Monday, April 19, 2010

SUMMER KOMIKON/ JESS JODLOMAN ART FOLIO

Kasama kong dumating sa Summer Komikon ang writer/poet na si Abet Umil, may dala siyang camera. Kasalukuyan kaming gumagawa ng full-lenght documentary film tungkol sa Philippine komiks kasama si Fermin Salvador. Medyo mahaba-haba ito kaya matatagalan din bago matapos.

Pasensya na sa napangakuan ko na ma-interview, kinapos kami sa oras (at battery ng video camera). Isa pa ay plinano na lang namin na gawin ang mga mga interviews sa bahay-bahay ng mga tagakomiks dahil masyadong maingay sa Komikon.

Kailangan ko ding umuwi ng maaga dahil sa isa pang lakad. Wala nga akong nabiling komiks maliban sa ilang kopya na ibinigay ng mga kaibigan at kakilala. Abangan ko na lang sa Sputnik at Comic Odyssey ang mga gawa ninyo.

Nagdala ng ilang kopya si Jeri Barrios ng 'Estrella'. Ang ilan ay ipinamigay niya para magsilbing pagpapakilala ng kanyang karakter.

*****

Nag-release din ng ilang kopya ng 'art folio' si Jess Jodloman.




Mayroon na ring webpage si Mang Jess na matatagpuan dito: http://jessmjodloman.multiply.com/ , under construction pa ito at kasalukuyang inaayos ng anak na si Grace.

3 Comments:

At Monday, April 19, 2010 2:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Nandoon ba ang mag-amang Jodloman? tinanong mo kung kailan lalabas ang RAMIR graphic novel?



Auggie

 
At Monday, April 19, 2010 3:02:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Yup, andun sila. May kulang pa daw kasing mga pages sa Ramir. Mahirap na kasing hagilapin ang kopya. Ang banggit ni Grace, gagawan na lang daw ng paraan, idrawing ulit or isulat na lang as prose form ang missing pages.

 
At Tuesday, April 20, 2010 11:37:00 AM, Blogger kc cordero said...

pamatay talaga ang artworks ni mang jess. :)

 

Post a Comment

<< Home