PAALAM, LIZZIE SANTOS
Malungkot ko pong ibinabalita sa inyo na pumanaw na kaninang madaling araw ang komiks/feature writer at book author na si Lizzie Santos dahil sa lung cancer.
Si Lizzie ay nakapagsulat sa GASI, Atlas at Counterpoint noong buhay pa ang mga publikasyong ito. Naging kasamahan ko siya sa unang writing workshop ng Precious Hearts Romances noong 1995, mula noon ay naging kasama at kaibigan ko na siya sa mga writing gigs hanggang itayo namin ang 1am (No. 1 Artist Movement) noong taong 2000 kasama ang isa pang romance writer na si Michelle Vito.
Nitong mga nakaraang taon ay nag-concentrate na siya sa paggawa ng libro at pagsusulat sa mga writing sites sa internet. Huli kaming nag-collaborate noong 2005 nang ilabas niya ang 'Mga Idiomatic Expressions sa Ingles at Kahulugan nito sa Pilipino' na inilabas ng National Bookstore Publication.
Noong isang linggo ay tumawag pa siya sa akin dahil gusto niyang magkita-kita kami, nagkataon naman na marami akong ginagawa kaya sinabi kong hindi ako makakarating. Hindi niya kasi sinabi na malala na pala ang sakit niya.
Ang labi ni Lizzie ay kasalukuyang nakaburol sa Funeraria Paz sa Araneta Ave.
Paalam, Lizzie. Maraming salamat.
(Ang larawan sa itaas: Lizzie Santos, ako, at pintor na si Dennis Miguel, pagkatapos ng painting exhibit ni Dennis sa CCP noong 2006)
2 Comments:
nakikiramay ako!
Hindi ako nagkaroon ng chance na makilala o makakita ng obra na ginawa ni Lissie but I'am saddened by the news na isa na namang nakasama natin sa industriya noon ang nawala. Ipinaaabot ko po ang aking taos pusong pakikiramay sa kanyang mga naulila.
Post a Comment
<< Home