Thursday, August 13, 2009

TUNGKOL ULIT SA ISYU NG SINING (updated)

Lumabas ito sa Manila Bulletin Online:

Mixed reactions to Carlo J as National Artist

Pro and con views on the conferment of Carlo J. Caparas as National Artist for Visual Arts and Film continue to pour in. (more...)

*****

Ilang araw na akong nag-aabang na ibalita man lang sa GMA channel 7 ang National Artist controversy, pero mukhang wala yatang balak ibalita ng network kung ano na ba ang nangyayari sa isyu.

Kunsabagay, dahil hawak ng channel 7 si Caparas ay malabo nang ipakita ng network ang hindi tamang proseso ng pagkakapili ng National Artist. Dahil mismong sina Caparas at Villa at nagpasalamat ng husto sa network.

Umaasa man lang ako na kahit bigyan ng pagtalakay sa kanilang programang I-Witness o kaya sa iba pang investigative shows ang naturang isyu, kaso parang wala talaga. Hindi ba mahalaga ang isyung ito sa kanila, o talagang ayaw lang nilang masira si Caparas?

*****

Hindi ko makuha ang puntong madalas ikatwiran ni Direk (at iba pang kapanalig) na karapat-dapat maging National Artist si Caparas (at Guidote-Alvarez) dahil marami silang natutulungang alagad ng sining galing sa kalye, o kaya naman ay pinapasok ng masa ang kanilang mga palabas sa pelikula at telebisyon.

Wala namang kuwestyon sa akin iyon. Kahit pa sabihin nilang nahawakan nila bilang artista sina Fernando Poe Jr., Kris Aquino, at kung anu-ano pang pelikula na kumita sa takilya.

Hindi iyon ang punto.

Ang punto ay iyong mismong 'ART' o 'SINING'. Wala itong kinalaman kung tatay mo si Obama o pinapasok ng isang milyong tao ang first day of showing ng pelikula mo. Ang sining ay may mga pilosopiya at may 'anyo' na wala sa mga pangkaraniwang trabaho.

Dapat maintindihan ng marami kung ano ang pagkakaiba ng pangkaraniwang obra sa 'WORK OF ART'.

Dahil kung paramihan lang din naman pala ng audience ang labanan, puwede ko na ring isali si Rico Mambo na isa sa pinakamabentang direktor noong 90s.

*****

Masarap paglaruan ang mga salitang ALAGAD NG SINING.

Para sa akin, ang ibig sabihin nito ay 'tauhan' o 'kapanalig' ka ng sining.

Kung ang katwiran mo ay iba kesa sa sining, malamang na ALAGAD KA NG MASA, o ALAGAD NG PRODUCER, o ALAGAD NG MALAKANYANG.

*****

At natatawa na lang din ako dahil may mga reaksyon sa akin na dahil ikinakapit ko kay Caparas ang salitang 'pop icon' (popular icon) ay mas lalo ko pa daw siyang ipino-promote.

Gusto ko lang linawin na iba ang kategorya ng 'pop icon' sa 'National Artist'. Si German Moreno o si Jolibee ay mga popular icon din. Pero malabong itanghal silang 'Pambansang Alagad ng Sining'.

Kaya sana ay maintindihan ninyo ang pagkakaibang ito.

*****

May mga punto itong si 'anonymous' kaso hindi ko na inilabas ang kanyang mga comments dito sa blog dahil hinahaluan niya pa ng pamemersonal at pang-aasar sa mga tagakomiks.

Okey sana ang mga analysis mo, kaso hindi ka ba puwedeng mag-comment na walang halong 'paninira' sa hanay namin? Pasalamat ka nga sa dinami-dami ng naging sagutan sa blog na ito ay pinapayagan ko pa ang mga anonymous posters.

Hinay-hinay lang, mga brad. Maging objective tayo.

*****

Hindi ba nakakahalata ang mga sangkot sa National Artist controversy na ang isyu dito ay tungkol sa ART...na ang numero unong nagri-react ay ang ART COMMUNITY?

