Friday, May 08, 2009

POP CULTURE + POP ICON

Gaya ng inaasahan ko, may mga magri-react kung sakaling mag-feature man ako dito tungkol kay Carlo Caparas. Hindi ko alam kung may mga naging masamang karanasan sila o talagang ayaw lang nila sa tao.

Pero gusto ko ulit linawin sa lahat ng mambabasa na ipinakita ko ang trabaho ni Caparas na wala akong pinagbasehan kundi ang mga sumusunod:

1. tungkol sa komiks ang blog na ito
2. at si Caparas ay isang lehitimong komiks creator

Bago natin simulan ang mga diskusyon at pagtatalo, hayaan niyo munang ibahagi ko sa inyo ang ibig sabihin ng salitang POP CULTURE na nakuha ko sa wikipedia:

‘Popular culture (commonly abbreviated as pop culture) is the totality of distinct memes, ideas, perspectives, and attitudes that are deemed preferred per an informal consensus within the mainstream of a given culture. Heavily influenced by mass media (at least from the early 20th century onward) and perpetuated by that culture's vernacular language, this collection of ideas permeates the everyday lives of the society. Popular culture is often viewed as being trivial and "dumbed-down" in order to find consensual acceptance throughout the mainstream.’

Ang kulturang popular ay kung ano ang umiiral sa paligid na tinatanggap, kinabibilangan, ginagalawan, at isinasabuhay ng tao, partikular na sa ating lipunan. Kabilang diyan ang showbiz, texting, pananamit, malls, video games, komiks, at kung anu-ano pang bahagi na ng ating kamalayan sa panahong ito.

Kung babalikan ninyo ang ilang artikulo na isinulat ko dito ilang taon na ang nakararaan, mababasa ninyo na sinabi ko na ang ‘70s at ‘80s ang pinakamalakas na panahon ng komiks sa Pilipinas. Ang basehan ko dito ay ang readership ng mga Pilipino at ang sales ng komiks na lumalabas kada-linggo. Kung nagbabasa kayo ng komiks noong 70s at 80s (o kung buhay na ba kayo nu’n) ay malalaman ninyo ang sinasabi ko.

Ang komiks ang bibliya ng masang Pilipino. Ito ang pangunahing libangan ng halos 80% ng tao sa Pilipinas mula Aparri hanggang Jolo.

At sa panahong ito nabuhay sa komiks ang isang Carlo Caparas.

Saan galing si Carlo Caparas? Ayon na rin sa kanya at sa mga kasabayan sa komiks, siya ay galing sa hirap, walang formal training sa pagsusulat. In-born ang kanyang talento. Nagtatrabaho siya sa isang publication bilang guwardya. Nadiskubre siya at nalamang mahusay magdala ng kuwento. Natuwa sa kanya ang mga publishers at editors dahil sinusubaybayan ng masa ang kanyang mga nobela.

Si Caparas ay mahusay na manunulat. Kasi kung hindi ay hindi rin siya pagkakatiwalaan ng mga editors at publishers. At lalong hindi rin siya magugustuhan ng mga komiks fans.

Ang sistema sa publication noon ay mahirap. Sabi nga ng mga matatanda, pitpitan ng bayag. Sasalain ang gawa mo mula publisher hanggang editor. Nadaanan ito lahat ni Caparas. At magandang balita, dahil sa angking husay niya, naging madali sa kanya na tanggapin ng marami ang kanyang trabaho.

Sinubaybayan ng mga fans ang mga nobelang Ang Panday, Tuklaw, Durugin si Totoy Bato, Bagwis ng Lawin, Sietereales, Sa Ngalan ng Ama at ng Anak, Kamagong, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Lumuhod ka sa Lupa, Dalawang Mukha ng Pag-ibig, Bakekang, Joaquin Bordado, Pieta, Andres de Saya, at Angela Markado na nang gawing pelikula noong 1980 ay isinulat sa pelikula ni Jose F. Lacaba at idinirek ni Lino Brocka. (dalawang premyadong manunulat at director na maselan pumili ng istoryang gagawin).

Ilan lamang ito sa mga achievements ng mga nobela sa komiks ni Carlo Caparas. Sa kabuuan ng kanyang career bilang isang komiks writer, nakapagtala siya ng mahigit 800 novels hanggang sa iwan niya ang komiks noong mid-80s at tumutok na sa mundo ng pelikula.

Sa kabuuan, sa ayaw man ninyo o sa hindi, ang pinakamahigpit na kalaban sa larangan ng kasikatan ng pagiging komiks icon ni Carlo Caparas ay si Mars Ravelo. Puwede tayong magtanong sa kahit sinumang karaniwang tao na makakasalubong natin sa kalsada.

68 Comments:

At Friday, May 08, 2009 6:13:00 AM, Anonymous Anonymous said...

"Popular culture is often viewed as being trivial and "dumbed-down" in order to find consensual acceptance throughout the mainstream."

Hindi lang often viewed, TALAGANG IYAN ang katotohanan. Example ng mga POPULAR taste na walang kalidad at tactless: Pinoy showbiz gossip magazines, columns radio at tv shows, tagalog romance pocketbooks, mga artistang love team, artistang seksi at me sex scandal, boxing, cartoons at siyempre pa--mga kasalukuyang indies at pinoy komiks noong araw.
Ang base ng inyong artistic standards ay dinadaan sa boto ng maraming tao na hindi marunong umunawa at nakakaintindi ng "art". Bakit? Kasi nga, ang standard ay "POPULARITY". Kaya nga tinawag na "POP" art or "Pop" ICON. Bulok at "so-so BUT WHO CARES?" ang dami at kalidad ng gawa, pero hinhangaan pa rin FOR ALL THE WRONG REASONS by the ignorant, average and tasteless masses. Kasama na doon ang mga nagpo-promote nitong "pop" ek-ek na wala din sa vocabulary nila ang artistic taste and refinement.

Di rin kataka-taka na marami ang natututo na ng trivia at iba pang useless information tungkol sa komiks. Ipinagmamalaki pa.

Okey, mahigit 800 novels ang nagawa ni Caparas. So? Ang dami ding showbiz isyu at komentary si Inday Badiday. Bakit hindi tinatawag na pop icon si Badiday? Pero dito sa komiks, si Caparas nabibigyan ng puri ng POPulace. Sagot: Wala kasing taste at artistic refinement ang karamihan sa masses. At iyan ang pino-promote ninyong mga komikero.

Kung ganyan, e kelan pa nga ba tataas ang antas at sining sa local komiks? Papaano na ninyo mae-educate ang masa o mainstream kung laging "taste" nila ang sinusundan? Parang gulong e. Walang forward steps kayong minmungkahing mga komikero.

Palagi na lang POP this, POP that, POP POP POP...POP MUSIC!

Hindi lahat ng tao e may taste at refinement sa kasalukuyan nating lipunan. Kokonti lang sila. Malawak ang distansiya ng mayaman sa mahirap. Walang middle class halos. Iyan ang katotohanan.

Ngayon, kung gusto mong magbago ito, kung gusto mong umangat naman ang "taste", "education" at "refinement" ng poverty-stricken masses, tama ba na i-promote ninyo ang m"so-so but who cares?" tulad ng ke Caparas?

--Juan Marquez

 
At Friday, May 08, 2009 6:18:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Isa pa, porke ina-dapt sa pelikula ng isang tanyag na local screenwriter at director ang gawang komiks ng isang "so-so" writer "but who cares?" hindi nangangahulugan na me artistic merit ang gawa ni CAPARAS. Malamang kaya isina-pelikula yan ay dahil sa MARAMING PILIPINONG MASA NA WALANG ARTISTIC TASTE NA ANG PANGUNAHING HANAP AY SEX AT VIOLENCE, ang manonood sa takilya. PERA. KITA. POPULARIDAD. Tulad ng THE VISCONDE MASSACRE. Marami ang nanood, blockbuster pero...(please fill in the blank kasi alam nyo na ang kasunod)

--Juan Marquez

 
At Friday, May 08, 2009 10:29:00 AM, Blogger KOMIXPAGE said...

Randy,

Tama ka sa sinabi mo. Sa ayaw man at sa gusto, ng mga taong pumupuna, hindi mapasusubalian na ang pangalang Carlo Caparas ay nag-iwan na ng isang haligi na hindi kayang mabuwag sa industriya ng komiks, together with Mars Ravelo. Ang totoo, kahit hindi ko kilala ng personal at hindi ko na rin inabot si Carlo, tagahanga ako ng taong ito. Ilan sa kanyang mga nobelang sinulat na inabot ko noong estudyante pa lang ako ay tinipon ko at kabilang na diyan ang "Panday", Huling Lalaki ng Baluarte, Saan, Puso at iba pa na pawang ipinalibro ko at kasamang nakahilera sa aking book shelves.
Hindi lang magaling na nobelista, mahusay ding short story writer si Carlo. Katunayan, may mga obra siyang sinulat sa United Superstories na kasalitan si Mr. Virgilio Blones,ang "Aklat ng Rosas" at pinagtambalan nila ni Hal Santiago. May mga sumasalungat at sa hindi malamang dahilan (inggit marahil o kaya ay nayayabangan kay Carlo)ay asar kay Carlo, pero balibaligtarin mo man ang komiks, ang pangalang Carlo Caparas pa rin ang lilitaw. It's his achievement na hindi maaagaw sa kanya at ngayong umaani pa rin ng "bunga" ang itinanim niyang puno sa komiks, karapatan lang niya ito. Ako na isa sa huling kabit sa dekadang buhay pa ang komiks ay nagbibigay pugay at kumikilala sa natatanging ambag ni Carlo sa kulturang ito.

 
At Friday, May 08, 2009 10:45:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Juan Marquez--

Nakaraan galit ka kay Caparas, ngayon naman tinitira mo ang 'walang taste' ng mga Pilipino. Baka isa ka rin sa nagagalit dahil natalo ni Pacquiao si Hatton? Ano ba talaga?

Maganda siguro magpunta ka sa Imeem.com, hanapin mo ang kanta ng The Jerks na may pamagat na 'Reklamo ng Reklamo'....hehehe

 
At Friday, May 08, 2009 3:59:00 PM, Blogger Reno said...

Teka... Pop icon si Inday Badiday!

Promise. :)

 
At Friday, May 08, 2009 4:01:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ginoong Marquez:

We're not actually promoting Carlo Caparas and his komiks creations. Far from it. But, despite the low-brow "komiks", we can also find some gems in them. Nasabi ko nga na maganda ang ANGELA MARKADO. It is in fact, extremely "Euripidean" in conflict and scope. Yun nga lang, in ancient times, Greek Tragedy was also a POP favorite of the masses. Music lamang at drama noon ang uso, kaya ito rin ang mga popular sa masa. In his time, Shakespeare was also a pop icon. The masses thought that his plays were brilliant. I'd say, yeah. MACBETH is superb. But KING LEAR? Hell, it's melodramatic and fairy-tale like. In his time, some people might have said: "why can't Shakespeare write like Aristotle, or even like CHRISTOPHER MARLOWE?
Please don't accuse us of not discerning what is artistic and not artistic. We know that the old RP komiks is low brow and we've said that already. And like what I have mentioned before, despite this fact, we also get some gems among the trash. This may sound simplistic, but true. What confuses me is the consistency of your argument. You don't want the dialogs in the komiks to be high-brow, yet you don't want them to be low-brow either. You don't want to see one dimensional character, yet when you're given something like Angela Markado, you hate it.

You see, logic is not about right or wrong. It is about consistency. Please make your stand clear so that we're not left totally confused and bemused. Please. Or else, we'll be arguing this topic (and I quote Omar Khayyam) forever:

"Till the sun grows cold,
and the stars are old,
and the judgment of the book
unfold."

 
At Friday, May 08, 2009 6:09:00 PM, Blogger Wordsmith said...

Juan Marquez,

Sa ayaw mo at sa gusto, walang puwedeng umagaw sa niche ni Carlo Caparas sa mundo ng komiks dito sa Pilipinas. You can argue till you're blue in the face that CJC's novels are "walang kalidad" but the fact will remain that he is very much a part of Filipino pop culture.

Medyo nagulat nga ako na kinukustiyon pa ito, i.e. ang pagiging bahagi ni Carlo sa kulturang popular. I have always thought that everyone, whether a fan of CJC or not, knew this fact.

Hindi man matanggap ng mga elitista ang mga "walang kalidad at tactless" na mga istorya ni Carlo, pero hindi ba't dapat lang na hangaan kung gaano ka-prolific ang panulat niya noong 1980s? Hindi ba't dapat na igalang kung paanong naaliw ng mga nobela ni Carlo ang di-mabilang na mga Pinoy na sumubaybay sa panulat niya noon?

I'm not a fan of CJC but his place in Philippine komiks history, and in Filipino pop culture for that matter, is secure.

Randy:

Okey ang advice mo re The Jerks... LOL

 
At Friday, May 08, 2009 9:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kung si Inday Badiday ay Pop icon na, e, what does that say about your taste in entertainment?

At alam po ninyo Mr. Lee, kahit sa mga literature classes namin, yang Shakespeare tinutulugan namin e. Maski Cliff notes nakakatamad basahin.Kung ganyan ang POP ng ancient times, e sa kanila na yan.

Ang tinutumbok ng usapan dito, na di pa ninyo masagot na mga komikero e, tama ba na hindi naman ninyo tinataas ang antas ng inyong sining kasi sinasabay lang ninyo ang inyong artistic standards sa current, POP standards ng masang Pilipino, na alam natin e, GENERALLY ay MABABAW at BAKYA?

Me nagsabi diyan na me few gems sa trash ng POP culture. Pero KOKONTI e. Di ko pa alam kung ano ang mga few gems na ito. Kaya nga hanggang ngayon, iniisnab ang local komiks at mga creators nito. Kinahihiya. Mas pinagmamalaki ng mga komiks artist ang gawa nila sa U.S. o Japan at di dito sa Pilipinas. Kahit ano pang dahilan at excuses ang gawin nyo, kulang sa literary at artistic merit ang karamihan sa gawa sa local komiks.

