Friday, March 27, 2009

PHIL. ANIMATION MAG LAUNCH

Matagumpay na naidaos ang launch ng Philippine Animation Magazine kahapon sa Eastwood, Libis. Dinaluhan ito ng mga estudyante at animators galing sa iba't ibang studios dito sa Maynila.

Binabati ko ang lahat ng bumubuo ng magasin lalo na ang tatlong tao na nagbuo ng konseptong ito--sina Joy Bacon, Lina Valdez at Eric Tansingco. Mabuhay kayo!

Libreng ipinamimigay ang magasin na lumalabas ng apat na beses sa isang taon. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa Anima Dreams website.

2 Comments:

At Friday, April 03, 2009 11:01:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Wala sanang me sasama ng loob pero talagang palpak ang DAYO. Ikumpara mo ito sa animation at concept ng Persepolis, ang layo.

Babaw pa ng istorya ng DAYO. At yung concept drawings ng mga characters, settings, etc., parang yung madalas mong makita sa cartoon network. Ano ba, yung mga animators ba ng DAYO e nagtrabaho dito kaya dala nila ang mga kinaugalian nilang ginagawa sa US animation? Asan ang originality?

Ang animation sa Persepolis di alipin na gumagaya sa mga US mainstream cartoons pero tingnan mo: tumamo ng mga awards, nabalatuan ng cash prize at kumita rin kahit paano sa international box office.

Bakit di tayo makagawa ng INDEPENDENT animation tulad ng Persepolis?

 
At Friday, April 03, 2009 11:09:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Unang-una, daming pinagdaanang hirap ng Dayo pagdating sa productions. Lalo na sa budget, mas mahal mag produce ng animation kesa maglabas ng Sharon Cuneta movie. Sugal talagang malaki. Tapos ipapalabas sa Pilipinas lang, hindi gaya ng hollywood animation na nakakarating sa lahat yata ng bansa sa buong mundo. Kaya pagdating sa kita ay malaki ang pagkakaiba.

Re: Persepolis, before pa naman ito naging animation ay marami na rin naman itong nakuhang papuri as a graphic novel.

Yes, may problema ang Phil. Animation sa content, lalo pa ngayon na nag-aalisan na sa bansa ang mga animators natin. madalas nga itong pagtalunan sa mga forums ng animation people. Please check Pinoy Animation Artists dyan sa link ko sa gilid para may idea kayo what's going on sa local animation industry.

 

Post a Comment

<< Home