MORALIDAD AT KOMIKS
Isang malaking sampal sa buong industriya ang binitiwang salita ng respetado at tinitingalang manunulat na si Nick Joaquin: "Don’t just read anything, like comicbooks, you won’t get any relevant things from them."
Mabuti na lang at hindi ito nakaimpluwensya ng malaki sa mga nag-aaktong intelektwal at moralistang hilaw. Kung sakali ay baka umabot tayo sa isang masakit na pangyayari sa Amerika kung saan naging isang malaking isyung moral ang kinasangkutang ng komiks sa kabuuan.
Kalagitnaan ng taong 1940s, isang hindi kilalang child psychologist, si Dr. Frederick Wertham, ang nagsimulang pag-aralan ang kanyang mga pasyente. Ang pag-aaral na ito ay nagresulta ng paglikha niya ng ilang artikulo sa magasin at isang aklat kung saan nagulo ang buong industriya sa pagsasabing ang komiks ay isang ‘social trash’ o basura ng lipunan.
Ang aklat niyang ‘Seduction of Innocent’ ay inilabas noong 1954 na tumatalakay sa komiks sa pagkakaroon nito ng malaking epekto sa mga kabataan. Sinabi ni Dr. Wertham na nagreresulta ang pagbabasa ng komiks sa bayolenteng pag-iisip na pinagmumulan ng krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, at sadismo (sadism). Naalerto ang lipunang Amerkano sa pagbubunyag na ito ni Wertham. Hanggang umabot pa sa pagpuprotesta ng mga moralist group sa mga comics publications, nagkaroon pa ng Senate hearing tungkol sa isyung ito.
Halos isang taon lang ang ginawa niyang pagtuligsang ito kasama ang mga kaalyado, ay nagpabagsak na sa halos lahat ng comics publichers. Marami ang nagsara. Ang ilang editorial people ay naghanap ng ibang trabaho upang huwag nang maapektuhan ng lumalalang krisis. EC Publication ang pangunahing target ng protestang ito dahil ito ang nagpa-publish ng mga adult at matured comicbooks. Ngunit naapektuhan din ng malaki ang ilan pang kumpanya gaya ng National Comics (ngayon ay DC) at Atlas Comics (ngayon ay Marvel).
Itinatag ang Comics Code kung saan ito ang naging sensura ng mga publikasyon. Ang karahasan at seksuwalidad ay bawal anng isulat. Hindi na rin puwedeng isulat ang salitang ‘weird’, ‘horror’ at ‘crime’. Kahit na ang mga slang temrs at pagkondedna sa paniniwalang relihiyon ay inalis. Naitali ang industriya sa konserbatibong pamamaraan.
Masakit ang naging paratang ni Wertham, "Comicbooks are cheap, shoddy, anonymous. Children spend their good money for bad paper, bad English, and more often than not, bad drawing."
Hindi na bago ang isyung ito. Sa katunayan, tuwing may bagong kinahuhumalingan ang tao, hinahanapan ito ng butas. Sensationalism ng media ang lalo pang nag-uudyok ditto upang makita ng madla ang negatibong anyo nito.
Wala iyang pinag-iba sa rock music na pilit ikinakapit—lalo na ng mga religious dogmatic—sa demonyo. Tinatawag itong ‘backmasking’ kung saan binabaligtad ang cassette tape at pinapakinggan ng patalikod (reverse). Dahil wala namang malinaw na mapapakinggan sa binaligtad na tape, kundi puro ungol lang, hahanapan ito ng mga salitang ang katunog ay nakakabit sa demonyo o kay satanas.
Ilang orck bands nga ang humamon sa mga nagsasagawa ng backmasking, "Unfair naman kayo, bakit hindi niyo rin subukang baligtarin ang tugtog nina Gary Valenciano at Papuri Singers."
Nang mauso rin sa local television ang anime Voltes V, pinaratangan itong may masamang epekto sa batang nanonood. May ilan pang hayagang nagsasabi na, "Nakakabobo ang palabas na ito!"
At dahil hindi nga makontrol ang tunggalian ng grupong hindi magkapareho ng pananaw, ipinatupad ang mga ratings kung saan puwede nang mamili ang isang reader o viewer ng palabas na angkop sa kanya.
Sa mga babasahin ay inilagay ang "Suggested For Mature Readers Only". Sa pinakikinggan, mayroon nang "Contains Explicit Words/Lyrics". Sa palabas, mayroon nang "General Patronage", "Parental Guidance" at "For Adults Only". Nagkalat na rin kung saan-saan ang karatulang "Not Suitable For Children".
Ibig sabihin ay may pagkakakilanlan na ang isang produkto. Kung gamitin man ito ng kung sinu-sino, nasa wastong gulang man o hindi, wala nang pakialam ditto ang mga nagbigay ng ratings. Nagawa na nila ang kanilang tungkulin.