At si Caparas ang simbolo ng kababawan na 'to.

Parte na siya ng kultura? OMG!

Sigurado, pag tuloy-tuloy ang angat nyo sa trono nyan, 30 years from now, wala pa ring improvment ang kababawan ng literary content sa local komiks.

Tapos ang mga mabababaw na lame excuses nyo: he's a "legend", he's an ICON, He's prolific...bla bla bla ek-ek. VISCONDE MASSACRE? Oh, how ahead of its time--bullshit. Angela Markado? Oh, kinopya ng Ms. 45! Pilipino komiks mas original..(eyes roll)

Pag-isipan nyo nga ng mabuti ang pinagsasabi nyo at isipin din ng mabuti ang pwedeng maging consequences o kahihinatnan ng marketing strategy nyo.

Ito ang age of diminished expectations. Ibig sabihin, yung talagang MABABAW noon, ay inaangat na ngayon bilang mataas standard. Hindi ba kayo nag-aalala? Hindi ba kayo nangingilabot? Umaasenso tayong paurong.

Yung kokonting mahiyaing magagaling na dapat purihin, tinatabunan ng kababawan at bulok dahil lang sa mas marami sila, mas publicized, at marami ring mababaw na tao--ang masa--ang sumosuporta sa kanila.

-Juan Marquez

 
At Friday, May 08, 2009 9:18:00 PM, Anonymous Anonymous said...

"Pinaaalalahanan ko lang po ang lahat na okay sa akin ang debate, iwasan lang po natin na maging personal ang usapan."

Pero pagkatapos ko namang maglahad ng maayos ang pananaw ko, eto naman ang sagot ni Mr. Valiente:

"Juan Marquez--

Nakaraan galit ka kay Caparas, ngayon naman tinitira mo ang 'walang taste' ng mga Pilipino. Baka isa ka rin sa nagagalit dahil natalo ni Pacquiao si Hatton? Ano ba talaga?

Maganda siguro magpunta ka sa Imeem.com, hanapin mo ang kanta ng The Jerks na may pamagat na 'Reklamo ng Reklamo'....hehehe"

Di ba name-mersonal na mismo kung nagsabi na wag mamersonal?

Ako ba Mr. Valiente nakita mong me nasabing ganyan sa 'yo ng diretso sa mga naisulat ko? Wala di ba? Diretsong binanggit ba kita ng personal at kinutya katulad ng ginawa mo? Kung meron, paki-eksplika. At kung tamang me sense ang paliwanag mo, magso-sorry ako.

--Juan Marquez

 
At Saturday, May 09, 2009 2:14:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

John Marx (ehehe)--

Nalalabuan kasi ako sa punto mo e. Hindi ko alam kung paano kita sasagutin.

Noong una mong post, nagtanong ka kung dapat ko pa bang i-feature si Caparas dito? Hindi ko alam kung isa ka ba sa hindi nabayaran sa Sterling, o isa ka sa mga indies na naasar. Natural oo, puwede siyang i-feature dito, bakit hindi.

Then sinagot ko kung bakit siya dapat i-feature dito, nagtanong ka pa ng mga nobelang mahusay ang pagkakagawa ni Caparas. Sinagot ko naman.

Tapos bigla kang tumalon, tinira mo na ang mga 'mabababaw na Pilipino', sinabi mo rin na lahat ng kuwento sa komiks, luma man o bago ay puro kababawan ang laman, kaya hindi ko alam kung paano na ako magri-reason out sa iyo.

Napaka-subjective kasi ng mga puna mo. Ginagawa mong halimbawa ang 'taste' mo na para bang ikaw ang representative ng mga readers ng bansang Pilipinas.

Sige nga, bigyan mo ako ng 'pinakamalalim na literary piece' na nabasa mo. Tutal ay inihahalimbawa mo naman ang 'taste' mo sa karamihan ng mga Pilipino.

 
At Saturday, May 09, 2009 3:05:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Gusto ko ring ipagbigay-alam sa iyo na ang komiks ay isang popular literature. Ibig sabihin, ito ay binabasa ng karaniwang tao (ordinary man). Ang publication ng 'pop lit' ay isang business, isa itong fact. Naglalabas ng pera ang publisher para makarating sa mas maraming tao ang kanyang produkto, at mabasa.

At paano makatitiyak na makararating sa mas maraming tao ang produkto? Natural dahil sa survey. Hindi maglalabas ng produkto ang publisher kung sa tingin niya ay walang magbabasa ng libro niya. Dahil malulugi siya sa papel at pasweldo ng mga tao sa imprenta. Industriya ng komiks ang pinag-uusapan natin dito, hindi contest ng Palanca o Nobel Prize.

Subukan mong ipamigay (libre) ang libro ni Kahlil Gibran o ni Gabriel Garcia Marquez sa Luzon, Visayas at Mindanao--tingnan mo kung ilan ang magbabasa.

Readership ang problema ng Pilipinas, John Marx, hindi ang libro. Nagkalat ang mga literary books sa mga bookstores dito (nagkalat na nga rin ngayon ang mga booksales)...ang tanong, may nagbabasa pa ba.

Ngayon para maunawaan mo kung bakit 'mababa ang taste' ng mga Pilipino (ayon sa iyo), kailangan mong balikan ang kasaysayan ng Pilipinas mula pa noong hindi pa nakakarating ang mga Kastila dito. Hanggang sa sakupin tayo ng mga dayuhan, hanggang sa magkaroon tayo ng 'chopsuey' na kultura, paniniwala at pananaw.

Kailangan mo rin ugatin ang system of government, ang ekonomiya ng bansa, ang edukasyon at kaisipan ng mga mamamayan. Napakahabang isyu nito, John Marx.

Kaya kung ako sa iyo, mag-stick na lang tayo sa isyu: Bakit hindi puwedeng gawing pop icon si Caparas?

Dahil ba 'mababaw' ang mga kuwentong isinulat niya?

And that is the point! Iyan ang sangkap ng popular literature.

 
At Saturday, May 09, 2009 7:13:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Naku naman, Juan Marquez:

Diyata't pati si SHAKESPEARE ay BASURA para sa iyo? Well, para sa akin, maski yung pinaka-weak na ginawa niya, KING LEAR, walang kasinggganda pa rin ang indayog ng lengguwahe niya.

Tinutulugan mo lang noong nag-aaral ka kay Shakespeare? Nakakabaliw naman yata ito. Napakataas naman yata ng standards ninyo, Ginoong Marquez. Pati musica ay crap din sa inyo.

Teka, dahil tulog ka pala noong itinuturo ng teacher mo si Shakespeare, tamang oras na siguro para i-review natin ang mga sinulat ni Shakespeare na maaring ma-i-apply sa inyong pang-araw-araw na buhay.

"A man who hath no music in his heart
is fit for treason, stratagems and spoils."

May roon din kayang kahi't gapatak na romance sa inyong puso? Kung mayroon, paano mo halimbawa tinulkugan ang sinabi ni Romeo kay Juliet bago siya uminom ng lason?

"Eyes, look your last.
Arms, take your last embrace.
And lips, oh, you doors of breath,
seal it with a righteous kiss.
(he drinks the poison)
Thus, with a kiss... I die!"

At ano ang walang kasinggandang sinabi ni Macbeth matapos siyang pumatay ng kapuwa?

"What hands are here?
Ah, they pluck out mine eyes!
Will all these great neptune's ocean wash this blood clean from my hands? No, no! These hands will rather, the multitudinous seas incarnadine, making the green red."

And what about the the beautiful sonnets? Why, we could go on and on and find such beautiful dialogs.

Labis namang napakaganda nito para tulugan, Ginoong Marquez. What do you think?

 
At Saturday, May 09, 2009 10:33:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Mr. Lee, nung panahon ba ni Shakespeare, marami ba ang ka-level nya sa pagsusulat ng plays para sa masa? Lahat ba sila mababaw magsulat tulad niya?

 
At Saturday, May 09, 2009 11:01:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Oo. Tinutulugan namin ang Shakespeare. Hypokrito ako kung umaming nauunawaan ito at naliligayahan sa metro-metro writing nito.

Pasensya na. Yung mga bulok na Istorya nina F. Sionil Jose, Nick Joaquin, Lualhati Bautista, at ibang Palanca writers ng Pilipino lit textbook namin ang madalas naming basahin noon at nauunawaan.

--Juan Marquez

 
At Saturday, May 09, 2009 11:17:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

Please publish this one, a more civilized response. Thank you.

Mr. Marquez:

Kasabayan ni Shakespeare si Christopher Marlowe. Marlowe was considered to be a better poet/writer than Shakespeare. Research all the Elizabetahn era and you'll see his contemnporaries.

Mr. Marquez, mas ganaf=da ang ganitong talakayan kaysa init ng ulo ang pinaiiral. Muntik na nga akong mag-init rin at makipaghalo sa mga balat ng tinalupan, eh.
Thanks Randy. Mr. Marquez is having a better mood now.

 
At Saturday, May 09, 2009 1:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

WHOOOO! Anonymous! We missed you, guy! :D

 
At Saturday, May 09, 2009 3:49:00 PM, Blogger Reno said...

Randy, at least may aksiyon na uli itong blog mo. Matagal na ring walang nangyayaring ganito.

Ang mabuti pa, let's just agree to disagree. Mr. Marquez is entitled to his opinion, I am entitled to mine, Joemari to his, and you to yours. Kung may mga points na nagtutugma, di mabuti. Kung merong hindi, e ganoon talaga.

I'm sure, wala namang patutunguhan ang discussion na ito. We can all debate 'til our faces turn blue. In the end, magugunaw din ang mundo. hehehe.

 
At Sunday, May 10, 2009 8:02:00 AM, Anonymous Anonymous said...

"Alam nyo sa U.S. mula nang pinamahagi ang Eisner at Harvey comics awards noong 1980s, nagsimulang tumaas ang antas at kalidad ng mga comics nila hanggang sa nag-mature at tinawag nang graphic novel. Mga halimbawa: CONTRACT WITH GOD, AMERICAN FLAGG, DARK KNIGHT RETURNS, WATCHMEN, MAUS, PERSEPOLIS, PAKISTAN, BLANKETS, ROAD TO PERDITION, HISTORY OF VIOLENCE, 300, EIGHT BALL, LOVE AND ROCKETS, SANDMAN, etc." -- Juan Marquez

Right on, my winning Mexican boxer friend.

You know, for the past years the Manila Critic's Circle has been handing out awards to unique and really good Filipino indie comics like Mango Comics' DARNA, Lastikman, After Eden, Siglo, Zsa zsa Zaturnah, and on the running is Gerry Alanguilan's ELMER :D

I would like to think that these works are elevating the present lowbrow tastes of Filipino comics readers, since an award-giving body like the Manila Critic's Circle has been handing out awards to their comics creating friends.

How come you guys here don't call these great Filipino indie comics works part of your culture? Why don't you call Gerry Alanguilan, Arnold Arre, Budgette Tan, David Hontiveros and many other young talented Filipinos who have an international outlook and taste...your true cultural icons? Their works are embodiments of true quality based on the awards and praises given to them. Why settle on Carlo Caparas?

-Amused Spectator

 
At Sunday, May 10, 2009 12:28:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Amused spectator:

Simple ang sagot. Hindi naman kasi mga INDIE ang naka-feature sa mga sandaling ito sa blog ni Randy. naka-feature si CARLO CAPARAS! Bakit naman kami sasagot ng wala sa topic na inihain? Siyempre, kung ano ang handa, iyon ang aming titikman. Baka naman akalian ng host ay abuso na kami kung hihingi pa kami ng ibang putahe. Kung TUYO at BAGOONG ang nakahain (mga pagkaing ayaw kong kainin), hihingi ba ako ng tofu, seaweed at water cress? Eh, kung itaob sa akin ni Randy yung mesa, di nadaganan pa ako?

Now, kung Indie ng RP komiks ang pag-uusapan, diyan sa Pilipinas ay kilala ninyo ang productong iyan. Dito sa north America ay mga wala kaming malay dahil hindi nila idinidistribute ang komiks nila dito. Ang mga nakikita ko rito ay yung mga CHISMAX to the MAXIMUM AUTORICHISMUX (to quote TITA SWARDING - a POP ICON in RP. He-he) magazines ng ABS-CBN, yung THE BUZZ, at saka YES. Ginalugad ko na ang lahat ng tindahan dito, ni isang Indie ay wala, gayong naglipana naman yung mga KINOPYANG ROMANCE pocketbooks. Yung mga LEGIT na ROMANCE books ay SINIRA nitong mga IMITASYON na ang mga sumulat ay ni hindi writers. Mga typist lang. Tuloy yung mga matinong Romance Pocket books from RP ay na-etchapuwera ng mga GAHAMANG publishers na ayaw magbayad ng tama sa mga talents, kaya hayun, inutusang pasulatin ang mga TYPIST nila sa upisina at ginawang Romance pocketbooks at ibinebenta dito ng 99 Cents per copy. Tapos, ang ibang kopya ay KINOPYA VERBATIM mula sa PRECIOUS Romance books kaya yung kilala kong Pinay ay inis na inis kung bakit nabasa na niya noon ang story, ngayon, iba ang title, pero pareho sa eksaktong romance ang nabasa niya. Matino bang mga practice ito? Nang maghanap ang mga Pinoy dito kung nasaan na yung mga magagandang Romance pocketbooks, ang sagot ng tindera: "Aba'y malay ko. Basta iyan ang mga dumating, ibebenta ko. Saan pa kayo makakita nang ganyan KAMURANG romance pocketbooks?"

