Thursday, June 17, 2010

FAMILIAR SCENE

Ang title pala ng dvd na nabili ko ay 20th Century Boys kung saan ang bida ay kahawig ni Direk Carlo Caparas. Suspense-sci fi ang tema, medyo pambata ang dating ng kuwento para sa akin. Pero enjoy panoorin dahil fast-paced at interesting ang mga eksena.

May isang tagpo dito na talagang natawa ako dahil pamilyar sa akin.

Ito iyung dalawang comics artist ang nagpakita ng trabaho kay Kenji (pangalan ng kahawig ni Direk Carlo). Nagbibigay siya ng puna at papuri sa dalawang artist. Parang ganito ang mga eksena 2 years ago sa Sterling office.

Pasensya na sa malabong pictures dahil kinunan ko lang sa cellphone ang tv screen habang nanonood ako.


Ito iyung sample ng drawing na ipinakita ng dalawang artist kay Kenji. Maganda daw ang pagkakagawa, ayon sa bida. Pero kung ganito kaya ang ipapakita kay Direk Carlo, baka mapamura siya. Dis is nat a Pilipino drowing!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home