Saturday, April 25, 2009

ANG KUWENTO

Mahirap maging reader kung ikaw ay isa ring writer. Para bang lagi kang may responsibilidad na pag-aralan at himayin ang trabaho ng iba.

Kailangan mo itong gawin kung gusto mong lumago sa mundo ng pagsusulat.

Minsan ay nanonood kaming mag-anak ng lumang pelikulang Pilipino sa cable. Ang eksena, inatake sa puso si Berting Labra at kailangan itong tulungan ng isang dating child actor (hindi ko na maalala ang pangalan). Kaya nagpatulong (ang bata) sa mga kapitbahay, ang dumating ay ilang kalalakihan na tambay na may dalang sidecar, at kung hindi ba naman saksakan ng eengot ay iyun pang malabo ang mata ang nag-presinta na mag-drive ng sidecar. Ang kinalabasan tuloy, nagkabangga-bangga sila sa pader at kanal. Tapos ay bigla mo na lang malalaman na wala na iyung ibang lalake, ang naiwan na lang ay si Labra, ang child star at ang driver na malabo ang mata.

Hindi ko alam kung ano ang time frame ng eksena pero gabi na nang umabot sa ospital ang tatlo. At patuloy pa ring nakasapo sa puso si Labra dahil inaatake pa rin. Ewan ko kung sa totoong buhay ay kayang atakehin ng isa o dalawang oras ang isang tao o baka tigok na siya kapag ganoon kahaba.

Walang tumatawa sa amin. Naisip ko, hindi naman kasi talaga nakakatawa ang eksena, mas tamang sabihin na nakakaasar. Ang hindi ko makalimutan ay ang reaksyon ng pinsan ko, sabi niya: “Ano ba ‘yan? Komiks na komiks!”

Alam ng pinsan ko na gumagawa ako ng komiks. At nakakabasa siya ng mga gawa ko. Merong bahagi ng kanyang kaalaman na may mga kuwento sa komiks na hindi niya ma-aapreciate. Hindi ko alam kung dahil ito na rin ang pagtingin ng maraming tao sa komiks kaya nakisang-ayon na rin siya.

Anong meron sa kuwentong komiks at marami pang ring kuwestyon dito? May pananagutan kaya tayong lahat na gumagawa ng komiks, o ng mga nauna sa atin, kaya nangyari ito?

Last year, habang ginagawa ko ang storyboard ng pelikulang ‘Dayo’, ay biniro ko ang writer nito habang katabi ko. Ang eksena kasi, lumabas galing sa ilalim ng lupa ang mga ugat ng punongkahoy. Nangyari ito sa loob ng kuwarto ng mga karakter, ang sahig nila ay gawa sa semento, kaya natural na nang lumabas ang mga ugat ay nasira ang semento, kasama ang iba pang gamit na nagbagsakan, sofa na bumaligtad, mesa na humagis, at iba pang flower vase, picture frames, etc.

Ang sumunod na eksena ay nang magdatingan na ang mga tao para tingnan ang mga ugat na naglabasan galing sa lupa, nakapagtataka, parang walang nangyari sa sahig na semento, nakaayos ang lahat—sofa, mesa, vase, etc.

“Bakit biglang umayos ang kuwarto? Paanong nabuo ‘yung sahig?” biro ko para lang asarin ang kaibigan kong writer.

“Hay naku, Randy. Wag ka na umangal! Cartoons ‘yan, ‘no. Hindi naman puwedeng lahat ay may explanation.”

May punto naman talaga siya. Fiction naman ito at pelikulang pambata pa. Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanag.

Pero paano kaya kung ang kuwento ay isang ‘historical fact’? Halimbawa ay galing sa Bibliya? Tatanggapin ba natin ito kahit hindi natin kayang I-explain?

Halimbawa, sa kuwento ng Noah’s ark. Kung saan binigyan ng napakaikling panahon ng Diyos si Noah para gawin ang arko, paano nila itong natapos kung ilan lang silang tao na gumagawa? Paano nila nabuhat ang troso?

Gaano kalaki ang arko at nagkasya dito ang lahat ng magkakapares na hayop sa buong mundo? Aware kaya si Noah na may geographical basis ang existence ng bawat hayup? Halimbawa, ang polar bear at penguin ay sa Arctic lang makikita, nagpunta pa kaya siya ng Arctic? O ang panda na sa China lang matatagpuan? Ang tamaraw at tarsier na sa Pilipinas lang makikita?