Noong inilabas ni Dikong KC Cordero ang Filipino Komiks, naglabasan iyon dito sa north America. Nang tanungin ko si Dikong KC kung nagpa-distribute sila dito, hindi raw. Pero may mga copies akong nakita sa RENO, Maniquis, ehe, NEVADA pala. Mayroon din sa L.A. at SANFO at saka sa SEATTLE at VANCOUVER. At ang presyo ay $8.99. Maski mas mahal ito sa The Buzz at Yes, sold out lahat dahil sabik sa RP komiks ang marami dito. Siguro'y may enterprising na nagbalik bayan at humakot ng santambak na kopya para ipagbili dito sa north America.

I agree. Some of the Indies are pretty good. Si Andrew Drillon ay isang napakagaling na illustrator at maski ang panulat ay professional talaga. Kung gagawin siguro ng mga indie komikeros natin ay ipakita ang Filipino culture sa labas ng bansa, tiyak na magugustuhan ito. Sa totoo lang, kulang na kulang pa ang pagkakakilala ng mga tao sa mga Pilipino sa labas ng Pilipinas. At parang kabaliwan ito, pero lalo mo lang makikilala ang bansang dating tahanan mo, kapag lumabas ka rito at manirahan nang matagal sa ibang lugar. Para bang... nag-zoom-out ang camera at ang full shot ng bansa ang makikita mo. Yung kabuuan nito. Paulit-ulit mong ihahambing ang mga maliliit at malalaking mga bagay na mali at tama sa dati mong bansa. At nakatatawang... kung kailan ka lumabas, ay saka mo lalong nakilala ang iyong dating bansa. At bilang manunulat o mangguguhit ng komiks, kapag naipakita mo ang mga bagay na ito in a sophisticated way, the battle will be half-won. Tulad nga ng nasabi ko na noon: before you go international, first, be local. Don't try to copy the west if you're not familiar yet with the nuances of life in that part of the globe. Write and draw your material tackling the culture you know by heart. Most things that come from the heart... will be universally understood. Yung WHAT THE CIGARETTE SAID ni Andrew Drillon ay mayroong eksena na kung saan NAGMUMURA ang leading character. Pero nunca na mabasa mo ang mga 4-letter words na sa karamihan ng mga indies ay halos nakapalamuti ito sa bawa't pahina. Nagmumukha tuloy mga YAHOOO type na mga tao sa north America ang mga characters na kinasusuklaman ng marami. Subtlety ng gawa ni Drillon ang nagbigay dito ng lakas at talas.

Kaya kayong mga kabataan, huwag kayong magdamdam kung ang mga matatandang tulad namin nina Valiente, Maniquis, Miss Aventurado (kapag tumuntong ka na ng 30 ay matanda ka na, di ba?)he-he... ay makipagtalakayan sa inyo. Kung kami ay nakikinig sa inyong mga sinasabi, pakinggan ninyo rin kami at nang maging two-way ang usapan. Acting like a smart ass will not take you anywhere. Pause, take a deep breath, and reflect. Dahil mas nakaranas na kami ng bagay-bagay sa buhay, huwag ninyong isara ang inyong mga tenga sa anumang maririnig ninyo galing sa amin. Nakikinig kami sa inyo, pakinggan rin ninyo kami. Kung ano ang tanong ninyo, sinasagot namin, sana kayo ay gayon rin. Unawain ninyo ang sinabi namin at sagutin ito, kaysa yung ang isasagot ay wala doon sa pinag-uusapan at kung saan-saan na napunta ang tema. Stop being snobbish. Just because you like comics, you will put down prose. Let me take this opportunity to say that in the west, it is not comics that rules, but prose. That is the reality. Graphic novels are just a minuscule part now of books being published in western nations. Not all people read graphic novels. Prose was popular since time immemorial, it still is. So my advice is: don't make a prose book as your pillow. Huwag mo itong tutulugan. Comics is so easy to understand. Every Tom, Dick and Harry you meet out there can understand comics in a wink of an eye. But try giving them JAMES JOYCE, ALBERT CAMUS, LEO TOLSTOI, ERNEST HEMINGWAY, FRANZ KAFKA, OSCAR WILDE, CHRISTOPHER MARLOWE, WILLIAM SHAKESPEARE to name a few... at tutulugan ito? Kapag ganito ang ginawa mo, isang parte lang ng pagbabasa ang alam mo, at inapi mo ang sarili mo sa KAYAMANAN ng isip na maibabahagi sa iyo ng mga dakilang manunulat na mga nabanggit.

Kaya nga, LIVE AND LEARN. Open your ears and eyes. Your own world is not the world of others. Learn to live with others. Read, read, read. Not just comics. But books. All kinds of books. Hindi lang mga award-winning graphic novels ang kapupulutan mo ng mataas na pananaw, ng mabubuting mga halimbawa, ng iba't-ibang larawan ng buhay.

Hay, salamat, para na rin akong nagdeliver ng sermon. Ito talaga ang una kong pangarap. Maging isang PARI.

Let us pray...

 
At Sunday, May 10, 2009 12:54:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Reno--

Binubuhay ko lang ulit ang dugo ng mga tao hehehe. Sabi nga, galaw-galaw para di pumanaw :D

 
At Monday, May 11, 2009 3:03:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Off topic ito. Gusto ko lang magtanong kay Mr. Juan Marquez:

Mr. Marquez, how are you related to JUAN MANUEL MARQUEZ na Mexican boxer?

 
At Monday, May 11, 2009 2:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

You know, ka-pangalan lang siguro. Me spanish ancestry kasi ang Mexican at Filipino e. You know? Now you know.

--Manny

 
At Monday, May 11, 2009 4:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mr. Marquez,

I get your drift. Hindi rin ako impressed sa mga accomplishments ni CJC, sa larangan ng komiks at pelikula, but what can I do ? extreme minority lang ako. It's true that it's the squealing Masa who patronizes and adores him and are the ones who made him rich, but then, mababaw lang naman ang gusto siguro ng Masa. As for Shakespeare, pang masa rin sa England ang kaniyang mga obra, but it withstood the test of time, naging Classics, proof, na mi talent din si Pareng Willy. Similarly, si Stephen King, na nilalait din ng mga kapuwa serious writers kuno sa US of A, kasi pang masa din daw ang kaniyang mga best-sellers, eh magiging pareho din ni Shakespeare, a hundred years from now. Siguradong pag-aaralan din sa mga Comparative Lit. English Classes, ang kaniyang mga obra, another proof na mi talent din si Pareng Stevie.
But here is a paradox: Gumawa si Andy Warhol ng mga photo-silkscreen nila Che Guevarra, Marilyn Monroe, Mick Jagger, the Banana( ginamit sa album ng Velvet Underground)at iba pa, and passed it on as POP ART, pero hindi yata pang -masa ang presyo. Gusto kong magkaroon ng kaniyang CAMPBELLS TOMATO SOUP CAN, but I can't afford the exorbitant dollar price.

Back to CJC. Siguro kung nag balik siya sa College ng yumaman na siya, siguro mag-iimprove ang kalidad ng mga nobela niya. Si S. King eh English graduate sa University of Maine yata, if I'm correct......


Porfirio Rubirosa

 
At Monday, May 11, 2009 9:35:00 PM, Blogger JEFFREY MARCELINO ONG said...

Makasabat na nga po. Limitado lang ang panahon ko ngayon para sa internet pero hindi ko mapigil na magbigay ng konting komento tungkol kay Mr. Caparas.

Hindi ko na binabasa ang mga huling comments dito, nakupooo...sasakit lang ang ulo ko.

I'll just share my PERSONAL OPINION. Sa ganang akin, kahanga-hanga si CJC sa anggulo kung paano niya nagawang maiangat ang kanyang sarili mula sa kahirapan sa pamamagitan ng komiks. Maraming writers, to be specific, nobelista noong araw, pero sa kanilang lahat, siya ang namayagpag. Ibig sabihin, mayroon siyang natatanging galing kaya siya nag-excel.Huwag na muna nating tingnan ang kalidad (dahil para sa akin, depende ito sa panlasa at standard ng nagbabasa), ang makapagsulat ng sabay-sabay na maraming mga nobela sa isang pagkakataon ay hindi biro. Para sa akin, magaling si Ginoong Caparas sa paghuli sa kiliti ng masa. Kaya tinangkilik ang kanyang mga gawa ay dahil sa appeal nito sa mga mambabasa. Ano ba ang pangunahing papel ng komiks? Hindi ba't para mag-entertain ng mga readers? 'Yung pangangaral ay kusang lumalabas sa mga kuwento, me kalidad man o wala. Tulad ng nasabi ko na, depende sa tumitingin o nagbabasa ang paghuhusga kung may kalidad ang isang obra o wala. May kanya-kanya tayong opinyon. Kung ipipilit natin sa iba na tama ang sarili nating paniniwala, hindi talaga tayo magkakasundo. Mas magandang irespeto na lang natin ang prinsipyo at paninidigan ng bawat isa.

Sino tayo para humusga kay Ginoong Caparas dahil sa nangyari sa Sterling? Napasok na ba natin ang totoong laman ng puso at utak niya hinggil sa pangyayari? Normal na sa kanya isisi ang pagka-unsyami ng muling pagbuhay sa komiks. Pero huwag naman sanang pangunahan natin kung ano ang totoong iniisip at nararamdaman niya. Hindi ko ipinagtatanggol si CJC, inilalagay ko lang ang paa ko sa kanyang sapatos. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, natitiyak ko kung anong maaari kong maramdaman.

May mga nagsasalita at nagkokomento tungkol sa nangyari sa Sterling, isa ako sa mga na-disappoint dahil umasa rin ako. Open book ba sa lahat kung ano nga ba ang talagang nangyari.

May aamin ako sa inyo, sa mga hindi nakakaalam. Nakaharap ko at nakausap nang mahigit tatlong oras si Carlo J. Caparas, sa mismong bahay niya. May proyekto kaming pinag-usapan pero hindi ko na dapat isiwalat ang mga detalye. Inamin niya sa akin ang totoong nangyari sa Sterling, nakatingin ako sa kanyang mga mata habang nagsasalit, kahit natatakpan iyon ng sunglasses (opo, tulad ng hinala ko, naka-shades at naka-cap siya kahit sa loob ng bahay)nabasa ko ang sensiridad niya sa kanyang sinasabi.

Mahal ni Ginoong Caparas ang komiks ng Pinoy.

Ngayon, dahil ba sa ang opinyon ng iba'y walang kalidad ang mga gawa niya, marapat ba na kutyain at husgahan ang isang Carlo J. Caparas? Kinalakihan ko na ang mga nobela at karakter niya, hindi lahat nagmarka sa utak ko, some of them have ordinary concepts. Mababaw iyong iba, pero noong mga panahong iyon, tamang-tama ang pagkakataong nakilala siya para matugunan ang hinahanap ng masa.

Walang pormal na edukasyon si Ginoong Caparas sa pagsusulat, nakahawak ako ng mga script niya na bagong gawa lang, tumatayo akong editor sa proyektong sinasabi ko, napansin kong mali ang paggamit niya ng "NANG" at "NG". Hindi ako mangingiming pakialaman (i-edit) ang kanyang script. Pero hindi mababawasan ang admiration at respeto ko sa kanya dahil lang doon.

Walang taong perpekto, lahat tayo may pagkukulang at kapintasan. Ang tingnan na lang sana natin ay ang mga kabutihan nagawa ng bawat isa.

Huwag din sana tayong masyadong magpaka-teknikal, may kanya-kanya tayong kaalaman. Walang ibubunga ang ganito kundi pataasan ng ihi.

Huwag sana akong ipako sa krus ng mga anti-Caparas diyan sa tabi-tabi.

Muli, hindi ko siya ipinagtatanggol. Nagbibigay lang ako ng SARILI KONG OPINYON na para sa akin ay tama. Kung para sa iba'y mali ang mga pinagsasabi ko rito. Nirerespeto ko po ang inyong opinyon.

AMEN!

 
At Monday, May 11, 2009 10:08:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kung gusto 'nyong ibandera ang ilusyon (o delusyon) na si Caparas ay future Pinoy Shakespeare at ang dami ng kanyang mga mabababaw na komiks stories at concepts will withstand the test of time, for better or for worse, to have and to hold, e di sige. Sino ba naman kaming mga mata-pobreng pwedeng pumigil sa inyo?

Time will tell. At sa ganang akin, 3o years o 20 years from now, kung ganyan ka-lax ang inyong mga artistic standards (at perception ng reality), wala talagang asensong mangyayari.

You keep on pandering, pandering, pandering on the undeserving, the untalented and the worse just because they are POPular and "sincere" (eyes roll) in what they do.

Sige na nga. Pop icon si Caparas. Walang kinalaman dito ang mababaw niyang mga writing. Balang araw, "high faluting" at respected na ang mga skwed at awkward dialogs at plot concepts nya. By that time lalong bumaba na rin siguro ang kalidad ng lipunan at pag-iisip natin. By that time, para na rin tayong war-torn Beirut o Baghdad.

Let your conscience be your guide, komikeros.

Mabuhay ang mga security guard! Adios mi patria adorada.

-Juan Marquez

 
At Monday, May 11, 2009 10:17:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Hay naku. E, si Mr. Ong ganyan din kung magsulat at mag-isip tulad ni CJC e. Contemporary. Dine-depensa pa. Walang taong perpekto, so...'wag tayong sumikap para iaangat ang sarili natin, ang mga gawa natin? Hayaan na lang nating ganyan? OK na yan? Ok lang na mababaw tutal nagustuhan naman yan dati ng masa nong 19-kopong-kopong? Buuin nyo nga ang statement nyo, Mr. Ong: "WALANG TAONG PERPEKTO..." ?

-Juan Marquez (J.M.)

 
At Tuesday, May 12, 2009 12:19:00 AM, Anonymous nestor malgapo, sr. said...

Randy, pasensiya na...Hindi ko kilala yung Juan Marquez, lalo na yung abbrebiation na J.M. Bakit marami siya sinasabi tungkol sa mga komikeros...taga-komiks din ba siya? Kung taga-komiks siya, bakit marami siyang hindi alam? Kung hindi naman siya taga-komiks, e bakit siya NAKIKIALAM?

