ALEX NINO AT ANG CONCEPT ART
Hindi nakakasawang tingnan itong mga concept art ni Alex Niño sa pelikulang Mulan. Nang makita ko ang ilan dito sa mini-exhibit noong nakaraang buwan ay halos binabaran ko ito ng tingin.
Hindi lang ang ganda ng concept ang art ang makikita sa gawa ni Niño, kasama na dito ang confidence sa kanyang art. Solid na solid ang pagiging master.
Images taken from Animation Treasure blog.
Bukod sa pag-iipon ng komiks at art books, nahihilig ako ngayong mangolekta ng libro tungkol sa mga concept art. Marami ring magagaling na artists sa linyang ito. Na kung seryoso ka talaga sa pag-aaral ng visual arts, marami ka ring mapupulot sa kanila.
Ilan sa mga concept artists na hinahangaan ko ay sina:
Ryan Church
Syd Mead
Craig Mullins
Ian McCaig
Feng Zhu
5 Comments:
wow!sana may naituloy silang animation short na based sa artwork niya.
hey Randy! madalas ko makita sa mga pinopost mong drawings e cyberpunk theme. isang theme na kinahuhumalingan ko ngayun.
ano ba mairerekomenda mong reference concept artist/ book sa cyberpunk at steampunk imageries? kulang kung i-google e. thanks. :)
yung meron ako kay tatsuyuki tanaka lang re cyberpunk.
Humawing--
mahilig talaga ako sa cyberpunk at post-apocalyptic drawings. hindi ko alam kung bakit hehehe. marami rin akong pinagkukunan ng ideas, kasama diyan sina masamune shirow, osamu tezuka, serpierri, moebius. kasama rin sa mga paborito kong animations ang steamboy, akira, ghostin the shell, jin roh, robot carnival. kaya kahit pinoy na pinoy ang foundation ng drawing ko ay malaki ang pagkagusto ko sa japanese at at european comics, siguro dahil sa concept nila. minsan ay naglalabas ang image ng mga cyberpunk comics, binibili ko rin.
Sarap sa mata ng mga linya! WOW!
panalo talaga si mang alex!
Post a Comment
<< Home