Sa mainstream komiks ng Pilipinas, hindi pa gaanong ipinapakilala sa publiko ang ratings na ito (siyempre, obvious naman na hindi pambata ang mga bold komiks na lumabas noong 70s tulad ng Tiktik, Playmate, Sakdal Bold, Sakdal Erotik, Macho, For Gents Only, For Adults Only at He & She). Sa katunayan, sa usapin ng sales sa mga publikasyon, wala silang pakialam kung sino ang depenidong target market. Basta ang nasa isip lang nila ay ang gasgas at walang kamatayang diyalogo na: "Dapat ay tangkilikin ‘yan ng masa!" gayong iba-iba ang bumubuo ng masa—manggagawa, tambay, estudyante, propesyunan, konserbatibo, liberal, mahina ang isip at intelektuwal. Napakarami kung iisa-isahin pa.
Kaya nga kung minsan, hindi talaga maiwasan, maraming kabataan ang nakakabasa ng mga adult komiks—kahit hindi na bold, basehan na lang ang mga crime-related, may violence at sex scenes.
Sa lawak ng salitang ‘entertainment’, hindi ito isang buton na kayang kontrolin, gaya rin ng usaping may matinong pelikula at mayroon hindi, may magandang balita at mayroong hindi, may matinong dyaryo at mayroong hindi, may matinong komiks at mayroong hindi.
Ngunit sa kabuuan ay hilaw pa ang komiks ng Pilipino sa mga klasipikasyong ito. Maipagmamalaki natin na kahit paano ay nakakaintindi tayo ng sarili nating moralidad. Disiplinado ang mga Pilipinong gumagawa ng komiks. Mag-iba-iba man ng genre-- drama, aksyon, komedi, horror--naroon pa rin ang responsibilidad na ang babasa nito ay taong naghahangad din ng isang magandang buhay at pag-uugaling gaya natin.
Mahirap bantayan ang kabataan sa kanyang developing stage at pagtutuklas niya sa mundong ginagalawan.
Totoong may sex and violence sa dyaryo, sa radio, sa TV, sa pelikula, at sa komiks. Ngunit hindi ito magiging malinaw na basehan—at kailanman ay hindi—na para itong makina na kumukontrol sa utak ng isang mambabasa.
Kung siya man ay apektado ng kanyang binabasa—may aral man siyang natutunan o wala—ito ay reaksyon lamang sa kanyang naging karanasan sa buhay at inabot ng kanyang kaalaman na hinubog ng lipunang kanyang ginagalawan, pamilyang kanyang kinaaaniban, at magulang na unang nagpakilala sa kanya sa mundo.
Malinaw na ang kahalayan, kasamaan at kawalang respeto sa lahat ng nilalang ay nakukuha lamang ng mga taong walang bait sa sarili.
Si Mahatma Gandhi, bago tinaguriang ‘man of peace’, ay dating boksingero. Ibig sabihin, kahit saan nanggaling ang isang tao, nakabasa man siya ng napakaraming aklat tungko sa sex and violence, siya pa rin ang dapat managot sa kanyang sarili.
At si Dr. Wertham, matapos ang maraming taon ng pagtuligsa sa komiks, ay naglabas ng aklat noong 1973, pinamagatan itong ‘World of Fanzines’ kung saan sinabi niyang ang scifi at komiks ay responsible sa pagkakatuklas ng bagong anyo ng sining na tumutulong para maging isang artistic individual ang bata. Na ang fanzines ay isang positibong puwersa ng kabataang tumutuklas ng sarili.
Kinain niyang lahat ang kanyang sinabi laban sa komiks. Namatay siya noong 1981 na hindi na muli pang tinuligsa ang industriya.
***
***
Ito ay pinamagatan kong ‘Diosa Hubadera’. Relihiyon at seksuwalidad ang iniikutan ng kuwentong ito. Mga paksang iniiwasang pag-usapan ng simpleng Pilipino.
Isang napaka-mature na tema sa pambatang presentasyon.
Abangan. (o di ba komiks na komiks?)
5 Comments:
Kilala ko nga si Mang Baggie, at talagang kahawig na kahawig niya ang drowing na yan. Nakakatuwa ang karakter na yan, pang disenyo lang ang role sa komiks, pero si Mang Baggie sa totoo ay napakatahimik at mahiyaing tao.
Sa pagkakaalam ko ang unang nagdrowing ng karakter na yan ay sina Louie at Joey Celerio, noong mga early 1980s.
Nagulat na nga lang ako, pati yung mga bagong taga-Atlas, sina Rodel Noora at Bing Cansino, madalas na ring gamitin ang mukha ni Mang Baggie. Pero iba na ang hitsura nya ngayon ha, nagpakalbo na siya.
pede ba kau post ng mga pinoy novels. gusto kong mabasa, di pa ako nakkbasa kahit isa. wala naman ditong mabibilhan. marami na kong nabasang foreign books. gusto ko naman magbasa ng sariling atin. pede ba yun? m_ruelos@yahoo.com
Hi Erick,
Pwede siguro ako magpakita dito ng ilang novels, siguro yung mga issue 1 lang, pero hindi pwede ang isang buo dahil ang hahaba ng novels ng mga komiks ng Pilipino kung pagsasama-samahin sa isang labas, mas mahahaba pa sa mga graphic novels na inilalabas ng US.
Hey, you have a great blog here! I'm definitely going to bookmark you!
I have a members
site/blog. It pretty much covers members
related stuff.
Come and check it out if you get time :-)
Post a Comment
<< Home