 
At Tuesday, May 12, 2009 2:22:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Ka Nes,

O nga no, dalawa ang JM hehehe. Si Juan Marquez, di ko alam kung tagakomiks. Pero si Joe Mari, sure na sure na tagakomiks :)

Okay lang naman sa akin na magdebate dito, wala lang personalan (baka masermunan na naman ako ni Juan M, hehehe).

 
At Tuesday, May 12, 2009 9:42:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

ahehehehem! Ka Randy , mukhang masaya na naman dito.hahahaha.

maka comment nga..

Akoy isang masugid na hardcore fan ng Panday na gawa niya pati yung nilabas sa TV na si Jericho Rosales yung actor.

Wala namang question sa kagalingan ni CJC at sa pagiging prolific writer nito. Sa tingin ko ok lang naman na ifeature ni Randy si CJC sa blog niya.

Marami lang talaga galit sa kanya dahil sa maling publicity stunt ng mga PR niya...masyado siyang naging
Hambog sa mga mata natin ngayun, dahil inaangkin niya ang trono na hindi naman karapat dapat sa kanya.
He is a self proclaim hero savior pero he done damage to the industry
dahil sa pinaggagawa niya.

dati , idol ko siya, kaso aaw ko ng pagiging manggagamit niya.

Then, siya mismo sumisira ng mga sarli niyang gawa pagdating na sa TV, binaboy niya sarili niyang mga gawa for publicity and for money.

ang tao ay hindi nasusukat agad sa tatlong oras na usapan, nalalaman mo ang tunay na motibo nila sa mga naging desisyon at mga ginawa nila.

 
At Tuesday, May 12, 2009 12:31:00 PM, Blogger Wordsmith said...

"You keep on pandering, pandering, pandering on the undeserving, the untalented and the worse just because they are POPular and "sincere" (eyes roll) in what they do." - Juan Marquez

IMHO, Randy wasn't pandering to the "undeserving and the untalented" nor was he being sycophantic to Carlo Caparas. Randy objectively pictured Carlo's achievements as a komiks writer/creator, and hence, an icon of Filipino pop culture.

I do believe that you're not "one of us," otherwise, you would not insist on literary merits and depth of message as measures in judging komiks content.

Komiks is entertainment (and business), and komikeros are primarily entertainers. Carlo was an extraordinary entertainer, an iconic entertainer no less. Never mind if his novels did not meet your standards since yours, obviously, did not jibe with the ordinary person's.

You also repeatedly insulted the Filipino masses. I think that's cruel and most unfair.

Sabi mo rin:

"Ang tinutumbok ng usapan dito, na di pa ninyo masagot na mga komikero e, tama ba na hindi naman ninyo tinataas ang antas ng inyong sining kasi sinasabay lang ninyo ang inyong artistic standards sa current, POP standards ng masang Pilipino, na alam natin e, GENERALLY ay MABABAW at BAKYA?"

Kaya ko nasabing hindi ka taga-komiks, or if you were, most likely, you had been in the fringes, ay dahil hindi ka aware na itong sinasabi mong pagtaas ng antas ng sining ng komiks ay hindi bagong paksa. Those in the komiks industry had always strived to inject depth, relevance and yes, artistic merit. Para saan ba ang maraming workshop-seminars na idinaos kahit noong araw pa kundi para i-address itong mga sinasabi mo?

There were also several instances wherein komiks people gathered and discussed, in informal settings, the concerns mentioned above.

At sabi mo pa rin:

"... mga Istorya nina F. Sionil Jose, Nick Joaquin, Lualhati Bautista, at ibang Palanca writers ng Pilipino lit textbook namin ang madalas naming basahin noon at nauunawaan."

Would you be surprised if you learn that there were several Palanca awardees that wrote for the komiks? Marami ring pumalaot sa pagsusulat ng Filipino romance novels.

And since I am venting, I might as well mention what you said in your first comment re Tagalog romance novels, na example ng "walang kalidad, tactless, bulok" na pop culture. Please, huwag mo namang hamakin ang lahat ng Filipino romance novels as such.

Lastly, Mr. Juan Marquez, kung anuman ang personal mong galit kay Carlo, let it go.

Peace.

 
At Tuesday, May 12, 2009 7:02:00 PM, Blogger KOMIXPAGE said...

Ayoko na sanang mag-comment at magbabasa na lang ako ng palitan ng opinyon dito pero lumilitaw na minamaliit dito ay ang mga taga-komiks as a whole, noon at ngayon. Etsa puwera na natin dito si Caparas at wala akong pakialam tagahanga man kayo o hindi ng tao. May kanya kanya tayong sariling panukat sa ating hinahangaan, ke mababaw o malalim siyang magsulat.
Ang komiks ay may sariling mundo. Ito ay ibinebenta sa tao bilang pang-aliw sa mga nagbabasa. Kahit ang isang writer ay may kasing-lalim pa ng ilog Pasig na istorya, hindi ito papasa. Kailangan ay adjusted ka sa kung ano ang gusto ng tao at ang komiks ay business. Katunayan ang mga big publication noon ay gumagawa ng sarili nilang survey para malaman ang pulso ng readers gaya ng ginagawa ng dalawang giant TV station ngayon kahit palpak pa at balahura ang pagpapatakbo nila ng istorya sa kanilang teleserye basta mataas ang rating, okey na.
Sa komiks, maaari kang magsulat ng malalim at de-kalidad. Depende na sa writer ito. Marami akong nakasabay na writer at ang ilan sa mga ito ay ganito ang sinusulat pero ano ang resulta? Kokonti ang nakakalusot at doon pa sa editor na malalim din ang pang-unawa. So, kung ang kaibigang Marquez ay naghahanap ng malalim ang mga literary works ng mga pamosong awtor ang basahin niya. Sa komiks mostly ay pinatatakbo lang sa apat na pahina ang istorya at kailangang i-edit pa kung mahahaba ang dialogue. Kung magaling ang isang writer, kahit maikli ito ay magagawa niyang laliman ang istorya, pero ang siste, maaaprubahan kaya? So, kung hindi ka taga-komiks, hindi mo ito mauunawaan. Saka huwag mong mamaliitin ang karamihan sa mga komikeros. Most of us were also professional pero dahil taga-komiks kami at naging bahagi nito, malaki ang pagpapahalaga namin dito. Hindi rin dapat sukatin sa pinag-aralan nila ang mga writer, ito ay talento. Kahit sampu pa ang doctorate na hawak ng isang tao, kung wala kang talento, sisiw lang siya sa isang security guard na meron nito. Hindi na si Carlo ang isyu dito kaya muli akong nakisabad. Mga komikero na, so, bilang isang dating taga-komiks, hindi puwedeng maging neutral lang ang stand ko dito. Marunong akong lumingon sa aking pinanggalingan.

 
At Tuesday, May 12, 2009 11:43:00 PM, Anonymous Anonymous said...

WORDSMITH: “I do believe that you're not "one of us," otherwise, you would not insist on literary merits and depth of message as measures in judging komiks content.”

So what does this mean? If Juan Marquez is a komikero, he would not insist on any literary merit or depth of message in making his komiks content?

WORDSMITH: ”You also repeatedly insulted the Filipino masses. I think that's cruel and most unfair.”

Define the masses right now please. What kind of Pilipino TV shows, radio shows, video games, movies, books and magazines and comics do majority of low income Filipinos really read? F. Sionil Jose or Boy Abunda? Would you consider it more fairer to state that the masses are so smart that they elect non-traditional and progressive politicians? That most of them are recipients of quality education and culture? Have good taste and moral upbringing?

WORDSMITH: “Those in the komiks industry had always strived to inject depth, relevance and yes, artistic merit. Para saan ba ang maraming workshop-seminars na idinaos kahit noong araw pa kundi para i-address itong mga sinasabi mo? There were also several instances wherein komiks people gathered and discussed, in informal settings, the concerns mentioned above.”

Ok. So komikeros attended seminars, workshops, had discussions…where’s the result? Where are the kinds of local Pilipino komiks made right now that you could be proud of as products of these seminars and workshops? To have and to Hold? Panday? Jesusa ang babaeng ipinako sa krus? Tuklaw? Totoy Bato?

WORDSMITH: “Kaya ko nasabing hindi ka taga-komiks, or if you were, most likely, you had been in the fringes, ay dahil hindi ka aware na itong sinasabi mong pagtaas ng antas ng sining ng komiks ay hindi bagong paksa. Those in the komiks industry had always strived to inject depth, relevance and yes, artistic merit. Para saan ba ang maraming workshop-seminars na idinaos kahit noong araw pa kundi para i-address itong mga sinasabi mo? There were also several instances wherein komiks people gathered and discussed, in informal settings, the concerns mentioned above.”

You know, this goes against what Arman is trying to say: that komiks have alleged and inherent limitations that cannot be overcome, hence its inability to rise above its lowbrow nature. ARMAN: “Sa komiks mostly ay pinatatakbo lang sa apat na pahina ang istorya at kailangang i-edit pa kung mahahaba ang dialogue. Kung magaling ang isang writer, kahit maikli ito ay magagawa niyang laliman ang istorya, pero ang siste, maaaprubahan kaya? So, kung hindi ka taga-komiks, hindi mo ito mauunawaan.”

Arman, you mean to say that local komiks for the masses can only be limited in such a format? That’s how you do it in the old industry? And that’s how it has to be no matter what when you write of the “intelligent” and “discerning” masses?

WORDSMITH: “I do believe that you're not "one of us," otherwise, you would not insist on literary merits and depth of message as measures in judging komiks content.”

So if you’re a local Pinoy komikero, you don’t insist on injecting or raising any literary merit in the komiks script you’re making? That depth of message is not the concern of a komikero? Somehow, this seems to contradict what you say here:

WORDSMITH: “Would you be surprised if you learn that there were several Palanca awardees that wrote for the komiks? Marami ring pumalaot sa pagsusulat ng Filipino romance novels.”

But Arman says otherwise. His concept of the local komiks medium is LIMITED daw. So even if you’re a Palanca awardee, your komiks writing would necessarily be lowbrow as well? Without any literary merit or depth of message? Can you give examples of these komiks stories and works made by Palanca awardees that have depth of message and literary merit? PLEASE?

WORDSMITH: “And since I am venting, I might as well mention what you said in your first comment re Tagalog romance novels, na example ng "walang kalidad, tactless, bulok" na pop culture. Please, huwag mo namang hamakin ang lahat ng Filipino romance novels as such.”

Well, if not all, would you agree that MOST Tagalog romance novels are lowbrow, have no depth of message and have no literary merit? That they’re all really commercialized pieces of local kitsch? Otherwise, they wouldn't be 'POP' at all, right?

-Amused (and now confused) Spectator

 
At Wednesday, May 13, 2009 10:07:00 AM, Blogger kc cordero said...

-Amused (and now confused) Spectator,

hi, sir...
one notable palanca awardee who used to write in komiks back then had Leonila Torre as her pen name. it would be tough to look for the copies of her stories now. also, many of our comics writers were catholic mass media awardees; ofelia concepcion, divino pagkatipunan, loida san diego, benjie valerio, joseph balboa, rj nuevas and mercie lusa; and other guys from gasi. even fermin salvador is a multi-awarded writer and had joined writing competitions outside of the comics terrain.
sa iyu naman po ng romance pocketbooks, marami talagang writer na may literary touch ang paraan ng pagsusulat sa pag-usbong pa lang ng pocketbook industry in the late 80s and early 90s. kaya lang ang mga writer na ito ay nangawala kasi maraming factors, una na rito ang ibang pananaw ng mga publishers sa medium at ang gusto nga ay komersyal. i have copies of benjie valerio's and fermin salavador's books; taglay ng mga akda nila ang mga pamantayan ng makasining na literatura at masarap basahin. kung narito ka sa pilipinas, puwede kitang mabigyan ng copy.
si wordsmith ay isang napakahusay na writer komiks man, pocketbook o magasin, english or tagalog. nauunawaan ko kung bakit lagi niyang ipinagtatanggol ang komiks, pocketbook at ang mga writer. magkakaibigan, magkakasama... nasasaktan kapag may tumutuligsa. anyways, reaksyunaryo kami sa mga isyung may kinalaman sa aming nature of work, at siguro ay inherent na iyon sa amin. pero sa mga sandaling hindi tungkol sa komiks, pocketbooks at artworks ang talakayan, masarap kasama ang mga tao rito. :}

 
At Wednesday, May 13, 2009 10:25:00 AM, Blogger Reno said...

One question for Spectator and/or Marquez...

Have you ever read any of the comics or books that you are putting down? Just wanted to know.

Hindi ito palaban na statement. Curious lang talaga if you made your judgement based on having actually read these things or just by what you've seen or heard from other sources.

 
At Wednesday, May 13, 2009 11:28:00 AM, Blogger Wordsmith said...

Amused (and now confused) Spectator:

Let me try to respond to some of your points.

If Juan Marquez is a komikero, he would have understood the limitations of injecting depth and literary merit in komiks. Komiks is meant to entertain and amuse. Readers do not read komiks to get a lecture or learn why the sky is blue unless the komiks that the readers pick up to read is educational or is a study supplement.

You can define the Filipino masses in a way without sounding so mean and elitist.

I suppose I should have mentioned at the outset that I do not believe, IMHO, that the komiks of yore, i.e. traditional, could be revived. Sterling’s venture proved that, and should I add that even before they came into the scene, my opinion, for whatever it is worth, is that komiks will have to reinvent itself in many ways, like, for example, along the lines of being heavily used as study materials or supplements. (Ginagawa na ito ngayon, btw.)

Arman got it right, no argument there.

It’s not a matter of insisting, but a matter of trying to inject (depth of message) in a subtle way. Or put it this way: depth and merit should be a natural part of the story; it shouldn’t be perceived as “deliberately injected” para lang masabing may magandang message.


