TEKS
Bago pa man magkaroon ng mga playing cards (Magic The Gathering, Pokemon cards, etc.), ay mayroon nang 'teks'.
Natatandaan ko na kolektor din ako ng 'teks' noong bata pa ako. Mayroon akong isang bag nito na iba't iba ang title. Sayang nga lang, dahil nakailang lipat din kami ng bahay noon kaya hindi ko na nai-save ang mga ito.
Ang 'teks' ay mga cards na na nasa pormang panel ng komiks. Bawat isa ay may number na kapag pinagsunod-sunod ay makakabuo ng buong istorya. Karaniwang ang lumalabas na 'teks' ay galing sa pelikula. Kumbaga ay para nitong tina-translate sa printed form ang isang hit movie.
Kung pag-aaralang mabuti, ang 'teks' ay impluwensya ng komiks sa kabuuang hitsura nito.
Ang pinakamalaking ambag siguro ng 'teks' sa kulturang popular ng Pilipinas ay ang uri ng pagbibilang nito. Ang 'half' ay tinatawag na 'cha'. Kaya kapag sinabing 'two-and-a-half', ito ay bibilangin na 'dalawa-cha'.
Ang 'teks' na nasa itaas ay mula sa http://flyandflea.blogspot.com/.
9 Comments:
nice...digging..its very interesting,,,tex..i remember that since im just a kid...noel (bikol Komikero)
Natatandaan ko pa yung TEKS ng SPACEMAN VARLAT, circa,1958-59...
Auggie
ginamit din ang teks noong araw para gawing maliit na komiks na sinlaki rin ng teks para free sa mga candy me mga title din na Pilipino Komiks, Darna Komiks at iba pa yung mismong layout ng teks ang ginamit rin kumbaga recycled. :)
sayang nga e isang supot meron ako nito at pinamigay ko lang sa mga bata
Randy:
Ang napansin ko lang sa mga text cards noong bata pa si ISABEL RIVAS, ay may kapangitan ang mga drawing. Kae=ramihan kasi, kinopya lang ng mga artists na walang mga pangalan pa, mula sa mga imported na text cards. Kung ihahambing natin ang mga drawing sa mga local RP text cards na ito sa mga naggagalingang illustrators natin noom sa komiks ay talagang walang sinabi ang mga ito.
teks teks na lang.....
walang ganito sa bukid na pinanggalingan ko, dahon ng madre de cacao ang pinaka-teks namin, hehe.
hoy mama ang ganda at very interesting ang mga blog mo, baka pwede ka naman mag follow sa akin :D para meron naman akong kahit isang follower :D para kasing walang tao don sa lugar ko :D ehe kung pwede lang sana kung ayaw d bali nalang okay lang sa kin.
pwede mahiram yung pic mo ng teks? para sa isang entry ko?
Post a Comment
<< Home