy ? magkakano? maganda iyan hindi lang sa comics kundi sa iba pang print publications na pakalat-kalat lamang.

Auggie

 
At Friday, April 16, 2010 4:17:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

220 ang bili ko. Pwede nga sya sa iba pa. Saka ang ganda dahil kutson ang cover nya kaya puwede talagang gawing sofa.

 

Post a Comment

<< Home