I’d rather not reveal (in this venue) who those literary writers / Palanca awardees who wrote for the komiks, but I will mention one, Lualhati Bautista, since I was quite familiar with the stories she contributed to komiks especially in the early-mid 1980s. The materials she wrote, and those of the other literary writers, were definitely not “lowbrow.”

As for examples, can’t cite even one but those are archived in Atlas Publishing.

KC:

Thanks for citing the multi-awardees whose work should really be compiled for posterity.

Maganda sigurong proyekto ang likumin at ilathala ang makabuluhang mga kuwento sa komiks. Bukod sa puwedeng pag-aralan at i-critique, maipababasa rin ito sa mga tao na may makipot na ideya sa komiks.

 
At Wednesday, May 13, 2009 12:55:00 PM, Blogger Jason Paul Laxamana said...

hahaha, kitang-kita na insecure ang mga elitistang miyembro ng "high art" kuno.

Ang problem sa pinoy artist communities, they dont acknowledge the power of POP ART. POP ART even makes more money than HIGH ART, which is all for show. In short, HIGH ART is luxurious. It has no objective value. Pampayabang lang halos (halos lang, di naman lahat).

may nagsabing: "..hindi marunong umunawa at nakakaintindi ng "art". Bakit?"

yabang mo ha. palibhasa di uso ang trip mo kaya nanggagalaiti ka. art is subjective. naiintindihan mo nga ba ang POP ART? O yung superficial level lang nito? E yung institutions behind it at yung commerce behind it, and how it can be harnessed to lead the masses, naiintindihan mo ba? O hita lang ni Darna ang nakikita mo?

Korean and Japanese economy are very thankful to pop culture. Even American economy [used to and still is] taking advantage of pop culture. but then, ARTIST ka, you starve.

sabi pa: "Kasi nga, ang standard ay "POPULARITY". Kaya nga tinawag na "POP" art or "Pop" ICON."

marketplace of ideas lang tsong. asar talo wag pikon. that what you like no longer/does not sell to the majority means Nature is signaling you, "you need to evolve into something greater or at par with pop art to be noticed again."

 
At Wednesday, May 13, 2009 1:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mr. Maniquis. Please lang. Wag muna kayo umentra ng wala sa topic. Thank you. Sige tuloy.

 
At Wednesday, May 13, 2009 5:13:00 PM, Anonymous Anonymous said...

WORDSMITH 77: “Readers do not read komiks to get a lecture or learn why the sky is blue unless the komiks that the readers pick up to read is educational or is a study supplement.”

You’re absolutely right. Totally agree with you. The book, Jonathan Livingston Seagull for example, is not complicated yet an entertaining and ‘enlightening’ read. The Pearl by John Steinbeck is not complicated either nor pedantic yet, it has depth.

When we say that local POP comics ought to have literary value and content does not mean that it has to be heavy-handed or text heavy as most out there seem to unfairly imply. Rather, what is meant is that, only that through the simple language and economy used by the POP medium, is it able to impart some insight that is useful and/or uplifting to the human spirit. Why simple and uncomplicated language? Because that is the level of comprehension of the masses. You may be “hurt” you may be “offended” but that is FACT. No malice intended. We are just stating fact. Go ask mass communication, journalism and social studies students and you will get the same observation. Unlike you, they are not poets and idealists.

And yes, it wouldn’t hurt if you had publications that are wholly educational. You are wrong in thinking that many people don’t buy educational publications on a commercial level. In fact, that is big business right now in the country. Ever heard of the billion dollar (not peso) textbook scandal two years ago involving Aviba Publishing? Filipinos read more (error-laden) textbooks than entertainment books. Yet, however tragic the situation, you see their sincere search for useful knowledge they could use in their lives to make them better persons.

Yet, what do creatives in local POP media do? Do they address this? No. Because according to you, they just entertain the masses according to their level of appreciation and comprehension, like what POP icon Carlo J. Caparas has done. Nothing more, nothing less. PERIOD. Don’t strive or go any further. Forget about literary value. You won’t find it in local komiks. KOMIKS has its limitations. It can never be “highbrow” or “middlebrow”. Only “low brow”. It cannot have as much depth and meaning as a good book. This is what Arman said. This is what Wordsmith also said.

DO YOU AGREE?

Apparently, KC Cordero doesn’t think so. He cites examples but they are in the minority to be sure. The writing ideals and standards of these Palanca writers are not shared by MAJORITY of komikeros.

On the other hand, Wordsmith is conflicted when he/she also mentions that these few Palanca writers also wrote in local komiks but is at a loss in citing these particular works that are presumably of literary merit and value (in just 4 or 6 pages?). Even though KC Cordero mentions examples, the plain fact is, they are not done on a commercial and profitable level.

Okay. You give excuses. It’s the publisher’s fault. The publisher does not think that there’s a profit if you uplift the quality of komiks writing. But why is this so? Isn’t it because he is swayed into this kind of thinking in the first place, by MAJORITY of komikeros who share the same view? Don’t you think it would be a different picture if majority of komikeros had a different view? Certainly you must agree that right now, from what Arman and Wordsmith posted, majority of local Komikeros share the view that local komiks can only be lowbrow and exclusively for the simple and feeble-minded. Its more commercial. Its more profitable. Its more ‘POP”.

In countries like the U.S., Japan and France, they don’t apparently share the same publishing outlook. Believe it or not but in these countries there are more comics that do not also have literary and educational merit but are entertaining, commercial and PROFITABLE as well. What is more, the comics writers who write these comics, are several and successful in number when compared to the FEW Palanca writers you mention who vaguely wrote for local comics (and presumably did not last)

Talk to Ed Brubaker, Geoff Johns, Jodi Poucault, Brad Meltzer, Neil Gaiman and Frank Miller (to name a few) about their objective for comics writing, and they would give you a view contrary to what Wordsmith and Arman had been espousing.

Can you see the difference?

In progressive “elitist” countries, comics writers over there aspire for a better comics product and turn heaven and high water for it to be a reality. In the Philippines it’s the reverse. Majority of komiks writers just write purely for entertainment that the low-income masses can comprehend and understand because komiks has inherent limitations cannot truly be an artform. What is the proof of this? Well, Juan Marquez seems to have nailed it: the komikeros’ declaration of Carlo J. Caparas as a POP icon who just wrote a LOT of entertaining komiks stories that had no literary value or merit whatsoever.

You may think that to be mean and elitist, but that is PLAIN fact. You want to get mad, get mad at reality. Get mad at yourselves. Don’t shoot the messenger or the piano player.

Majority of komikeros also seem to claim that they have been ‘starting’ to change their ways. Well, why not before when there was a local komiks industry. Why only now when there is none? And why do they espouse (consciously or unconsciously) their old view that komiks can only be lowbrow for mass, commercial reading?

Sterling and Caparas tried to do just that. Was it profitable? Why did it tank early? If it was so profitable, Sterling should have continued even without Caparas because majority of komikero writers write and think like Caparas. Right? We have a lot komikero hacks.

-- U.S. comics/local indie enthusiast and another Amused Spectator

 
At Wednesday, May 13, 2009 8:10:00 PM, Blogger Reno said...

Paano nasabing wala sa topic ang tanong ko? Hindi ba't puwede mo lang i-judge ang isang body of work kung ito'y nasampolan mo man lang?

Simple lang ang tanong ko... Nakabasa ka na ba ng mga tinutukoy mo o hindi pa?

Or are you just dodging the bullet?

 
At Wednesday, May 13, 2009 8:20:00 PM, Blogger Reno said...

On second thought, Mr. Anonymous, you don't have to answer my question. Your response above has just told me what I needed to know. :)

 
At Wednesday, May 13, 2009 11:48:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Hi Jason Paul:

Ang sarap naman ng tulog mo. Maski sa desk lang, nakakatulog ka pala! At ang unan mo pa, libro. Parang Fyodor Dostoyevsky ba iyan? Alin, "Crime and Punishment" o "The Idiot"?

Siyanga pala, kaanu-ano mo si ABEL LAXAMANA na komiks illustrator dati? Alam mo bang dating POP ICON dito sa north America at Europe si Laxamana? Daming ginawa niya sa DC at Marvel at saka sa Warren. Pero diyan sa RP, iniisnab lang ng mga "high Brow" kuno na kapuwa niya Pilipino. Tulad din ng nangyari kay Alex Niño. Kapag nariyan lang sa bansa, iniisbnab. Low brow ang turing. Pag-nagpunta sa ibang bansa, biglang hinahangaan, sakay na rin sa bandwagon ang mga dati'y nang-iisnab.

 
At Thursday, May 14, 2009 6:19:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Mr High Brow!

I think I already knew who you are based in your statement I seemed that you are very much innocent about local "Komiks" since you're not a part of it. I knew you're also a Komikero and belonging to a "tribe" pf elitist few na mahilig lang magmalaki but compared to some old komikeros, you're nothing. Try to analize your work first and read some local "low brow" if they were really not of literary value. Just go down first in your self proclaimed throne and try to associate with the low brow. It is only then that you will realized, you misjudged them.
Do not talk to Ed Brubaker, Neil Gainman etc. Talk to the ghost of Mars Ravelo, Clodualdo Del Mundo etc. and I'm surely know what they advise to you. You're just a "kamoteng kahoy" disguising like a bacon.

very truly yours.

Mr. Low Brow

 
At Thursday, May 14, 2009 5:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

The point people, is that the kind of POP comics in the U.S. have a desire and commercial initiative to IMPROVE itself beyond lowbrow.

Here, the kind of POP komiks of yesteryear and today, have no real commercial incentive to improve itself. Rather, it has stayed unchanged.

You cite small, isolated instances of a few, unidentified komiks stories with some literary merit. It is not widescale or commercial as in Japan, France or the U.S. Otherwise, you would not have placed a lowbrow hack komiks writer like Caparas as a cultural icon. Oops. YOUR cultural icon.

Local komiks of yesteryear, produced in mass, commercial quantities were admittedly LOWBROW MELODRAMA. BAKYA. Even today, that is the case.

You cannot really say the same about the POP comics cultures of the U.S. Japan, France, Korea, and other first world countries.

The difference here is that in these first world countries, their comics creatives COLLECTIVELY aspire to produce BETTER comics for the masses and not just pander to their lowbrow and amateur tastes like what you komikeros are always doing.

If you are hurt by that observation, then get over it.

 
At Thursday, May 14, 2009 5:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ano tong pinagsasabi ni Arman na yung magagaling lang na komiks writer ang nakakagawa ng tunay na obra sa 4 hanggang 6 na pahina lamang?

Ibig bang sabihin mas marami ang hindi magagaling na nagsulat ng 4 to 6 pahina ng komiks noong araw? Aba, di yata tama 'yan.

 
At Thursday, May 14, 2009 6:18:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Hoy, Anonymous, Juan Marquez at Abused Spectator:

Yabang nyo ha? Hindi kami lowbrow! Kung mabasa nyo lang ang mga komiks ngayon ng magagaling nating mga komikero di nyo sasabihin ang mga nakakasaki nyong salita! Pumunta kayo sa WEBKOMIKS.COM nang matauhan kayo!

Hmph.

--Bi-stander

 
At Thursday, May 14, 2009 8:09:00 PM, Blogger JEFFREY MARCELINO ONG said...

JUAN MARQUEZ!

Ikaw lang ang pumutak at nag-react sa sinabi ko, ibig sabihin ba nu'n tinamaan ka?

Ayaw ko sanang pumatol sa diskusyon pero mukhang napaka-palalo mo para humusga.

Komikero ka ba, Mr. Marquez? Nakapagsulat ka na ba? Palagay ko patuloy kang nagtatago sa ginagamit mong pangalan. Juan Marquez? Ito ba 'yung pinabagsak ni Pacquiao?

"Hay naku. E, si Mr. Ong ganyan din kung magsulat at mag-isip tulad ni CJC e. Contemporary. Dine-depensa pa." -Juan Marquez (daw siya)

Sa statement mo na naka-quote sa itaas, Mr. Marquez, paano mo nasabi at nahusgahan na katulad ako ni CJC kung magsulat? Nabasa mo na ba lahat ng mga nagawa ko? Kilala mo ba ako nang personal? Ang matinong writer, kayang mag-adjust, flexible...kung kinakailangang contemporary ang kuwento (dahil ito ang hinihinging materyal) ito ang idini-deliver ko. Kung kailangan ng kalaliman, ibibigay natin.

Hindi nangangahulugang inaabot natin ang masa eh nagpapakababaw at nagpapaka-bobo na tayo.

Ano nga ba ang basehan ng contemporary at hindi? Meron nga ba? Sabi ko nga, sa ganang akin, dpende na ito sa opinyon at standard ng mga mambabasa (at manonood).

Hindi ka ba marunong magbasa, Mr. Marquez? Basahin mo nga uli ang una kong comment saka sabihin mo uli na tahasan kong idinedepensa si CJC. Nagbigay pa nga ako ng ilang napansin kong pagkakamali niya. Pero uulitin ko, hindi mawawala ang respeto ko sa kanya dahil lang doon. Ang mga nagawa niya ay nagawa na, baliktarin mo man ang mundo, umabot man sa isang milyon ang palitan ng mga salita sa blog na 'to, hindi mo na mababago ang naganap na.

"Walang taong perpekto, so...'wag tayong sumikap para iaangat ang sarili natin, ang mga gawa natin? Hayaan na lang nating ganyan? OK na yan? Ok lang na mababaw tutal nagustuhan naman yan dati ng masa nong 19-kopong-kopong? Buuin nyo nga ang statement nyo, Mr. Ong: "WALANG TAONG PERPEKTO..." ?" -Juan Marquez (daw siya)

WALANG TAONG PERPEKTO...LAHAT TAYO MAY KAPINTASAN...PERO BAWAT ISA AY MAY KANYA-KANYANG MAGANDANG KATANGIAN AT ABILIDAD. ANG SINO MANG NAGMAMAGALING AT MAPANGHUSGA AY MASASABING ISANG HAMBOG AT PALALO.