Eksakto kaya ang dalang pagkain ni Noah para pakainin silang lahat sa loob ng 40 araw sa gitna ng baha? Nagdala kaya siya ng extrang karne para may maipakain sa mga carnivorous na hayop? Pinagtiyagaan kayang kainin ng leon at tigre ang prutas at gulay sa halip na matakam sa iba pang hayop na kasama nila sa loob ng arko?

Kung napuno ng tubig ang buong mundo, nasaan na ito ngayon? Saan ito nag-evaporate? Sa universe?

Marami pang tanong. Pero ipinauubaya ko na lang ito sa mga Biblista. Hindi ako eksperto sa ganitong isyu kaya wala akong karapatan dito.

Ipinakita ko lang na ang papel ng manunulat ay hindi lang basta magbasa. May option tayo para tanggapin o hindi ang binabasa natin. At kung paano ito magri-reflect kung sakaling tayo naman ang magsusulat ng kuwento.

11 Comments:

At Monday, April 27, 2009 10:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Itanong ninyo po kay Soriano.

Napakinggan ko po ang sagot nito napakaganda po at sensible.

Yung mga tinanong po ninyo ay may sagot.

 
At Monday, April 27, 2009 11:08:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Pwede bang itanong ko muna kung ano ang pangalan mo? Tingnan ko rin kung may sagot :D

 
At Monday, April 27, 2009 11:15:00 PM, Anonymous Anonymous said...

'Eksakto kaya ang dalang pagkain ni Noah para pakainin silang lahat sa loob ng 40 araw sa gitna ng baha?'

pagkatapos ng baha syempre sira din ang lahat ng halaman, puno at prutas, ilang buwan kaya bago nakakakain ulit sina noah? sabagay may mga isda naman, pano kaya yung mga herbivore? kakain kaya ng isda ang giraffe, kambing at baka?

 
At Tuesday, April 28, 2009 9:10:00 AM, Blogger missingpoints said...

"May punto naman talaga siya. Fiction naman ito at pelikulang pambata pa. Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanag."

Mali kayo diyan. Kahit pa cartoon na pambata iyan, at kahit pa siya fantasy, dapat consistent pa rin ang logic. Diyan makikita ang diperensya ng pelikulang Pixar, hindi nila binababaan ang kalidad ng pagsulat ka pa "pambata" lang ang pelikula nila.

"Pero paano kaya kung ang kuwento ay isang ‘historical fact’? Halimbawa ay galing sa Bibliya? Tatanggapin ba natin ito kahit hindi natin kayang I-explain?"

Hindi historical fact ang Bibliya.

 
At Tuesday, April 28, 2009 8:47:00 PM, Blogger Neil M. Pinar said...

Sir Randy,

Medyo mahabang talakayan yan pag Bible ang pinag-usapan. Try nyo sir attend sa End-time Message Believer Church sigurado lahat ng katanungan nyo sa Bible eh magkakaroon ng kasagutan. Kapag kasi ang pinagusapan eh tungkol sa Dyos kailanagn natin ng Faith.

Si Moses na isang propeta na annointed ng espiritu ng Dyos..,, dahil sa kanyang pananampalataya ay naisulat nya ang Book of Genesis kahit na hindi sya nabuhay sa panahon nila Noah at Abraham. Sya ang sumulat ng Unang 5 libro hanggang Deuteronomy.

Madaming hiwaga na nakasulat sa Bibliya na dyan din nakasulat ang mga kasagutan.

Try mo sites na ito Bro...
www.endtimemessage.info
www.livingwordbroadcast.org

All the best to your blog and God bless...

 
At Tuesday, April 28, 2009 11:53:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Missingpoints--

Maganda siguro kung mapanood mo ang Dayo at hanapin ang eksenang sinasabi ko para may idea ka kung bakit ko tinanggap na 'puwede na ring walang explanations ang eksena'.

Hindi ibig sabihin na gawa ng Pixar ay lagi nang may logic. May mga eksenang kailangan ay hindi mo lagyan ng paliwanag para magkaroon ng 'bulaklak' ang istorya. Gaya ng eksena sa Dayo na binanggit ko. Kasi kung lagi nang pinaiiral natin ang logic at accuracy sa tunay na buhay (na sabi mo ay laging ginagawa ng Pixar), paano mo mapapatunayan na ang isang isda ay nagsasalita (Nemo), robot na marunong umibig (Wall E), at insekto na kahit apakan na ay hindi pa rin nadudurog (Mantis from Kungfu Panda).



