ZUMA
May nabasa ako sa isang Yahoo group na may nagkakalat daw ng press release na ilalabas sa TV ang sikat na komiks character na si Zuma at ang gaganap daw dito ay si Dingdong Dantes. Hindi daw ito alam ni Jim Fernandez (creator ng Zuma) at kung sakali ay baka mauwi lang daw sa demandahan.
Dahil ang totoo daw yatang balita ay nabili na ng channel 2 ang rights ng Galema: Anak ni Zuma at isa sa napipisil na gumanap dito ay si Anne Curtis.
Kunsabagay, kung sakali nga kayang gumanap na Zuma si Dingdong ay handa siyang magpakalbo? Saka masyadong maamo ang mukha niya para sa Zuma, kung magkakaganito ay baka maiba lang ang istorya ng Zuma the komiks character.
Pero para sa akin, malabo nang mabuhay si Zuma sa panahong ito. Mamamatay siya sa gutom. Ang kinakain lang niya ay puso ng birhen. May makakain pa ba siyang birhen ngayon? Hehehe joke lang!
Pero seriously speaking, isa si Zuma sa pinaka-interesting na komiks character noong kapanahunan ko sa pagbabasa ng komiks. Mas nasubaybayan ko ang 'Anak ni Zuma' (ito iyong na-pelikula) kesa doon sa 'Angkan ni Zuma' (na Viking era ang setting). Anti-hero kasi si Zuma, kaaway siya ng mabuti, pero kaaway din siya ng masasama. Wala siyang pinapanigan. Basta kung ano ang trip niyang gawin ay gagawin niya, gusto man ito ng reader o hindi.
Kailanman ay hindi ko pa nakita ng personal si Jim Fernandez. Pero sa mga nobelang likha niya sa komiks, nababasa ko na mahilig siya sa science at history. Medyo class A ang tipo ng kuwento ni Fernandez kumpara sa mga 'masang-masang' kuwento ng iba pa sikat sa writers. Hindi nakapagtatakang sa dinami-dami ng characters na likha niya (Zarbot, Olympia, The Gorgon, Horus), ay Zuma lang ang mas tumatak sa masa.
Sa kuwentong Zuma lamang, malalaman natin na may alam sa history si Fernandez. May kutob ako na kinuha niya ang pangalang Zuma sa Moctezuma, emperor ng Aztec empire, kung saan isa ring Aztec ang komiks character na si Zuma.
At ayon na rin sa kasaysayan, mga heiroglyphics na nakita, fascinated ang Aztec empire sa 'ahas'. Kaya ang ama ni Zuma ay isang ahas na may pakpak na pinangalanang Kukulkan.
May tala rin sa kasaysayan na ang libingan (tomb) ni Moctezuma ay napapaligiran ng maze na puro ahas.
Ito marahil ang mga naging inspirasyon ni Fernandez kaya nabuo ang Zuma. Hindi gaya ng ibang komiks characters na direktang humango sa American comicbooks.
Isa ring orihinal na idea ang mga ahas ni Zuma na nasa leeg. Isang karakter na walang pinagkunan alinmang karakter sa ibang bansa. Naisip ko, kung mayroon sigurong Pinoy karakter na ipagmamalaki sa international comics, in terms of originality, ay isa itong Zuma sa nasa itaas na listahan.
(Ang Zuma cover na nasa itaas ay galing kay Arman Francisco.)
20 Comments:
kung mangyayari yang si dingdong dantes ang gaganap mabababoy lang ang istorya baka mauwi lang sa love story at pagandahan at pagwapuhan ng cast kaya yung storya walang katorya-torya malayo sa orihinal tulad ng captain barbel na pinagbidahan ni richard gutierrez walang ring katorya torya.
Isa ang Zuma sa mga komiks character na hindi ko makakalimutan. Balita ko rin noong nasa ABS pa ako ay nabili na nila ang rights ng Zuma.
Nga pala, Randy...nag-update na ako ng blog after several months. Hehe.
Kelangan na talaga tigilan ang daily na local sci-fi fantasy shows, wala rin naman sila pasensya. Para lang mapahaba ang kwento nagiging love story lagi. Saka hindi mukhang aztec or peruvian si Ding Dong bukod sa maamong mukha.
Zuma by Vicky Bello
Ding Dong Dantes, the actor with a horrible name (Dingdong, a slang for penis), is a very lousy actor. What's more, he looks like an abnormal creature. Very small head, lazy eye, horrible-looking jaw, and unproportionrd body), eh baka puwedeng maging monster na nga like Zuma.
