Sunday, May 03, 2009

MGA NOBELA

Hindi lang sa telebisyon namamayagpag si Carlo Caparas. Noong kasagsagan niya ng pagsusulat sa komiks ay gumagawa siya ng mahigit 30 nobela na tuloy-tuloy ang labas sa isang linggo. Halimbawa sa Pilipino Komiks noong 1978, mayroon siyang apat na nobela na magkakasabay na lumalabas sa iisang komiks.

Sa mga kabataan ngayon na nagtataka kung bakit tuwing napag-uusapan ang local komiks ay lagi nang nakabuntot ang pangalan ni Caparas, bago pa man siya maging direktor sa pelikula ay isa na siya sa may pinakamalaking pangalan sa komiks.





5 Comments:

At Tuesday, May 05, 2009 5:42:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy, after all that happened, bakit mo pa fini-feature si Caparas dito?

 
At Tuesday, May 05, 2009 5:45:00 PM, Blogger Reno said...

Not that I'm jumping to CJC's defense (considering the way the artists they recruited for the Sterling line got paid peanuts, if at all. But then that's just hearsay on my part.)... But there's no denying the large body of work he has done for Pinoy komiks, and a lot of these have become a part of Pinoy culture (Panday, Andres de Saya, to name a few). So I say give the man his due.

 
At Wednesday, May 06, 2009 10:38:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Yung mga lumabas (at di nagtagal)na Caparas komiks last year, at yung Inquirer strip nya: TO HAVE AND TO HOLD, malaki rin ba ang naging kontribusyon nito sa Pinoy Komiks? Bakit hindi ito ang i-feature nyo? Bakit yung mga lumang gawa ni Caparas ang naka-feature pa dito sa blog ni Randy?

Kung malaki ang kontribusyon ni Caparas, ikaw Reno ba't di mo siya fini-feature sa blog mo--Ka-Plog!--kung sincero ka talaga sa mga sinasabi mo?

 
At Thursday, May 07, 2009 10:17:00 AM, Blogger Reno said...

Anonymous...

Hindi naman ako masyadong nagfi-feature ng mga komiks creators sa blog ko, mangilan-ngilan lang kung naisipan ko. Hindi naman seryosong dissertation ng komiks ang blog ko tulad nitong kay Randy.

Tsong, ang galit mo kay Caparas huwag mong ibunton sa ibang tao.

 
At Saturday, February 19, 2011 5:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

oo nga..huwag na ninyo pag-awayan yan..ang mahalaga may nagawa si Caparas ..dapat nga magpasalamat tayo sa mga tulad nila dahil may naiambag sila, na maipagmamalaki natin. huwag nating husgahan ang personal na pagkatao ng may-akda..kung hindi ay tingnan natin kung gaano kaganda ang mga nagawa niya.. kahit na ako ay hindi pa ipinapanganak ng panahon kung kailan ang mga akda ni Carlo J. Caparas ay lubusang namayagpag, ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya na hinandogan nya kaming mga kabataan ng bagong henerasyon ng isang katangi-tanging obra.

 

Post a Comment

<< Home