Wala akong sinasabing hindi na tayo magsisikap na iangat ang sarili at mga gawa natin, Mr. Marquez. Kung ganyan ang interpretasyon mo sa sinabi ko, ikaw ang bahala. Ipinapakita mo lang kung gaano ka ka-notoryus manghusga ng kapwa.

Kinse anyos pa lang ako, nagsusulat na ako sa komiks. Dalawang taon lang ako nagsulat ng short story, nakahawak na ako ng mga series at nobela. Bakit? Dahil nagsikap ako na iangat ang sarili ko pati na ang kalidad ng mga gawa ko. Namatay ang komiks sa harapan mismo ng mga kasamahan kong nagtiyaga rito hanggang sa huli pero ni minsan, hindi ako nagsulat para kumita lamang! Kahit talbog na tseke na ang ibinabayad, o hindi na nga talaga binabayaran, nagsulat pa rin ako hanggang sa huling patak ng tinta!

Nawala ang komiks, naghanap ako ng sarili kong mundo, nakisalamuha sa kung sino-sino at malalaking tao para madagdagan ang kaalaman at eksperyensiya, para mas tumibay ang pundasyon sa pagsusulat. Isang taon matapos mamatay ang komiks, nagawa kong iangat ang sarili ko dahil nagawa kong magsulat at magdirek ng mga makakabuluhang stage play at indi film sa aming probinsiya! Napasok ako sa ABSCBN, napaso sa sistema, naramdaman kong ikinakahon nila ang utak ng mga writer...nagpumiglas ako...tumakas at muling naghanap ng bagong mundo. Patuloy na naglalayag para madagdagan ang kaalaman hanggang ngayon.

Hindi ako nagmamalaki, Mr. Marquez...nagsasabi lang ako ng totoo! Mag-ingat ka sa mga taong hinuhusgahan mo dahil gaano man karami ang nalalaman mo tungkol sa kanila...hindi mo pa rin sila lubos na kilala!

Marami kang sinasabi, marami kang alam...pero hindi sapat iyon para mapatunayan mong ikaw ang tama at ikaw ay magaling.

Magpakita ka nga ng sampol na gawa mo kung ano ang kuwentong kontemporary at kung ano ang hindi?

 
At Friday, May 15, 2009 6:48:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Palagi na lang: "huwag nyo kaming husgahan. Naghirap kaming umabot sa ganitong katayuan...hu hu hu..." E, hindi naman yan ang pinaguuspan dito e.

Ang pinaguusapan dito, ang state ng komiks pop culture sa Pinas, at kung bakit ganoon kababaw hanggang ngayon ang komiks writing/storytelling. Ang thesis na minungkahi ni Gng. Marquez, na mukhang marami ang natamaang lintek na komikero lalo na yung mga dating beterano ng OLD TRADIITONAL industry, ay ang patuloy na umiiral nilang pag-iisip na wag na ngang pabutihin ang kalidad at literary standards nila sa pag-susulat sa komiks dahil nga sa kung ano-anong dahilan tulad ng: mababaw lang ang taste ng masa, di kayang gumawa ng magandang kwento sa 4 to 6 pahina lamang, publisher ang me kasalanan, its a futile endeavor, meron namang kokonting Palanca komiks stories dyan...atbp.

Lumilihis ang usapan at lalong bumababaw "lowbrow" kung ang isa nanamang dahilan diyan e..."huwag nyong husgahan ang mga komikero, kausapin mo ang multo ni Mars Ravelo, o magpakita ka nga ng sample ng gawa mo" ek-ek.

P.S. Anonymous: Napuntahan ko yong WEBKOMIKS.COM. Good god. Natauhan nga ako. Wala pa ring pagbabago.

-Pro Juan Marquez

 
At Friday, May 15, 2009 1:17:00 PM, Blogger kc cordero said...

-- U.S. comics/local indie enthusiast and another Amused Spectator

hi, sir...
re: error-laden textbooks; it is abiva publishing or vibal publishing?

 
At Friday, May 15, 2009 8:01:00 PM, Blogger JEFFREY MARCELINO ONG said...

Nandoon na nga tayo, e. Ang state ng komiks ngayon ang pinag-uusapan. Ang tinutukoy dito na huwag husgahan eh 'yung iniisip ng mga bumabato rito ng komento. Gaano ba tayo kasiguro na hindi nag-iisip ang mga narito na itaas ang kalidad ng mga kuwento sa mga panahong ito?

Kaya nga naglitawan ang mga indie publishers dahil gusto nila ng kalayaan, walang publishers na magse-set ng standard (na siyang sinasabing kababawan). Malaya ang mga indie publishers na mag-explore kung paano mas mapapaganda ang komiks ng pinoy. Iyon nga lang, kapag umiral ang kayabangan ng mga taong walang ginawa kundi pumuna (na kadalasan ay personal ang atake), lalabas pa rin na walang kuwenta ang effort ng mga nagsusumikap na pagandahin at iangat ang komiks natin. Ang pinapansin lang kasi ng mga kritiko eh 'yung para sa kanila'y mali at pangit, ayaw nilang tingnan ang positibong aspeto ng mga nalilikhang komiks ngayon.

Noong araw, noong panahong papabagsak na ang komiks, naging talamak ang mga kuwentong isinulat yata ng writer habang natutulog at nagbibilang ng butiki sa kisame. Naging paramihan na kasi ang labanan, nawalan na nang kalidad tuluyan. Kapag nagsulat ka ng matino, talo ka kung ang habol mo ay kumita.

Kami ng ilang kong ka-batch sa komiks ay nangahas na maglabas ng para sa amin ay matino at ideal na komiks. Hindi contemporary pero kayang abutin ng masa. Nagkataon na kami'y mga manunulat lamang at hindi negosyante. Nailabas namin ang gusto namin pero hindi namin naipagpatuloy. Hindi sapat ang aming lakas para lumaban.

Ako mismo, kritiko nina Mars Ravelo, Carlo Caparas, Pablo Gomez at iba pa. Pansin naman sa iba nilang gawa na kinopya lang sa banyaga ang mga konsepto. Nag-click lang sa masa kasa sumibol sila sa tamang panahon kung kailan matindi ang demand at needs ng mga mambabasa. Sa panahon ngayon, hindi na akma ang mga ganu'n.

Isa ako sa dismayado sa mga komikerong nagpapabilanggo sa multo ng nakaraan. Hindi dahil sa medyo kinatigan ko si Ginoong Caparas ay nasa lumang panahon ang mentalidad ko. Ang punto ko lang dito, si CJC ay bahagi ng ng history ng komiks, ke mababaw o malalim ang mga gawa niya, hindi na iyon ang punto. Hindi natin maitatanggi na may nagawa siya sa industriya ng komiks. I respect him for that. Iyong tao, ayon mismo sa kanya nang makausap ko, ay nag-e-effort na mag-adjust at mag-research para raw sumabay sa panahon ang mga gawa niya. Aminado siya na nahihirapan siya pero ginagawa niya ito.

WEBKOMIKS...hmmm...maganda ang layunin ng mga nasa likod nito. Ang problema, naka-kahon pa rin sila sa nakalipas. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, nakausap ko si Tita Florence, sabi niya, sana raw magbigay kami ng mga ka-batch ko ng script kasi kailangan nila ng matinong kuwento. Kitam...ibig sabihin gusto rin nila na mapaganda at i-angat ang komiks. kaso hindi talaga maiwasan ang traditional na gawa.

Para sa akin, mahihirapan talaga tayong iangat ang komiks kung hindi tayo magkakaisa. RESPETO sa isa't isa ang kailangan. Maganda ang kritisismo kung ito ay constructive at hindi personal ang banat. May mga kritiko kasi na pumupuna para lang iangat ang kanilang mga sarili.

Hindi mali na ipagpatuloy ang traditional na komiks, respeto ang kailangan dito, ke kababawan ito o ka-cheap-an, dito pa rin tayo nagmula. Sana marunong tayong lumingon sa pinanggalingan.

Nirerespeto at hinahangaan ko rin ang mga gumagawa ng mga modern komiks,lahat naman siguro tayo naghahangad na mapaganda ang ating mga gawa, na makilala at hangaan tayo dahil nakagawa tayo ng maganda. Appreciation lang siguro ang kailangan.

Kung mamumuna tayo para lang maghanap ng butas, tumahimik na lang tayo. Civilized discussion ang kailangan para mapaganda ang komiks, hindi bangayan, payabangan at siraan.

Pare-pareho lang nating mahal ang komiks.

 
At Friday, May 15, 2009 8:04:00 PM, Blogger KOMIXPAGE said...

Ito ang kahirapan sa mga anonymous, parang boxer ka na nakikipag-boksing sa isang anino, gayong ang kalaban nila ay lantad na lantad. Ayoko ng pahabain ang pakikipag-argumento. I respect all your opinion kaya I expect na rerespetohin din ninyo ang aking punto de vista. Pero bago ang lahat, gusto ko munang humirit sa sinabi ng isang anonymous.

Heto ang kanyang sinabi:
“Ano tong pinagsasabi ni Arman na yung magagaling lang na komiks writer ang nakakagawa ng tunay na obra sa 4 hanggang 6 na pahina lamang?
Ibig bang sabihin mas marami ang hindi magagaling na nagsulat ng 4 to 6 pahina ng komiks noong araw? Aba, di yata tama 'yan.

Balikan ninyo ang statement ko:

“Sa komiks mostly ay pinatatakbo lang sa apat na pahina ang istorya at kailangang i-edit pa kung mahahaba ang dialogue. Kung magaling ang isang writer, kahit maikli ito ay magagawa niyang laliman ang istorya, pero ang siste, maaaprubahan kaya?”

“Sa komiks, maaari kang magsulat ng malalim at de-kalidad. Depende na sa writer ito. Marami akong nakasabay na writer at ang ilan sa mga ito ay ganito ang sinusulat pero ano ang resulta? Kokonti ang nakakalusot at doon pa sa editor na malalim din ang pang-unawa.”

Nasaan dito ang sinabi ni anonymous na sinabi ko daw “na yung magagaling lang na komiks writer ang nakagagawa ng tunay na obra sa 4 hanggang 6 pages lamang?” Ang sinabi ko: Kung magaling ang isang writer, kahit maikli ito ay magagawa niyang laliman ang istorya,” At ang sinabi niyang “Ibig bang sabihin mas marami ang hindi magagaling na nagsulat ng 4 to 6 pahina ng komiks noong araw?” Ito ay sarili lang niyang perception at siya ang nagsabi.

Kaibigan, medyo unawain mo muna ang binabasa mo bago ka magsalita. I respect all the writers noong dekada ng mga senior ganoon din ang mga kabataang writer ngayon. Sila ay naging bahagi ng isang kulturang Pilipino, ang komiks. Mababaw man sa paningin ng ilang nagsasabi nito ang kanilang mga obra, the fact remained na mayroon silang dapat ipagmalaki dahil minsan ay naging laman at aliw sila ng mga ina ng tahanan, tindera sa palengke, estudyante sa gilid at sulok ng university, pasahero sa mga sasakyan etc, etc. May mga kabataang dito rin unang natutong magbasa, magdrawing etc. Ngayon, ay bahagi na lamang ng alaala ang komiks na iyon at makikita na lamang ninyong naka-poste ang ilan sa mga blog ng mga nagpapahalaga dito, Pero, nakalulungkot, naging tampulan pa ito ngayon ng pagtatalo, pagkakabahabahagi, patalinuhan, payabangan, panlalait, low brow, etc etc.
Pinupuri ko ang mga talentong nagsulputan ngayon at namamayagpag sa paggawa ng kanilang mga obra sa abroad. Nababasa ng mga banyaga. Sa kabila nito, ng inyong pananagumpay, alam kong hungkag ang inyong mga kalooban dahil, maaaring ang ilan sa inyo ay ni hindi naging bahagi ng isang kulturang naglaho at sinasabi ninyong low brow. Maaring napasaya ninyo anginyong sarili, ang mga banyaga na nagbabasa ng inyong mga obra, pero hindi ang masang Pinoy na naging tagatangkilik ng komiks
noon. This is my last piece here at sabihin na ninyo ang gusto ninyong sabihin, I’m happy and contented to what I achieved in komiks kahit huling kabit na lamang ako dito. Peace to all komikeros!

 
At Saturday, May 16, 2009 5:15:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ano ba namang KUKOTE mayroon itong sina Marquez at kakampi ni Marquez?

Nag-dudunung-dunungan kayo, puro naman kapantasyahan ang mga pinagsasabi ninyo. Hinahamak ninyo ang mga thried world, eh nasaan kayo nakatira, aber? Nasa First world ba kayo? Di ba't mga hamak din lang kayong mga thrid world na tulad ng karamihan dito?

Ano kayo, mga pasosyal? Sosayting Dukha na tulad ng isang komiks noon na sinulat yata ni Coching o ni Gomez.

Lintik na na mga pantasya ninyong dalawa. Mahiya-hiya nga kayo sa mga asta ninyo. Feeling FIRST WORLD kayo eh ayan at nasa THIRD WORLD din ang daigdig ninyo?

Mga HANGAL! Laitin ninyo ang mga kagaguhan ninyong DREAMING FIRST WORLD na hanggang dalampasigan lang naman kayo ng bansang Pilipinas. Kung hindi ninyo gusto ang komiks ng Pilipinas na gawa ng mga kapuwa ninyo Pilipino, ay magsipunta kayo doon sa Amerika. Tingnan ko lang kung mabigyan kayo ng VISA. Baka sa pintuan pa lang ng embassy, na-ban na kayo. Lintik. Magsigising nga kayo, oy. Magpakatotoo kayo. Puro kayo pantasya. Mga colonial ang inyong mga utak. Grow up. Mr. Marquez and Amused spectator. Katawa-tawa lang kayong dalawa.