But, seriously, I've never seen a Filipino actor who looks so weird than D-DD. Muntik pa tuloy maging DDT. Yung poison na binobomba sa lamok ba iyon? noong araw diyan sa RP. Very toxic kaya totally banned na dito.
Why not cast a laos like GARDO VERZOSA as Zuma? Mas puwede pa ito sa character na ito. Mas bagay ang tayo at MAGALING UMARTE.
Tiyak, pag ginawa iyang telenovela. PALPAKTO lang ang labas. Waste of time lang.
Basta, kapag ginawa nilang Zuma yung Penis actor, ay pupunta ako sa MACHU PICCHU sa PERU at tatalon talaga ako para ihaing sacrifice ang aking katawan sa mga anito na nagsasalita ng KECHUA (Quechua). O, sige nga, Wilma Galvante, lumaban ka diyan.
Hindi ko yata mapaniwalaan na nakuha ang tights ng Zuma. Kaytagal nang pinaghahanap si Jim Fernandez pero walang nakakaalam kung saang lupalop siya napunta. Kahit mismo si Mang Hal nawalan na rin daw ng kontak sa kanya. Ngayon, kung gagawa sila ng Zuma ng walang pahintulot niya, malamang bigla siyang lumitaw para magdemanda.
Baka taktika lang ito para mag-resurface si Mr. Fernandez? :P
actually, okay sa akin ang zuma. sana gumawa rin sila ng tv series ang devil car. o kaya movie. pero gandahan ang istorya.
tama. okay si gardo versoza. kuhang kuhan ang nanlilisik na mga mata. sino nga ang dating gumanap na zuma?
max laurel.
Para mas masaya ako bumili ako ng original cd ng classic na Zuma ni Max Laurel at Darna at ang Babaeng Planeta ni Vilma Santos. :)
hehehe hahahaa natawa ako sobra gabi manlait si CoolCanadian hahahahaa.........
Cev,
Meron bang DEVIL CAR ? malamang rip-off ito sa CHRISTINE ,ni Stephen King. Ang natatandaan ko, yung DEVIL PIG ni Mars Ravelo ,yata, at drowing ni Nestor Leonidez, sa PIONEER KOMIKS noon.
Randy,
Graduate sa UST itong si Jim Fernandez, pero hindi Fine Arts, Journalism, o Creative Writing/Literature, kundi Commerce, Accounting major yata...
Auggie
Nabalita rin dati na ang gaganap sa remake ng Zuma movie ay ang basketbolistang si Asi Taulava o 'di kaya si Alex Crisano, 'yung ex ni Ethel Booba.
Klitorika, my dearest:
Actually, nagpapatawa lang naman ako. Di naman gano'n kasama itong Ding-Dong. Kung mag-workshop ng acting ito, baka maisalba pa. Kaya lang, kunsumido na nga kasi ang mga miron nitong mga telenovelas, fantasy series kunong ito. At hindi ko masisisi ang mga miron na mainis na. Puro nga naman kapalpakan kasi, eh. Yun na lang halimbawang MARIMAR. May nagbarilan sa loob ng bahay, gabi ang oras ng eksena. Naghabulan patungo sa labas ng bahay. Aba'y pag-change ng SEQUENCE, naging araw na ang oras nang maghabulan sa labas ng bahay! Diamante ba ito o puwit ng baso? 24-karat gold ba ito o Tubog sa Ginto? Silver ba o palara?
Pag di ka naman nabaliw. Tapos, napaka-estupido pa ng mga characters. Parang lahat ay 0% ang I.Q. Puro engot lahat. Pati siguro mga writers at directors nito, mga engot rin. Kung engot ang ginawang characters, engot din ang lumikha nito. Mas pinaka-engot ang producers nito.
Pag di ka ba naman pinanawan ng BAIT sa mga programang ito... katuyo DUGO talaga.
Ah, basta. panahon na para gawin ang series na...
The Memoirs Of Klitorika (the telenovela of telenovelas). O, kakasa kayo diyan?
Kung makuha ng GMA ang rights sa tingin ko walang ibang bagay na gumanap ng Zuma sa stable nila kundi si Benjie Paras. Nga lang kailangang magpaganda uli ng katawan si Benjie, pabangisin ang mukha at hasain ng husto ang acting. May-edad na ito pero depende rin sa istoryang gagawin kung anong panahon sa buhay ni Zuma ang gagawan nila ng kuwento.