Neil--

Mahirap talagang paksa ang religion, nagri-raise ito ng maraming debate. Lalo pa't bawat religion ay may kani-kaniyang doktrina na pinaniniwalaan(at bawat founder ng religion ay may kani-kaniyang interpretations sa Bibliya--we have 3,000+ sect ng Christianism sa buong mundo.

Re: Moises, debatable sa mga Biblical scholars kung si Moises nga ang nagsulat ng Old Testament. Nakapagtataka daw kasi na kung si Moises nga ang nagsulat nito, paano niyang naisulat ang kamatayan niya.

Ayon din sa mga scholars, lumalabas sa investigations nila na may apat na taong nagsulat ng Old Testament. Ang isa ay isang scribe ng isang Babylonian King at ang tatlo ay unknown. Bumase sila sa style at content ng pagkakasulat.

At meron din natuklasan na pag-aaral na ang karamihan ng laman ng Old Testament ay kinuha sa isang ancient text na: Epic of Gilgamesh'(2000 yrs BC).

Masalimuot na topic ang religion pero mas maganda kung maging open tayo sa lahat ng pag-aaral. Isa sa magandang napanuod ko kani-kanina lang sa youtube ay isang documentary na ginawa ng History Channel, ang title nito ay: 'Who Wrote the Bible?: History Channel'.

 
At Wednesday, April 29, 2009 12:29:00 AM, Blogger missingpoints said...

Willing suspension of disbelief ang habol ng isang storyteller, lalu na sa fantasy. Basta naestablish ng maayos ang mundong ginagalawan ng characters, ay dapat mag-proceed logically galing dun.

Inestablish ng maayos sa Finding Nemo na nakakapagsalita ang mga isda. Bahagi yan ng suspension of disbelief ng manonood. Pero illogical (at taliwas sa tema) kung biglang nagkaroon ng superpowers si Nemo sa kalagitnaan ng palabas.

 
At Wednesday, April 29, 2009 1:50:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Korek!

I think hindi tayo nagkaintindihan nang sinabi kong:

"May punto naman talaga siya. Fiction naman ito at pelikulang pambata pa. Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanag."

I am only referring to that particular scene (na mas magandang mapanood mo para makita mo ang punto ko) and not writing the story as a whole.

Cheers!

 
At Thursday, April 30, 2009 1:06:00 AM, Blogger Ed said...

Hi, Randy. Ngayon lang ulit ako nakabisita sa blog mo. Interesting ang topic about writing and being a writer.

Napansin ko rin ngayon ang mga dating pelikula na ginagawang telenovela, nakakatawa minsan ang mga eksenang nangyayari. Masyadong predictable, alam na alam mo na agad ang mangyayari. Isa pa, ang mga acting ng amateur artistas.

Natatawa na lang kami ng missis ko tuwing napapanood nya...di ako nanonood pero naririnig ko lang mga dialogues.

Di ako writer pero naniniwala ako malakas imagination ko to write a story. Yun nga lang, di ko maisulat. Baka siguro idrowing ko na lang bigla.

Mahirap nga talaga makipag debate tungkol sa Relihiyon. Marami rin akong tanong tungkol sa mga nangyari sa Bible. "Pano nangyari yun?" ang madalas kong tanong, hindi "ano ba'ng nakasulat sa Bible?"

-ed

 
At Thursday, April 30, 2009 1:18:00 AM, Blogger kc cordero said...

teknikali, sa pagbubuo ng istorya ay may 'reality check' ito. kung comedy, horror, fantasy ay walang limitasyon ang puwedeng mangyari... gaya nang pagsapo ni berting labra sa kanyang dibdib 24/7, which i think is partly pinoy komedi. lagi kasing may rason ang creator(s) sa mga partikular na pangyayari, eksena, karakter, etc... na kung minsan ay hindi mahuli o maunawaan ng nanonood, nagbabasa, nakikinig o nakuha kaya ang kanya/kanilang gustong maging interpretasyon at kung magkaminsan ay para bagang walang lohika. that's what creative endeavor is all about, walang ubos ang pag-aanalisa nang makatutunghay nito at depende sa iyo at sa kapasidad mong maghimay kung ano ang naging tingin mo sa creation.

 
At Thursday, April 30, 2009 11:10:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Ed--

salamat sa bisita :)

Kuya KC--

very well said.

 

Post a Comment

<< Home