Mapa-visual art, films, at komiks people ay iisa ang sentimyento.

Hindi pa ba pruweba ito na may mali talaga sa nangyari. Haler! Manhid ever ba ang mga ito? Mabuti sana kung ang nagri-react ay engineering community, o kaya transport community. ART COMMUNITY na ang mismong sumisigaw!

Paano akong mabubuhay sa pagiging NATIONAL ARTIST kung ang mga artist ay ayaw akong tanggapin?

Anong meron sa isang medalyang nakasabit sa leeg na halos ayaw namang kilalanin ng mga kasamahan mo na may medalya din naman sa leeg?

16 Comments:

At Friday, August 14, 2009 9:48:00 AM, Anonymous Glorious said...

Excerpt from The National Artists of the Philippines Guidelines

OBJECTIVES

The Order of National Artists aims to recognize:

1. Filipino artists who have made SIGNIFICANT CONTRIBUTIONS to the cultural heritage of the country.
2. Filipino artistic accomplishment at its HIGHEST LEVEL and to promote creative expression as significant to the development of a national cultural identity.
3. Filipino artists who have dedicated their lives to their works to FORGE NEW PATHS AND DIRECTIONS for future generations of Filipino artists.

Pagkatapos basahin ito ay talagang lalo kong HINDI matanggap na si Caparas ay National Artist.

Para sa akin, the National Artist should represent the best of the best, or as the cliche goes - the cream of the crop. Not the cream of the CRAP!

 
At Friday, August 14, 2009 10:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

"Hindi ba nakakahalata ang mga sangkot sa National Artist controversy na ang isyu dito ay tungkol sa ART...na ang numero unong nagri-react ay ang ART COMMUNITY?

Mapa-visual art, films, at komiks people ay iisa ang sentimyento.

Hindi pa ba pruweba ito na may mali talaga sa nangyari. Haler! Manhid ever ba ang mga ito? Mabuti sana kung ang nagri-react ay engineering community, o kaya transport community. ART COMMUNITY na ang mismong sumisigaw!"

Ibig sabihin ba nito walang karapatan o capasidad ang nasa engineering at transport community na mag-appreciate sa "art" at 'yung mga self-proclaimed "artists" lang ang meron?

Maraming sector ang lipunan natin, hindi lang "artist" community. "Art" is subjective at ang appreciation nito ay hindi exclusive sa iilan lamang.

Ngayon, kung isang sector lang-ang "artist" community kuno ng CCP ang bumabatikos ke Caparas, e parang pilay at may problema ang minumungkahi ninyo.

Hindi ba mas maganda na HALOS LAHAT ng sector ng lipunan ang kailangang bumatikos dito ke Caparas? E ang lumalabas mga self-proclaimed "artists" lang ang umaalma e.

Parangal na "National" artist ang isyu dito kaya dapat lang na di lang maliit na sector ng mga Manila elitist artists ang mag-protesta. DAPAT HALOS LAHAT NG SAMBAYANAN, HALOS LAHAT NG SECTOR NG LIPUNAN.

Kaso, WALA e. Problema 'yan.

Maging realistic naman tayo. Get first the numbers, THEN we'll talk.

Capice?

 
At Saturday, August 15, 2009 2:53:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Iyon na nga ang problema e. Kung sino yung komunidad na dapat sa likod mo e siya pa ang kumukuwestyon sa kredibilidad mo. Hindi pa dapat magkaroon ka rin ng pagmumuni-muni sa sarili mo na bakit hindi ka sinasang-ayunan ng mga artist? May problema ba sa trabaho ko?

At para sa kaalaman na rin ng lahat, hindi lang mga 'elitistang' artist (yan kasi ang sinasabi ni anonymous) ang nagpu-protesta. Sa katunayan, ang isa sa pinakamaingay ay ang grupong Concerned Artists of the Phils na alam naman nating 'masang-masa' ang oryentasyon.

