Wednesday, March 25, 2009

SI BEBE LAGINGYARI

(Sinadyang baguhin ang pangalan ng mga tauhan sa kuwentong ito upang protektahan ang kanilang pagkatao.)

Nakita ko na lang isang hapon na sumulpot sa publication ang dalagang si Bebe Lagingyari. Matangkad, balingkinitan ang katawan pero may hugis, medyo kayumanggi ang kutis pero makinis, at higit sa lahat, virginal beauty, parang walang muwang sa mundo.

Napag-alaman ko na aspiring illustrator pala siya. May talento si Bebe, kaunting praktis lang at puwede na siyang sumabak sa mundo ng komiks bilang dibuhista. Pero bago iyon, kailangan muna niya ng guidance dahil talagang kailangan pa niyang I-workout ng husto ang pagdu-drawing.

Una siyang lumapit kay Ninja Call Me Last Night, isang editor. Nabigyan agad siya ng script para trabahuhin. Kaya nang lumabas sa komiks ang drawing ni Bebe, nagtaasan ang kilay ng mga tsismoso at tsismosa sa publication. “Bakit nakapasa ito? Kulang pa ito, a?”

“Baka may gusto si Ninja kaya tinanggap?”

Hanggang sa kung saan-saan na napunta ang isyu. Kesyo baka nai-hotel ni Ninja si Bebe, iyon ang kapalit ng script. Pero wala namang makapagpatunay. Basta ang pagkakaalam ng lahat, habang lumilipas ang mga linggo at buwan, mas nagiging close nga sina Ninja at Bebe. Para ngang may nangyayari. Pero wala namang problema dahil binata pa si Ninja noong panahong iyon.

Habang nabibigyan ng trabaho ni Ninja si Bebe, ay kasabay din nito na nagbibigay naman ng lesson at payo si Robo Rat sa dalaga. Si Robo nga pala ay isang batikang dibuhista. Matulungin itong si Robo sa mga baguhan, maganda ang track record nito. Tumutulong talaga sa nangangailangan.

Pero dahil nga nagkalat ang mga bubwit at mga nguso sa publication, natsismis din na nai-Sogo ni Robo si Bebe.

Mahirap paniwalaan dahil parang wala sa tipo ni Bebe ang kung anumang iniisip ng mga tao. Nababaitan nga ako sa kanya kasi ang amo-amo ng mukha niya. Hanggang sa nakakuwentuhan ko siya ng matagal…at doon ko nalaman…na may ‘diperensya’ sa kanya.

Hindi diperensya na ‘may sayad’ siya o kung anupaman. Nalaman ko na puno pala ng kadramahan ang kanyang buhay. Siya ang bumubuhay sa maraming kapatid. Sinabi rin niya noon na kahit anong trabaho ay papasukin niya para lang magkapera. Nakakaawa ang sitwasyon ni Bebe. Siya pa lang kasi ang may kapasidad na magtrabaho dahil puro bata pa ang kasama sa bahay.

Si Smurf ay isa ring illustrator. Mabait si Smurf, tahimik, mapagmahal sa trabaho. May gusto siya kay Bebe. Mahal niya ito. Parang mahirap ngang paniwalaan na sa dinami-dami ng tsismis na nangyari kay Bebe na sumasama kung kani-kaninong lalake sa publication, ay totoo pa rin ang pagmamahal ni Smurf. Handa niyang pakasalan si Bebe.

Pero walang nangyari. Hindi type ni Bebe si Smurf. Mahirap intindihin, pero ganoon daw talaga ang damdamin ng tao. Kung sino iyong nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo, iyon pa ang hindi mo pinapansin.

Hanggang sa nawala na ang publication. Nalipat na sa mga sister companies ang mga editors. Nawala na rin na parang bula si Bebe. May nakapagsabi, naging hostess daw si Bebe sa isang beerhouse. May nagsabi naman, naging agogo dancer.

Maraming buwan din ang lumipas, nasa ibang publication na si Ninja, bigla na lang sumulpot ulit si Bebe. Wala namang nagbago sa kanyang hitsura, ganoon pa rin, maamo ang mukha, walang gaslaw sa katawan. At dahil patuloy pa rin ang pagbibigay ng trabaho ni Ninja, hindi mawala-wala ang tsismis sa kanila ni Bebe.

Hanggang isang araw, nagbida na lang si Might Man Yuck, na nai-date niya si Bebe. Si Mighty Man ay layout/graphic artist ng publication. Walang naniniwala sa kanya na nangyari ito. Hanggang sa ilabas niya ang ilang litrato ni Bebe na nakahubad, hindi lang basta nakahubad, ang ilan ay nakabukaka, nakatuwad, nakatihaya. Parang isang professional porno star na sanay humarap sa camera. Hindi ako makapaniwala! Pero heto at may ebidensya. Si Bebe nga!