-Amused Marquez Spectator III

 
At Saturday, May 16, 2009 8:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

WALANG TAONG PERPEKTO...LAHAT TAYO MAY KAPINTASAN...PERO BAWAT ISA AY MAY KANYA-KANYANG MAGANDANG KATANGIAN AT ABILIDAD. ANG SINO MANG NAGMAMAGALING AT MAPANGHUSGA AY MASASABING ISANG HAMBOG AT PALALO.

E sa talaga naman pong napakapangit at napaka-lowbrow ng KARAMIHAN ng mga local komiks stories e. Noon at magpahanggang-ngayon.

Bakit nagkakaganon? Kasi nga, imbes na HUMUSGA kayo at PAGSABIHAN ang karamihan sa mga bulok na lowbrow Pilipino komiks writer (indie man o tradisyonal) ay kinukunsinte nyo, o dinadaan na lang sa tahimik. Binibigyan pa ng guilty conscience ang mga taong diretsong pumupuna sa gawa nila.

Mr. Ong, kung talagang me artistic standards kayo at ito ay binibigyan nyo ng halaga, di sana kayo tumulong sa CJC komiks na yan. Linaw linaw na karamihan sa mga tumao diyan e mga sarado isip at mababa ang artistic visual storytelling standards. Ang labas nyo tuloy proofreader lang at adminsitgrative go-boy ni Caparas at Jolad Santos.

Ang linaw-linaw na sa simula pa lang iba ang inagenda ng mga nagpaandar nyan. At ito ay hindi ang palaguhin at iangat ang kalidad ng komiks.

Mismong si Caparas nilalait at pinipigil ang gawa ng mga ka-kontemporaryo at baguhan dahil sa ayaw niyang masapawan ang ambisyon niyang maging nagiisang KOMIKS KING.

Iyan ang cultural icon?

Humusga naman kayo. Maging objective sana kayo. May mga CONSEQUENCES itong mga ginagawa ninyo. Bago ninyo tuluyang pataasin pa ang trono ni Caparas bilang "lowbrow" POP komiks writer, isipin nyong mabuti ang kahihinatnan nito.

Sa mga nakadalo noon sa U.P. na kung saan nagkaroon ng informal usapan tungkol sa komiks, maalala nyo na sa malaking screen, nai-power point ang mga sample pages ng SINASAMBA KITA ni Elena Patron (not sure). Binandera ito bilang isang ehemplo ng POP komiks writing noong kasansagan ng industriya.

Mga kasalukuyang college students ng dekada 2000 ang masugid na nagbasa sa mga dialog at captions ng SINASAMBA KITA sa screen. Alam nyo ang naging reaction?

Sa mga nakakaalala, heto ang nangyari: PINAGTATAWANAN NILA. Nandoon pa sa panel sina Elena Patron at iba pang mga women komiks writers ng 70s at 80s. Kitang-kita mo ang shock nila nang nagtawanan ang mga U.P. students.

Talaga po namang contrived ang dialog, dragging ang mga eksena, me mga uncalled for heightened emotions sa ending ng bawat scene, O.A. na mga prosa, sa sobrang "lowbrow" naging kakatwa.

Hanggang ngayon ganyan pa rin. Maging sa CJC/Sterling komiks, karamihan ng mga local Indies, Webkomiks, at karamihan pa sa hanay ninyong mga komikero.

Bakit nagkakaganyan? Dahil nga kinukunsinti 'nyo. Di nyo tinutugis. Di kayo diretso magsalita. Kung saang paikot-ikot ang usapan at di masabing mali ang ginagawa na ng kabila. Lalo lang dumadami ang mga bulok na komiks writer sa Pians at pinalalala lang ng mga kapwa komikero nila ang sitwasyon.

-Juan Marquez

 
At Sunday, May 17, 2009 3:22:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Juan Marquez:

Hinahon muna. Baka matuyuan ka ng dugo. Hindi mo ba nabasa ang mga sinabi rito ng mga miyembro ng dating old komiks industry? Wala namang nagsabing high brow ang mga ito. Paulit-ulit na nasabi na ito ng halos lahat sila. Para namang hindi pumapasok ito sa ulo mo? May learning disability ka ba? ADD? ADHD kaya? O baka naman Bipolar pa?

Balikan mo na nga ang lahat ng sinabi ng mga tao rito. Lahat sinabing hindi mataas ang komiks dahil ang unang hinahanap ng mga publishers nito ay maabot yung kulang ng sophistication at siyang magdadala sa publishers ng katakut-takot na datung. Pero tama rin na sinabi nila na kahi't mababa ang sadyang inaabot ng komiks, may mga mangilan-ngilang mataas ang antas, na magkaminsan ay ayaw patusin ng mga mambabasa.

Kung tutuusin, wala naman talagang dapat pagtalunan. Kung gusto mong mabuhay sa lugar na mas nakararami ang nakapag-aral, nakakakain ng gusto nilang kainin dahil may pambili sila nito, ay doon ka nga magpunta sa first world, tulad ng sinabi ni Amused Marquez Spectator III. Narito ka sa Pilipinas, sa daigdig ng mga api. Api sa pang-araw-araw na pagkain, api sa pang-araw-araw na pagpapagamot, api sa pang-araw-araw na corruption, api sa pang-araw-araw na buhay. Mga poor ang drama natin dito. Hindi tulad sa mga industrialized nation na may mga programa para sa social needs at lalo na sa pang-araw-araw na pamumuhay. Dito sa atin, ang mga gumagawa ng istorya at drawing sa komiks ay binabayaran ng hindi naman napakalaki. Para mabuhay ang mga ito, kinakailangan nilang gawin ang dapat gawin. Kung ano ang required ng publications, iyon ang gagawin. Palibhasa hindi kayo insiders ni Spectator. Hindi ninyo alam kung ano talaga ang mga nangyayari sa loob ng industriya. Wala sila sa New York, Los Angeles, Toronto, Madrid, London at Tokyo. Nasa Maynila sila. Kung ano ang hinihingi ng industriya, iyon ang gagawin nila dahil kung hindi, magtatrabaho na lang sila bilang basurero, construction o katulong sa bahay ng mga mayayaman.

At iyang pinagmamalakai at mina-magnify mong nagtawanan ang mga taga-UP sa komiks ni Elena Patron, sa palagay mo kaya'y pinakoronahan nila ang kanilang edukasyon? Ang tunay na may edukasyon ay hindi umaarte ng ganyan. Ang ganyang mga pag-uugali ay hindi dapat hangaan ng tulad sa paghangang ibinigay mo sa kanila. You are condoning the wrong values of these young people. Their arrogance will ricochet and hit them full force in their faces. Alalahanin mo. Mas mataas ang inabot ng kalidad ng ATENEO kaysa sa UP sa ranking ng universities sa mundo. Internationally, ang mga universities sa Pilipinas ay ni hindi nakasama sa first 100, or first 200, or first 300, or first 400, or first 500. Wala. Ala. Bokya. Kaya yang mga arroganteng taga UP, matuto sanang maghunos-dili. At higit sa lahat, dapat ikaw rin. Mangilabot ka sana sa mga mali mong pag-aakala. Iyang Delusion of grandeur ninyong dalawa ni Mr. Spectator ay sana'y putulin na ninyo ngayon din. Pinagtatawanan na kayong dalawa sa mga kabugukan ninyo. Pati si Shakespeare ay tinutulagan ninyo. Kung nagbasa man lamang sana kayo nito ay may napulot pa kayong mabuti para sa karakter ninyo. Teka, naturuan ba kayo ng mga magulang ninyo kung ano ang tamang pakikitungo sa kapouwa? Mukhang hindi ko nakikita ang ganito sa inyo.

Amused Marquez Spectator IV

 
At Sunday, May 17, 2009 9:00:00 AM, Anonymous Anonymous said...

J.Marquez,

Ito ang sample classic situation ng GENERATION GAP. Sa mga gurang, pasado si CJC,sa mga new generation, hindi. What can I say ? good ! kasi mi progression. Kasi kung wala, that's going against nature. Dapat nga itaas ang STANDARDS, at iyan ay nakasalalay sa kamay ng mga kabataang komikeros. Be that as it may , pabayaan mo na ang mga gurang na komikeros, kasi they are already a part of history. Si CJC eh 64 na, hindi na rin siguro magtatagal sa mundo iyan. Gawin mo na lang example ang kaniyang mga obra sa kabataan ng HOW NOT TO DO KOMIKS. Nasa iyo at sa mga kapareho mong mi critical minds ang pag -asa ng industriya. Hindi na pwede yung mediocrity sa inyo, dapat struggle for greater heights.
Pero lahat ng ito ay nakakabit din sa political-economy ng Pinas, habang mahirap tayo, at maraming mangmang, hindi talaga uusad ang progreso, including komiks.

BTW, one shot deal lang yung sa ESQUIRE MAGAZINE ng METAMORPHOSIS, at bitin nga. Noong binabasa ko , naguluhan ako at parang hindi tapos.



Porfirio Rubirosa

 
At Sunday, May 17, 2009 9:11:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Nakupo. Three days ag, ito na ang debate, hanggang ngayon, pareho pa ring debate.

Ito naman kasing dalawang napakarurunong, eh kalaking mga tanga. Maski sino pang ulol sa kalye ang tanungin ninyo, si Carlo Caparas ang may pinakamarming sinulat na komiks nobelas noong mga 1980-1990.
Bakit ba hindi muna kayo nag-research bago kayo nakipag-debate dito? Mga wala naman kayong nalalaman sa state ng komiks dito sa Pilipinas, tas kulang na kulang din kayo ng knowledge sa comics sa abroad, lalo na sa European at American. Sa tingin ko sa mga argumento ninyo, pinuloit lang ninyo sa internet ang mga pinagsasabi sa inyo kaya tuloy buking na buking ang mga ka-ignorantehan ninyo.

Sumuko na kamo kay Metrocom ini!
Hak-hak-hak.

Johann Gonzales
72 Bell Street
Quezon City

 
At Sunday, May 17, 2009 10:56:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Aray ko. Dati akong taga-UP, mabuti na lang at lumipat ako sa FEU. He-he.

Kunsabagay, wala naman iyan sa school. Nasa estudyante. Kahi't naman noong nasa UCLA ako ay may mga estudyante pa ring walang modo. Saan ka nakakita na magsisipasok sa school, mga naka-shorts at Chinelas? Tapos, sa loob ng classroom, nakataas ang mga paa? Huwag na nating hanapin na tumayo during class recitations. Wala naman kasing ganito dito. You will recite while sitting down, from elementary, to high school, to university. Pero sarap sapukin ng mga bwakang ina nila kung hindi man lamang kumilos nang parang nasa school! At kahi't hindi nakasabit maski sa first 500 best universities man lang ang UP, may mga gems din naman amongst the trash. Parang old komiks industry noon. May mababaw, may katamtaman, may malalim.

Sa palaliman ng tema, binabalak mo pa lang, may STOP SIGN na agad mula sa management. Kaya nga tama si Fermin Salvador. Sa aming palitan ng kuru-kuro, nasabi niya na si Tony Tenorio sana ay nagkaroon ng CLOUT na baguhin ang kalidad ng komiks sa Atlas, pero hindi niya ito ginawa. Personally, alam kong pagod na rin si Tony noon sa mga patakaran ng publications. Naidaing niya ito sa akin noong siya ang mag-edit ng aking Graphic novel na Angelus na ipinublish sa North America in the 1980s. Ang sabi niya sa akin, ang katwiran ng management ay ito: IF IT AIN'T BROKE, WHY FIX IT? Matigas ang decision ng mga nagmamay-ari ng pasulatan. I was able to read between the lines that the owners couldn't care less even if Tenorio left the publication. Alam kong sinikap baguhin ito ni Tenorio, pero nasagkaan agad kaya walang nangyari. Tuloy ang ligaya. Na nang lumaon ang ligaya'y naging kapaitan. At nang may magtangkang mag-strike... ehem... ubo... dahak... hatsing...alam na nating lahat kung NANUNG MALYARE, sabi nga sa Kapampangan. Kaya, kahi't kayang sulatin ang malalim ng maraming writers sa komiks noon, hindi nila magawa dahil talagang constricted sila ng management at halos wala talagang leeway. Kung hindi kayo na-involved sa komiks noon, mahirap ipaliwanag kung ano talaga ang situation. Wala itong iniwan sa isang pelikula. Halimbawa, ikaw ang nagsulat ng screenplay. Pagdating sa shooting, binago nang binago ng director ang mga eksena, pati na ang characterization at kung minsan, pati ang buong istorya. Kapag ipinalabas ang pelikula, pupuriin ang director dahil maganda ang pagkakadirek. Tapos puputaktiin ng pintas ang writer dahil sa disjointed ang mga eksena, at ang story ay sabog-sabog. Meanwhile, walang kaalam-alam ang mga nanood na ang writer mismo ang biktima sa nangyari.

Kaya, kayong mga unhappy dahil ang old komiks ay hindi kalaliman, huwag ninyong IBUNTON lahat sa mga manunulat ang sisi. Tulad ninyo, ang mga manunulat ng 1970s, 80s at 90s ay mga nagsipag-aral din sa universities. Ang pagsusulat ay isang PAGMAMAHAL sa self-expression. Kahi't ba sinasagkaan ng mga may-ari ng publications, dahil gusto mong i-express ang iyong sarili, kahi't nakatanghod sa likuran mo ang mga ito'y ginagawa mo pa rin. Kaya nga sa aking kaso, after finishing Mass Comm and started working for Imelda Marcos' PR office, I did not abandon komiks. Maski TV script na ang ginagawa ko full time, isinisingit ko pa rin ang komiks dahil iba nga kasi ang appeal ng illustrated stories. That's why you can't spit on us and treat us like EXCREMENT, because we're not. Pantay-pantay tayo bilang mga taong nabubuhay dito sa mundo.

And then of course we go back to the original topic: CARLO CAPARAS WROTE A LOT OF KOMIKS NOBELAS IN THE 1980s.

This is the reality, and will remain the reality until this planet turns into FROST AND FIRE (with apologies to RAY BRADBURY).

