ANIMATION CHARACTER at TV SHOW
Isa sa main character ng animated tv show for American audience na kasalukuyan kong ginagawa. Pagkatapos nito ay sisimulan ko na ang assignment ko ng ilang pages para sa Heavy Metal Illustrated Magazine, gusto ko nang masimulan ito dahil medyo mahirap-hirap ito dahil ako rin ang magpipinta ng gawa ko. Yes! Digital painting ang gagawin ko dito.
*****
Ipi-feature sa programang 'Lovely Day' ang mga komiks collections ko ngayong Sabado, 9:30 ng umaga sa channel 7. Medyo disappointed lang ako dahil akala ko ay isasama nila ang mga paborito kong komiks (karamihan kasi ay classic at underground), nakasentro lang sila sa mga komiks na pambata gaya ng Funny Komiks. At hindi na rin ako nakaangal nang ipahanap nila ang mga Wolverine (Marvel) comics ko na gusto nilang i-feature dahil sikat na character ito. Gusto ko pa sanang ipakita si 'Maus' na gawa ni Art Speigelman na mas may malaking impact sa akin as komiks creator kesa sa Wolverine.
Sa kabuuan ay okay naman ang interview at nahatsing silang lahat dahil inilabas ko sa maalikabok na baul ang mga luma kong komiks hehehe. Hindi pala ako ang nakaupong iyan kundi ang host na si Jacob Raterta.
7 Comments:
Wow,Randy !
Ikaw pa lang ang unang Pinoy na alam kong gagawa sa HM, other than Alex Nino. Meron ka bang alam na iba ?
Kumusta naman ang per page rates nila as compared to DC,Marvel, Dark Horse, at Image ?
Sino ang scriptwriter ?
Carry On !
Auggie
Hindi ko alam kung sino pang Pinoy ang gumawa sa HM. Naka-lineup din yata si Rafael Kayanan.
Kapag natapos ko na siguro ang mga pages, 5 pages lang naman, saka ko iri-reveal ang mga details :)
parang si ER CRUZ ang isa din sa mga pinoy ang gumawa sa HM pagkakaalam ko.
congrats, randy boy!
'yung mga latest edition sobrang digital na nga, pero mas malupit ka kaysa mga 'yun, hehe =D>
acheche! marami pa akong kakaining bigas hehehe
Naks namn! hehehee sikat!!!
Post a Comment
<< Home