Biglang nag-akyatan lahat ng kalibugan sa ulo ng mga lalakeng nakakita. Ganito pala ka-‘game’ si Bebe? Siguro kung uso na ang cellphone na may camera noon, baka nagkalat na ang scandal ni Bebe sa mga pirata sa Quiapo at sa YouPorn.

Hanggang sa nawala na ng tuluyan si Bebe sa publication. Siguro dahil bumagsak na rin ang publication, wala na rin namang trabaho. Naglaho na parang bula sa aming lahat ang alalaal ni Bebe.

Pagkalipas ng napakahabang taon, halos magsasampung taon, nagkita kami ni Ninja nang hindi sinasadya. Wala na siya sa alinmang publication. Malayo na ang linya ng kanyang trabaho kesa dati. Isa sa napagkuwentuhan namin ay ang tungkol kay Bebe.

Nakita daw niya ito minsan, sobrang payat, madungis ang katawan, apat ang anak, at may asawang nagmamaneho ng sidecar. Wala na daw ang dati nitong ganda, hindi na ito ang dating puwedeng pag-agawan ng mga lalake sa publication. Naging isa na lang itong pangkaraniwang nanay na may bitbit na anak habang nakasuot ng gulanit na duster sa tabi ng kalsada.

Biniro ko pa si Ninja. “Baka naman isa du’n ang anak mo?”

“Hindi, a,” tanggi niya. Hanggang ngayon, todo tanggi pa rin siya na may nangyari sa kanila ni Bebe noon. Pero halata naman. “Naawa ako, ‘tol. Binigyan ko nga ng pera para may panggatas ‘yung anak.”

Nakakalungkot minsan ang kuwento ng mga tao. Pero ganito talaga ang realidad.

Noong nakaraang Komikon 2008 ay nakita ko pa si Smurf. Nasa animation na siya, pero interesado pa rin siya sa komiks kaya siya nandoon.

Mukhang masaya si Smurf. Parang kuntento na siya sa buhay. Gusto kong ikuwento kung ano ang nangyari kay Bebe ayon sa kuwento ni Ninja. Pero pinigil ko na lang ang aking sarili. Pinabayaan ko na lang sa alaala ni Smurf…na si Bebe ay gaya pa rin ng dati, kaakit-akit at makinis ang kutis, at minsan ay minahal niya ng husto.

11 Comments:

At Wednesday, March 25, 2009 5:01:00 PM, Anonymous Anonymous said...

sir pakita naman ng oics ni bebe kahit konti lng. (tulo laway)

 
At Wednesday, March 25, 2009 8:15:00 PM, Anonymous Anonymous said...

randy,

ipunin at ilathala!

 
At Thursday, March 26, 2009 8:50:00 AM, Blogger kc cordero said...

randy lagingready,
ang aking paboritong kaka na si kakang mario ba ay nag-animation? si bebe lagingyari ba ay nakarating sa atlas?

 
At Thursday, March 26, 2009 8:55:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Kuya KC,

Hindi yata nakarating sa Atlas si Bebe hehehe.

Yup, nag layout sa animation si Marboy.

 
At Thursday, March 26, 2009 11:36:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

pare, sa totoo lang nanindig balahibo ko sa kwento mong ito. Sadyang larawan si Bebe ng realidad. grabe.

 
At Thursday, March 26, 2009 2:19:00 PM, Blogger Unknown said...

Pssst sino yang bebe lagingyari na yan huh? Kaw puro ka tsismis!

 
At Thursday, March 26, 2009 6:22:00 PM, Blogger kc cordero said...

randy,
ah, hindi nakarating sa atlas? ligtas na ako sa intriga, hehe!

 
At Thursday, March 26, 2009 6:52:00 PM, Blogger KOMIXPAGE said...

Randy,

Kilala ko yata iyang tinutukoy mong Bebe Lagingyari. Naging maugong nga ang tsismis tungkol sa kanya at sa sinasabi mong editor. Alam din iyan nina Ron at Ronald na madalas din naming mapagkuwentuhan noon. Am I correct o may iba ka pang tinutumbok na hindi namin nalalaman he-he!

 
At Friday, March 27, 2009 4:18:00 AM, Blogger Unknown said...

hehhehe

 
At Friday, March 27, 2009 9:52:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Arman,

Malamang siya na nga ang nasa isip mo :)

 
At Friday, March 27, 2009 2:16:00 PM, Blogger Ron Mendoza said...

Randy At Arman,

Gusto ko lang linawin na naririnig ko nga ang mga kuwento noon tungkol kay Bebe pero kahit minsan, e, hindi ko siya na-meet. He he.

Tsk, Si Bebe ang naabuso pero bakit parang siya pa ang na-karma? Kung tama ang hula ko kung sino si Ninja Call, talagang astig 'yan, handa laging yumari, este, dumamay.

 

Post a Comment

<< Home