 
At Saturday, August 15, 2009 8:12:00 AM, Anonymous Anonymous said...

"Concerned ARTISTS of the Philippines" --Suuuuure. "masang-masa" ang orientasyon. Suuuure.

Hay naku. Maliit pa 'yan. E, ano nga ba objective 'nyo? Nagpo-protesta nga kayo pero ano ang objective? Bawiin ba ke Caparas ang National Artist award? Ikulong si GMA? Ano? Panay angal lang.

Paano 'nyo makukuha ang simpatiya ng marami kung sa objective lang e, ang labo-labo. At ano naman ang course of action nyo kung meron na kayong consensus kung ano ang iisang objective 'nyo? WALA.

Angal lang ng angal na "Di ito "art",blah blah blah. Dapat tumingala kayo sa obserbasyon ng "artist community" ek-ek. E, talagang di kayo papansinin kasi DI KAYO ORGANIZED. Organized sa angal ng angal, pero sa mass action at political movement, WALA.

Ang pagkuha ng NATIONAL ARTIST AWARD ni Caparas ay HINDI ART PROBLEM. Political problem 'yan na nangangailangan ng POLITICAL solution at organized mass action.
Ano objective at course of action 'nyong mga Concerned Artists, aber? Kung wala kayo 'nyan, talagang marami ang mixed reactions na makukuha 'nyo, kasi mismo sa hanay 'nyong mga elitistang pang masa-kuno, e hindi kayo talaga organized at systematized tulad ng organizational machinery at network ni Caparas at Golden Lion Films. Palitan 'nyo naman ang "artist cap" 'nyo. Di 'yan ang dapat isuot sa political problem na ito.

 
At Saturday, August 15, 2009 12:19:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Capisce,

Wala sa numbers iyan, kasi kung dadaanin sa numbers, Masa na naman ang mangingibabaw, kapareho ng paghalal sa ating mga bulok na pulitiko, na kinukuha ang boto sa ranggo ng masa na hindi nagiisip. Di Ba ? dapat huwag ng pagbotohin ang masa, kasi sila ang rason kung bakit puro bulok na pulitiko ang nahahalal. Yung mga Bona-fide tax payers lang ang pwedeng bumoto.

Kaiser Sose

 
At Saturday, August 15, 2009 1:44:00 PM, Blogger Wordsmith said...

Capisce,

Dapat lang na ang art community ang unang mag-react at maging masigasig sa pagprotesta sa isang hindi visual artist na piniling NA for visual arts. The reason is quite obvious.

Pero para mas klaro, isa sa criteria for selection ng NA ay "broad acceptance through critical acclaim of their works and respect and esteem from peers."

Respect and esteem from CJC's peers, parang wala siya nito.

Capisce?

 
At Saturday, August 15, 2009 4:30:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Anonymous-

So talaga palang inaamin niyo na pulitikahan ang labanan. Kaya pala nababoy ang proseso ng pagkakapili sa mga nominees.

Bigla na lang naitsapwera sina Manuel Conde, Ramon Santos, na siyang mga nasa listahan ng dapat papasok as National Artist.

Anoa ng masasabi mo sa pahayag na ito ng mga National Artist din natin at mga members ng screening committee:

- Caparas, comic book writer-turned-movie director and producer, was twice rejected by two NCCA panels, BienvinidoLumbera said. “He (Caparas) was first proposed as a nominee for literature, but the committee rejected him. He was again proposed as nominee for visual artist but the panel again turned him down."

- GMA added not just one, but four! And to add insult to injury, removed someone from the list, an act which has never been done before by any Philippine president!

