ESTRELLA
Si Jeri Barrios ay matagal-tagal ko na ring kaibigan. Model siya sa mga commercials at artista sa telebisyon at pelikula. Hindi ko akalain na mahilig pala siya sa komiks. Madalas niya akong tinatanong kung paano pumasok sa komiks, pero hindi ko masyadong siniseryoso ang tanong niya. Akala ko kasi, hindi rin siya seryoso dahil nasa mundo na siya ng showbusiness. Pero habang tumatagal, tuwing magkikita kami at nagkakausap sa internet, lagi naming paksa ang komiks. Na may ginagawa siya ngayong karakter, at ginagawa niya ang mga pages. Hanggang nito nakaraang araw lang ay ipinakita niya ang buong pages ng 'Estrella'. Natapos niya ang buong kuwento nito!
Seryoso si Jeri, sa isip ko. May puwang komiks sa puso niya. Sa busy niyang schedules sa mga shootings at tapings, nagawa niyang matapos ang komiks na ito na kinukuwento na niya sa akin noong bago pa man matapos ang 2009.
Nagpapatulong siya sa akin kung paano niya mailalabas ang komiks na ito. Gusto niyang gastusan sa printing. Sabi ko, ipasok muna namin sa Komikon na naka-xerox. Kaso mukhang late na kami sa deadline para makakuha ng puwesto sa indie booth. Pero pipilitin kong makagawa ng paraan, kahit makipatong man lang kami ng ilang kopya sa table ng mga kakilala. Ang mahalaga ay mabigyan ng katugunan ang pangarap ni Jeri na mabasa ng ibang tao ang komiks na gawa niya.
Ang mga pages sa ibaba ay gawa ni Jeri mula sa istorya, drawing, coloring at lettering.
4 Comments:
Congrats Jeri...I know how passionate you are in creating comic characters and stories...so good luck and more power to you. SEB
Actually, may sarili namang style itong si JERI BARRIOS. Cartoony, na parang tipong LOVE AND ROCKETS. Since 2 pages lang ang nakita ko, hindi ko matiyak kung ito ba ang appropriate "look" sa story niya. Siguro, kung maging mentor ka niya, Randy, ay tiyak na makakagawa ito ng magandang komiks. Mukhang may ibubuga ito sa paggawa ng komiks.
ayos yung wash out ng jeep.
Thank you guys...
randy eto inaaral ko itong Blog thing.. im new hehe
Post a Comment
<< Home