Thursday, February 26, 2009

WHY ASIAN?


Malaking palaisipan sa akin itong binabasa kong libro na pinamagatang 'Why Asians are Less Creative than Westerners?' na isinulat ni Dr. Ng Aik Kwang (PhD). Sa kasaysayan nga naman ng daigidig, karamihan ng mga creative genuises gaya nina Albert Einstein, Pablo Picasso at Charles Darwin ay galing sa West at hindi sa East.

Isa sa pag-aaral ng author ay dahil sa kultura nating mga Asians. Mas itinuturing daw natin na 'may harmony tayo sa nature' samantalang ang Western thinking ay 'hinihigitan ang nature'. Totoo ang ganitong pananaw. At maidudugtong ko rin na nakaugat din ito sa religion. Mas malalim ang pagtingin nating mga Asyano sa relihiyon at pananampalataya.

Marami na ring sinusubukan ang mga Pilipino sa modern way of life. Gaya nitong gagawing First Filipino Freethinkers Forum sa The Fort sa darating na Sabado. Nakasentro ito sa atin bilang tao at ano ang papel ng relihiyon sa ating buhay.

Bilang isang manunulat at dibuhista, mas interesado ako kung ano ang nagiging papel natin sa mundo ng komiks/comics kung creativity ang pag-uusapan. Babagsak ba tayo sa study ni Dr. Kwang na mas less creative tayo kumpara sa mga counterparts nating Western comics creators? Any reactions?

At mas interesado rin akong malaman, na ang Pilipinas ang kaisa-isang Catholic country sa Asia, na sinakop ng Kastila (West) at hanggang ngayon ay nakasandig sa Amerika (West), ay may epekto ba sa atin bilang creative person?

Sa mundo ng komiks (o kahit sa anumang art), mas tingin ko ay nagiging 'enhancer' tayong mga Pilipino. Ipi-feed sa atin ang 'impormasyon' (knowledge), napapaganda at napaghuhusay natin ito. Pero hanggang doon nga lang kaya tayo? Malaking katanungan pa rin, kung mayroon nga ba tayong 'originality'.

5 Comments:

At Thursday, February 26, 2009 5:34:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Magandang hapon po Sir Randy Valiente!
Ngayon ko lang po nakita itong blogsite nyo, at nagpapasalamat ako ng malaki sa ehem, klitorika.blogspot.com at nakita ko itong napakaganda nyong blogsite. Nabasa ko na rin po ang ilan sa mga entry nyo about "May Estilo Nga Ba Ang mga Pilipino?" atbp. at talaga pong humahanga ako sa inyong makabuluhang pag-aaral tungkol sa Pilipino Komiks. At ngayon po ay tungkol naman sa katanungang nyo tungkol sa librong binabasa nyo ngayon.
Sa ganang akin, magagaling ang mga Asyano, kung pagbabatayan ang kasaysayan, mas matanda pa sa Kristyanismo ang kultura nila. Tama po kayo sa obserbasyon nyo na mas malapit sa kalikasan ang mga Asyano,tingnan na lang natin sa estilo ng sining nila (kung pagmamasdan, mas marami silang guhit at akda na patungkol sa kalikasan) nagkataon lang po siguro na kaya mas binibigyang importansya ng mga Kanluranin ang mga bagay bagay na tungkol sa siyensya ay sa kadahilanang sa kanila nag-umpisa ang Industrial Revolution kung saan doon sumibol ang mga makabagong aspeto ng ideolohiya,imbensyon at literatura na makakatulong sa pag-unlad ng kani-kanilang mga bansa.
Sa Asya naman, kelan lang nag-karoon ng tinatawag na "Industrial Revolution"? Sa Pilipinas, nagkaroon ba tayo ng ganung panahon? Sa mga Kanluraning bansa, nagkaroon ng pagkakataon sa bansa nila na pagbigyan na magkaroon ng puwang ang mga makabagong paraan ng pag-iisip. Nagkaroon sila ng mga "free thinkers" na nakatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng bansa nila.
Sa kaso naman ng Silanganin,naging hadlang, sa kasamaang palad, ang relihiyon at kultura. Hindi madali sa mga Asyanong bansa ang kalimutan at palitan ang kanilang nakagisnang paniniwala na namana nila sa kanilang mga ninuno para sa siyensya.Hindi nga ba't naging mortal na kaaway ng Simbahang Katoliko ang mga siyentipiko kagaya nina Galileo Galilei? Mukhang humaba na po itong komento ko, pero iyon ang masasabi ko, naging malaya kasi sa mga kanluraning bansa na tumanggap ng mga makabagong pagtuklas kaysa sa mga Silanganing bansa dahil nakadikit pa rin sila sa ugat ng kanilang lumang kultura, ninuno at paniniwala.

 
At Thursday, February 26, 2009 8:36:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Tama si Kathleen sa kaniyang obserbasyun. Mas SECULAR kasi ang West, kumpara sa spirituality/religiosity ng East. mas freer mag-isip ang West kesa sa atin. Ang lumalabas tuloy, puro DERIVATIVES, lang ang mostly nagagawa sa field of arts.


Auggie

 
At Friday, February 27, 2009 5:21:00 PM, Blogger Reno said...

Epekto na rin marahil ng ating pagiging mas malapit sa kalikasan kung kaya't 'di tayo nagkaroon ng "industrial revolution" dito sa Asya. Nakikibagay tayo sa paligid natin, 'di tulad ng mga taga-kanluran na binabago ang paligid nila ayon sa kanilang kagustuhan. Masdan na lamang nang sakupin ng mga puti ang lupain na kung tawagin ngayon ay Amerika. Ang mga native americans ay matiwasay na nabubuhay kasama ng kalikasan, ngunit nang dumating ang mga taga-Europa ay nabago ang kapaligiran.

Maging ang mga hapon, pagkatagal-tagal na panahon na nanatili sila sa naksanayang gawi ng pamumuhay, ngunit nang dumating ang mga puti saka lamang sila natutong maging advanced. At ngayon ay nahihigitan pa nila sa maraming bagay ang kanilang Western counterparts.

 
At Wednesday, April 01, 2009 11:15:00 PM, Blogger Antigone Ravenclaw said...

Hello po, Sir Randy

Hindi po ako naniniwala na mas creative ang mga taga-kanluran kaysa sa mga taga-silangan. Hindi ba't sinasabi ng mga Chinese na sila ang nag-imbento ng gun-powder? Ng math? Hindi ba't mayaman ang kultura at sinig ng India, China at Middle East? Hindi ba't nagmula din naman ang basehan ng science at math sa mga naunang kultura sa Middle East? Kung wala ang mga ito, wala rin sina Einstein, Picasso at Darwin. Kung tutuosin, si Picasso ay naimpluwensyahan ng mga Expressionist na nagsimula sa Impressionist na naimpluwensyahan naman ng mga Japanese prints.
Naniniwala ako na pare-pareho tayong malikhain at pare-pareho tayong may abilidad na matuto at mag "enhance" or gumawa ng kahit ano. Nasa-satin o depende sa situasyon na kinalalagyan natin kung gagamitin ba natin ang abilidad na ito o hindi. :)

 
At Tuesday, March 29, 2011 3:23:00 PM, Blogger Unknown said...

wala namang kinalaman ang religion sa pagka malikahin nang isang tao, kung totoo mang mas malikhain ung mga westerners eh edi maganda sa kanila tulungan nalang nila tyong mga less creative para maging mas creative gaya nila, hindi naman aim nang religion na maging superior ka in terms of skills ung aim nang religion is more on morality peace love achuchuchu.

 

Post a Comment

<< Home