Let's not distort history. Doing so will turn you into a REVISIONIST AND A SORCERER'S APPRENTICE.

You certainly would not want be one, would you?

 
At Sunday, May 17, 2009 11:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Nakakatawa talaga kayong mga komikero. Kahit lantad na talagang “lowbrow” nga ang inyong mga writings standards sa komiks nakuha nyo pang maghanap ng scapegoat at ibaling sa iba ang inyong pagiging “lowbrow”.

Ngayon pinagbibintangan nyo ang dati ninyong publisher noong 1970s at 1980s? Na patakaran pala ng dati nyong publisher na wag pataasin ang antas at kalidad ng inyong pagsusulat? Tsk. Tsk. Ke babaw na dahilan.

Matagal na pong wala na ang mga Roces, ang Atlas at ang Gasi. Kaya walang dahilan para hindi ninyo husayin, pataasin at gawing kontemporaryo ang inyong mga writing standards at values. Problema, ganoon pa rin e.

Pumasok ang ABANTE komiks noong 2004, ganoon pa rin ka-“lowbrow” ang approach ng pagsusulat ninyo. Sa Gospel Komiks, same thing. Binili ng National Bookstore ang Atlas hanggang sa nagsara, iyon pa rin. Space Horror ng mga Guerrero, nanaman. Komiks sa Liwayway, ganoon uli. Caparas/Sterling Komiks, ganoon din. Webkomiks, arya nanaman. Ano ba?

Nagawa nyo nang aminin na lowbrow kayo noong dating OLD komiks, bakit di nyo maamin na hanggang ngayon, KARAMIHAN sa inyo ay ganoon pa rin ka-lowbrow ang writing standards at aspirations? Hindi art at kalidad ang habol ng karamihan sa inyo kundi PERA dahil pawi ng gutom sa sikmura ang inuuna ninyo. Kung ganoon, wag na kayong magsulat sa komiks. PLEASE. Awat na.

Kung hindi naman pera, at LOVE ang dahilan ng patuloy ng pagsusulat nyo, PLEASE, ibigay nyo na sa ibang media ang love ‘nyo. Lalo nyo lang sinisira ang imahe ng local komiks medium.

Yung mga Marcial Brucal, Bobby Villagracia, Jeffrey Marcelino Ong, Carlo Caparas, Elena Patron, Vic J. Poblete, Tristan Lee, Rod Santiago, Geraldine Monzon, Vilma Galicia, Estelita Adriano, at marami pang “lowbrow” writers sa hanay ng mga komikero, AWAT NA. TAMA NA. PALITAN NA.

Walang continuity e. Yung kabataang indie, hindi kayo tinutularan dahil nga sa ang pangit at ang babaw ng pagsusulat nyo. Kaya sino ang ginagaya nila? Yung mababaw pero nagi-improve naman na POP comics culture ng ibang bansa.

Hindi naman kayo nagseseminar para naman ayusin ang mga gawa nyo. Mismong mga mabababaw na writer di nga umaatend nito e. Usual na dahilan, feeling kasi magagaling na sila. Wala nang dapat matutunan pa. Kesyo me awards-awards ng kung ano-ano, ang yayabang kung mag-ere pero pag dating sa aktwal na pagsusulat, NAKAAAAW! Ke barbaridad! Que Horror!

Sorry ha? Hindi ito GENERATION GAP. Ito ay conspiracy at fraternity of deliberate incompetence.

Yung ekonomiya at sistema ng gobyerno nanaman ang isa pang scapegoat nyo. Kung ganoon, bakit di kayo magsulat ng maayos para matuligsa itong mga salot na ito, nang magkaroon naman ng RELEVANCE ang inyong pagsusulat sa komiks? E paikot-ikot na na lang ang mga dinadahilan nyo.

Alam nyo, wala kayo noon sa U.P. noong nangyari e kaya wala kayong karapatang tawaging bastos ang mga estudyante ng U.P. Hindi nagtawanan ang mga estudyante dahil sa bastos sila o walang modo sa mga guests. Honest sila sa kanilang reaksyon. Ganoon po kabaduy ang nakita at nabasa sa screen. Pati mismo mga propesor doon, ngumingisi at tumatawa sa writing ni Elena Patron nang makita sa screen ang power point presentation ng original komiks pages ng SINASAMBA KITA. Parang sa WEBKOMIKS pa rin ang writing style. Ganoon ka-kilometric, walang ka-sense sense na melodrama ang paraan ng pagsusulat. No wonder at home ang ganitong writing sa CJC/Sterling komiks, Liwayway, Webkomiks, Gospel Komiks, etc.

Caparas is our cultural icon! Yeheey! Hindi nyo na maaalis yan! Yeba! We’re with you Carlo! All the way! Ito ang tunay na Pilipino Komiks! Hindi aasenso ang pagsusulat (at pagdo-drawing natin) hangga’t hindi binabago ng gobyerno ang bulok na sistema! Wala na kayo magagawa dun, kaya shut up na lang ang mga reklamador. Ok? Peace?

Tsk tsk. Komikero talaga.

--Juan Marquez sympathizer

 
At Sunday, May 17, 2009 11:50:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Yung iba ang me kasalanan, hindi mga komiks writers at artists. Mga biktima ang mga komiks writers at artists ng mga gahaman na publisher, ng gobyerno, ng kahirapan, bla bla bal. Good God. Lahat me kasalanan pero sila INOSENTE.

 
At Monday, May 18, 2009 1:23:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Puros yabang lang ang mga baguhang manlilikha ng komiks ngayon. Tignan mo ang karamihan ng mga artist at writer ng komiks inpluwensya ng dayuhan american or japanese man. Sa totoo lang ang philippine komiks ay walang originality gaya lang nman natin ang style sa americans. Matagal na ang komiks natin pero hanggang ngayon wala parin. Masasabi ko lang na may magagandang komiks noong panahon nila coching, redondo etc. pero noon pa yun di na nagimprove. Tapos yung iba gagawa lang ng komiks pangit pa. Pano wala na standard na sinusunod ngayon di tulad sa japan na kung kukuha man sila ng mga illustrators 100% na magaling talaga hindi yung katulad dito porket may kakilala or kaibigan sa publishing eh yun na ang pinagagawa kahit saksakan ng pangit ang drawing. Ganyan din ang nangyari sa CJC na komiks puros beterano na ang pinatira ng komiks kya yung standard kopongkopong pa buti kung lahat ng drawing eh kasing husay ng kay mang Hal na kunitya ng mga insecure na komiks creators pulpul nman.

 
At Monday, May 18, 2009 1:32:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Tutal ay nailabas na ninyong lahat ang mga sama ng loob ninyo. Kaya isasara ko na ang comments sa thread na ito dahil wala na akong nababasa na maayos-ayos ang paliwanag.

Mabuti pa ay mag-inuman na lang kayo at magsaksakan para tapos na ang mga himutok ninyo :D

 
At Monday, May 18, 2009 1:43:00 PM, Anonymous Anonymous said...

To be fair, me mga kokonting me artistic standards kaming nakita dyan sa CJC. Tama ka, anonymous, isa na doon si Hal Santiago. Sayang at di nabigyan ng pagkakataon na matapos ng buo ang kwento niya. Mahusay pa rin siya mag-dibuho. Sa storytelling ni Mr. Santiago naman, maayos ang mga unang installment, kaya di talaga mabibigyan ng final decision ito.

Isa pa sa mga beteranong di tulad ng mga "lowbrow" komikero artist e sina LAN MEDINA at si BOY LARA.

-Juan Marquez

 
At Monday, May 18, 2009 3:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Trivia:

HINDI SI ELENA PATRON ANG SUMULAT NG "SINASAMBA KITA" KUNDI SI GILDA OLVIDADO.

 
At Tuesday, May 19, 2009 10:16:00 AM, Blogger Unknown said...

isa lang ang masasabi ko NAKAKALOKA kayo!!!
wehehhe

 
At Thursday, May 21, 2009 3:47:00 PM, Blogger JEFFREY MARCELINO ONG said...

Pahabol lang...

Just so you know, Mr. marquez...

Hindi ko po sinuportahan ang Sterling noon, hindi man lang ako nagpasa maski isang iskrip, hindi ko man lang nasilip ang opisina nila. Bagaman gusto ko sanang pumunta. Tiningnan ko muna ang mga unang labas nila at pinag-aralan.

HINDI AKO NASIYAHAN.

Hindi iyon kasalanang lahat ni Caparas. Sabi mismo niya sa'kin, maging siya ay dismayado sa kinalabasan.

Nagpipilit kaming itaas ang antas ng panulat at ng komiks. Katunayan, nang makita ni CJC ang self published namin na DARKPAGES KOMIKS, nagkainiteres siya sa aming grupo, dapat daw ganu'n ang ginawa sa Sterling noon. Hindi ako nagmamalaki pero alam kong marunong siyang tumingin ng komiks na mas mataas ang antas. Dahil doon, nakaisip siya ng isang proyekto na sa amin ipinagawa. Hindi pa natatapos hanggang ngayon dahil sa ilang mga pangyayaring hindi inaasahan.

Walang standard na isinet si Caparas sa project na iyon, bahala kami sa gusto naming gawin. To think, new generations kami na gumagawa nito. Pinipilit naming lumihis sa mababang uri ng presentasyon ng komiks.

Hindi kami (ako mismo) kumukunsinti sa mga lowbrow na kuwento/script. Sinasabi ko lang dito na noong unang panahon, akma at tanggap ito, pero ngayon...hindi na siyempre. Kaya nga puro eksperimento ang ginagawa natin para tumugma sa panlasa ng evolving readers.

Ang isa sa pangunahing punto ko dito ay kung gaano naging ka-prolific si Caparas noong kapanahunan niya (regardless of quality). Doon siya naging exceptional.

Uulitin ko, sumibol siya sa industriya ng komiks sa tamang panahon at pagkakataon kung kailan malakas ang demend ng uhaw na mga mambabasa na natugunan naman niya.

Tapos na rin ang pagtatalo rito para sa'kin.

GOD bless you all!

 
At Friday, May 22, 2009 5:35:00 AM, Blogger Neil M. Pinar said...

Makabuluhan at maaksyon ang Topic na ito Sir Randy, naalala ko nung kabataan ko habang sinusubaybayan ko ang mga kwento ng Silangan Komiks. Natatandaan ko noon napakalaki ng basahan ng Komiks sa bayan namin sa Boac, Marinduque.

Di man ako taga industriya pero naging masugid akong taga-hanga at taga-subaybay ng mga gawang komiks, kaya familiar ako sa mga naging kilala sa industriya. Madalas kong binbasa kung kanino ang kwento at guhit.

Ako man ay sang-ayon na isa sa Popular Icon ng komiks si CJC sa dami ng kanyang kwentong naisulat at ginamit nya ang diskarte n'ya hanggang sa panahong ito para mabuhay sa isipan ng tao ang mga katha nya. Ina-dopt n'ya ito sa telebisyon dahil ito na ang isa sa pinaka libangang tinututukan ng maraming tao sa panahon ngayon.

Lumago ng husto ang makabagong teknolohiya kaya dumami ang napaglilibangan ng tao. Dumami ang mayroong telebisyon ng mga taong 80's at halos lahat nakaroon pagpasok ng 90's. Nauso ang CD, at DVD's kung saan napapanood na ang mga kwento na dati ay binabasa lang. Naging tamad ang karamihan sa pagbabasa dahil ngayon ay ang bawat kwento ay napapanood na. Alien ka ngayon sa karamihan kapag wala kang telebisyon sa bahay.

Noon ngang mga nakaraang taon na pagbakasyon ko. May palabas na na KOMIKS sa channel 2. Napasabi ako sa misis ko "Yun palang komiks na dati binabasa e napapanood na." MEDYO NATAWA AKO. Biruin mong maikwento mo na "NANOOD KA NG KOMIKS". Medyo nakakatawa!

Sa aking palagay isa din sa nakaapekto sa industriya ng komiks ang paglago ng makabagong teknolohiya. Di rin ito nasuportahan ng mga mayayaman o may kaya sa buhay na mambabasa dahil madami sa kanila foreign komiks ang binabasa at kinokolekta kadalasan novel books pa binibili nila.

Si Ginoong CJC nga lang, marunong syang bumagay hanggang sa panahon ngayon. Nakita n'ya na pagkakain ng mga mamamayang Pilipino ng tanghalian at hapunan e tamad ng magbasa, kaya pinasok nya ang mga nobela nya sa prime time television.

Sa haba man ng balitaktakan na aking nasundan ay aking lalong hinangaan ang mga taga komiks industry dahil sa tatag at tapang na ipagtanggol ang industriya.

All the best to your careers and God bless always...

 
At Friday, May 22, 2009 9:24:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Jeff,

I'm just curious. Bakit ang yaman -yaman na ni CJC, eh hindi siya makapundar na kaniyang sariling publishing house, kailangan pang umasa sa Sterling, na wala pala siyang control. Kung kaniyang sarili ang publishing house eh di kaya na niyang itaas ang standards di ba. Pakitanong please ki Mr. Caparas, thanks....


Auggie

 
At Friday, May 22, 2009 3:52:00 PM, Blogger JEFFREY MARCELINO ONG said...

Manoy Auggie,

Hayaan n'yo, pag nagkita kami itatanong ko. Pero itong ginagawa namin ngayon, sabi ni Ka Jolad Santos, si CJC daw mismo ang publisher.

 
At Monday, April 04, 2011 2:39:00 AM, Anonymous Katrina Sietereales said...

Hi! I'm the daughter of Roberto Sietereales, Katrina Sietereales, whom Carlo Caparas once worked with. He got the idea from dad's surname. I heard there was a film about this which was shot in my grandma's house - that I visited yesterday. LOL. If you know where I can get a copy of the film, please get in touch with me through my Faceboom account - address is sieterealesk@aim.com. Thanks!

 

Post a Comment

<< Home