Thursday, March 12, 2009

BOOKSALE GOODIES

Nadadagdagan na ang laman ng Booksale, hindi lang mga libro ang nakikita ko nitong mga nakaraang buwan. Few months ago ay nabili kong itong Joe Kubert's Comicbook Studio, training kit ito para sa mga bata na gustong matuto kung paano gumawa ng komiks. Para itong kahon na may lamang lapis, pens, pambura, sketch pad, notepad, blank comicbook, at instructional book.


Mayroon na rin silang tindang imported sketchpad. Sa napakamurang halaga ay sulit ito. Suki na ako ng Booksale, at dahil kilala na ako ng saleslady, kapag may bagong dumating na related sa komiks at art ay tini-text kaagad niya ako. Napag-alaman ko rin na puwedeng bumili ng maramihan sa bodega nila sa ParaƱaque, ang pagkakaalam ko ay minimum ng P5000.

5 Comments:

At Thursday, March 12, 2009 2:48:00 PM, Blogger humawinghangin said...

saang branch yan ng buksale, Randy? yung mga napupuntahan ko buksale, yun at yun ang mga nakikita ko, parang di nadadagdagan yung mga stock nilang ganyan.yung ibang branch di nag iistock ng comics.tsk.

may nabili akong ganyan kay joe kubert, pero basic siguro, wala na yung ibang kit, comicbook, etc. yung manual na lang. p80 sa chapters and pages sa rob fairview. may nabili naman ako na hardbound na comics ng marco polo na di ko makilala kung sino artist, sa branch naman nila sa edsa central, p80 din. kung tama hinala ko, baka sa bodega rin sila ng buksale sa p'que kumukuha ng stock, no?

jim

 
At Thursday, March 12, 2009 2:52:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

ang madalas kong puntahan ay sm centerpoint, sm manila at farmers cubao. magaganda ang inilalagay nilang books.

 
At Friday, March 13, 2009 1:41:00 PM, Blogger kc cordero said...

ayos 'yang sketchpad!

 
At Monday, March 16, 2009 9:12:00 AM, Blogger Ner P said...

ganda ng sketchpad, puede pabili?!

 
At Monday, March 16, 2009 7:26:00 PM, Anonymous Anonymous said...

me ganito akong Joe Kubert Comic Book Studio sa HK ko nabili pangbata nga ang training na ito very basic. :)

 

Post a Comment

<< Home