Friday, February 20, 2009

CG PINOY



Congratulations sa members ng CGPinoy sa successful na meet-up ng grupo sa Glorietta, Makati. Ilang beses nang nagkita ang grupo pero first time lang akong nakasama, medyo nahihiya kasi ako noong una dahil ako lang ang tagakomiks, baka ma-out-of-place ako. Karamihan ay mga computer graphic artists, interior designers at architectural artists na nagtatrabaho din sa ibang bansa (parang Guhit Pinoy). Masasaya silang kasama. Ang mga usapan ay tungkol sa SketchUp, 3dStudio Max at VRay (mga softares na ginagamit nila sa architecture) at kung paano pa mai-improve ang forum at ang samahan.

Sa wakas ay na-meet ko rin si Christine, ang kaisa-isang babaeng naka-attend, na Valiente din pala ang apelyido. Nagkaroon tuloy ako ng instant kamag-anak.

Sa lahat ng mga ka-CG, mabuhay kayo!

1 Comments:

At Monday, February 23, 2009 3:52:00 PM, Blogger Unknown said...

Kamag-anak o aa-----? hehehe joke po!

 

Post a Comment

<< Home