JIM FERNANDEZ
Isa sa maraming nagawang nobela sa komiks ay si Jim Fernandez. Bukod sa Zuma ay napakarami rin niyang karakter na nagawa, hindi nga lang sumikat ang karamihan dito dahil hindi nai-pelikula. Mahirap gawan ng pelikula ang ilan sa mga nobela ni Fernandez dahil kakailanganin ang matinding special effects at film graphics para mapalabas ito ng maayos. Noong 1980's, mas nag-explore sa science fiction, historical stories, at high fantasy si Fernandez. Iyon din siguro ang malaking dahilan kaya hindi gaanong nailipat sa pelikula ang mga obra niya.
Sa panahon ngayon na gumaganda na ang graphics ng pelikula, magandang balikan ulit ang mga obra ni Fernandez.
Bago nga pala naging fulltime writer si Fernandez ay dati siyang illustrator noong panahon nina Nestor Redondo.
Ilan lamang ito sa mga nobela niya na iginuhit ng iba't ibang dibuhista.
2 Comments:
Another indication of how Jim Fernandez is regarded at a bit of a higher level than many if his peers is his five-pages per week novels. Sa lahat ng nobelista nung dekada otsenta, siya lang ang natatanging manunulat na binibigyan ng limang pahina para sa mga nobela niya. Ang iba, tig-apat na pahina lang.
I've been a Jim Fernandez fan since I gained consciousness in this world ;-)
Wish ko lang gawing digest or compendium yung Zuma novels nya, both Angkan ni Zuma(from Pinoy Klasiks) and Anak ni Zuma (Aliwan), yung parang ginawa ng Marvel sa mga sikat nilang characters. I'd definitely buy them kahit magkano pa...
Post a Comment
<< Home