Kung sa ABS naman at sana sila nga ang makakuha nito... kasi nandito ang sa tingin ko ay pinaka spot on na maaaring gumanap na Zuma. Guwapo, macho, romantiko at may pagka-dracula ang appeal. I'm talking about Derek Ramsay na BF ng mala-birheng si Angelica Panganiban.
mukhang magandang pelikula kung gagawin...pero sana humanap sila ng babagay sa istorya...parang sa hollywood,kahit hindi sikat na artista basta tugma ang karakter binibigay nila para maging bida.
Napansin ko lang na karamihan sa mga komiks na naisa-telenovela parang title at name ng characters na lang ang kinukuha nila, ibang iba na ang istorya.
Tulad ng Pieta, ibang iba na sa ginampanang papel ni Ace Vergel ang character na pino-portray ni Ryan Agoncillo. Ganun din sa Paano Ba Ang Mangarap, Kamandag, etc.
Sana naman pag naisa-TV itong ZUMA eh hindi mawala ang original concept.
Yung isang nobela ni Jim Fernandez na "KAMBAL SA UMA" malapit nang ipalabas. Kapalit ng Pieta sa teleseryeng panghapon ng ABS-CBN.
illustrator si jim fernandez pero never niyang naidrawing si zuma ano? sino yung unang nagbigay ng look ni zuma, i think yung may mga ahas sa ulo na naka hood? at sino yung nagredesign ng zuma na kalbo? may nakakaalam ba? tsaka kaninong version yung may omega symbol sa ulo? authentic ba yun o pauso na lang?
jim
Since Elmer Esquivias was the first illustrator of the series, he must be the one.
ZUMA was very successful in the 70s that people talked about it everywhere.
Sa tingin ko wala na rin magagawa ang writer ng nobela kapag ito ay naisa-telebisyon na dahil maaring sumunod na lang siya sa management ng network kung ano ang dapat gawin sa nobela niya kaya ibang-iba sa original na konsepto at para na rin sa kagustuhan ng writer na makita ito sa TV kahit malayo ang istorya or may mga nakialam na rin hehe.
Sana lang me magkatutoo either dun sa TV or movie remake ng Zuma. I'm the biggest Zuma fan I know at mate-take ko na siguro kung sino pa ilagay nilang Galema, as long as credible yung Zuma actor and look; Minsan kasi ina-update nila't sobrang lumilihis sa orig na costumes. 3 names nagsurface dati, sina Asi Taulava, John Hall & ang last was si Alex Crisano. Ewan ko lang ngayon kung sino...
If they want a younger actor to play Zuma, I'll go for Paolo Contis...hahaha! Mas bagay sa badboy image nya at kalbo na sya (coreect me if I'm wrong.Matagal na akong di nakakanood ng Filipino shows/movies).
Absolutely, not Dingdong D. Hindi bagay.
Pls lang, sa mga gumagawa ng Filipino teleserye,madrama/action/
telefantasia, bago nyo pahabain ang serye nyo, make sure na essentail sya sa flow ng kwento. Ang nangyayari kc,these people are either buying time for the next teleserye na hindi pa natatapos i-shoot/i-edit; pinipilit magka-career ang bago nilang talents (or wala nang career na artista/or bagong lipat from another network); or pinahaba ang sobrang hit na serye in hope to gain more income. Ang nangyayari, nagsa-suffer ang ending. Pinaka-pathetic na ending na napanood ko yung Marimar. Walang kalatuy-latoy!May publicity pa na malupit ang ginastos sa kasal event ni Marimar at Sergio...yun lang..ganun..pero yung climax ng istorya...WOW!Walang kwenta! Pinilit tapusin! Very disaapointing.
Kung gagawin man ang kung anong channel ang Zuma, spare it with these bad side ng mga teleserye!
Nakakasira ang bad casting at wrong choice of additional story line. Isa pa naman ang Zuma sa mga original Pinoy fantasy characters. (sa pagkakaalam ko ha). Mga iba kasi obvious na ang kinuhanan si Superman,wonderwoman, Shaider, Plasticman etc. Iniba lang na konti ang paraan ng pagkakakuha ng 'powers' nila.
Kung totoo man ang Zuma fantaserye, I'll look forward to it. Hope it would make me go back to my good old days.Hehehe!
Post a Comment
<< Home