Friday, February 06, 2009

Paalam kay Mang BERT GABIANO, Hanggang sa Muli


Isa na namang beteranong illustrator ng komiks ang yumao sa katauhan ni Bert Gabiano. Isa siya sa hinangaan ko noong sumusubaybay pa ako sa Samurai Komiks ng GASI.

Huli ko siyang nakita last year sa likuran ng SM Megamall pagkatapos ng meeting sa opisina ng Sterling. Biniro pa namin siya na samahan kami sa pagtingin ng mga seksing chicks sa loob ng mall. Maraming nakapansin na pumayat ng sobra si Mang Bert at malaki na ang ipinagbago ng sigla ng katawan.

Kasalukuyan siyang nakaburol sa Rizal Funeral sa Libertad, Pasay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home