Monday, August 17, 2009

WONDERCON EXPERIENCE

Itong Wondercon na siguro ang pinakamatinding cosplay event na napuntahan ko. Normal na siyempre ang makakita ka ng mga nakasuot ng superheroes--local man o international--pero ang makakita ka na may nanggaya kay Malakas at Maganda, ay hindi mo makikita sa alinmang cosplay event.

Ito ang nakita ko nang bigla na lang may mga nakahubad na lalake at naka-topless na babae sa naturang event. O, ano laban kayo d'yan? Hehehe.

Wall of comics characters.

Kasabay ng Wondercon ay ang Rekoberi Poetry Night ni Axel Pinpin sa naturang venue din. May mga ipinagbibiling reading materials, tshirt at kung anu-ano pang product na pang-suporta sa gastusin ni Axel sa pagpapagamot. Nakabili ako ng indie komiks na pinamagatang 'Ang Una at Nag-iisa Cartoons', matagal ko nang nakikita sa internet pero doon lang ako nakabili. 10th issue na ito. Political ang komiks at updated sa maiinit na isyu ng pulitika sa bansa.

Mababasa sa loob ang isang 'patama' kay Hayden Kho.

2 Comments:

At Monday, August 17, 2009 9:46:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Asan 'yung topless na babae? Lalaki lang ang nasa photo! HARANG! hE HE

 
At Monday, August 17, 2009 9:53:00 PM, Anonymous Anonymous said...

KWARTO KO YAN A!

 

Post a Comment

<< Home