- Just learned there might be a House of Representatives inquiry re this National Artist flap: "the probe would determine whether the President’s prerogative to choose the recipients of the prestigious award should be abolished." Now, really have to find a copy of Presidential Proclamation 1001. Anyone? If we want to get rid of or minimize corruption we also need to change the system.
Just communicated with Sir Butch Dalisay via text asking him where I can get a copy of Proclamation 1001. And what he said blew me away -- he confirms what Ms. Abrera said on the show. There is no such banana as a presidential prerogative. I've asked his permission to quote him and here are two of his text messages:
1) Dalisay: "Don't have a copy but it just provides for the President to confirm, proclaim, and confer the award."
So no "presidential prerogative?" I asked.
Dalisay: "None in black and white, actually. It's a fiction that people just came to believe and accept."


So ano ang masasabi ninyo dito? Legalities na ang usapan dito at dangal ng pagiging alagad ng sining. Kung pulitikahan pala ang labanan na gusto ninyo, malapit na ang 2010, baka iboto ko pa si Direk kung tatakbo siyang senador. Pramis! :D

 
At Saturday, August 15, 2009 6:39:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kaya nga its a political issue and you need to fight it POLITICALLY. You need political action. WALA E.

Satsat lang ng satsat na..."e HINDI naman ART ang mga films at komiks ni Caparas e." Hanggang don lang ba? Its not getting you nowhere.

So, its not art. You were hoodwinked by Caparas. WHAT YOU GONNA DO? Cry a river na hindi kayo pinapansin ng ibang sectors ng society? That the so-called art community is leading the way? C'mon. Those are just empty words. WHAT'S YOUR COLLECTIVE PLAN OF POLITICAL ACTION TO COUNTER CAPARAS' POLITICAL HOODWINKING?

WALA. Hanggang blogging lang kayo ng blogging.

 
At Saturday, August 15, 2009 7:34:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Para sa kaalaman mo, part lang kaming mga nagba-blog ng mga nagpu-protesta. Mas maraming nagpapu-protesta outside the internet, kabilang na diyan ang iba pang National Artist, mga propesor ng unibersidad, at iba pang personalidad na nasa posisyon kesa sa amin. Aware ka ba isinampa na sa Supreme Court ang kontorbersyang ito?

Kung sa tingin mo ay hanggang pagba-blog ang kaya naming gawin, mukhang hindi mo pa nakikita ang 'power' ng blog world. Baka hindi ka aware na 50 years from now ay mababasa pa rin ng mga kaapo-apuhan mo ang pinagsusulat namin dito tungkol sa kontrobersyang ito ng National Artist. At mababasa ito ng mga susunod pang henerasyon na magri-research tungkol sa isyung ito :)

May tingin pa nga ako na sa hinaharap, kapag nagpatuloy pa ang ganitong klase ng kontrobersya, ay lalong wala nang maniniwala sa ganitong klase ng parangal at baka bigla na lang itong tanggalin dahil wala nang dangal. Makatwiran naman dahil pera nating lahat ang ginagastos sa parangal na ito na wala namang nahihita ang karaniwang taong tulad ko.

 
At Sunday, August 16, 2009 5:28:00 AM, Anonymous Anonymous said...

"Wala sa numbers iyan, kasi kung dadaanin sa numbers, Masa na naman ang mangingibabaw, kapareho ng paghalal sa ating mga bulok na pulitiko, na kinukuha ang boto sa ranggo ng masa na hindi nagiisip. Di Ba ? dapat huwag ng pagbotohin ang masa, kasi sila ang rason kung bakit puro bulok na pulitiko ang nahahalal. Yung mga Bona-fide tax payers lang ang pwedeng bumoto."

Walandyo! Pobreng mga artists? Nagbabayad ng TAX? Really? Don't make me crap. Siguro yung mga konting kumikita ng pera diyan, Oo, pero majority ng mga pobreng pintor, artista, writer, komikero, "blogger" BONAFIDE taxpayer? C'mon!

'Yung sinasabi 'nyo naman tungkol sa masa, e am sorry ha? You are unreasonably being presumptuous, judgmental, simplistic and naive. Yung sector 'nyong "concerned artists" and "komikeros" are part of the masses. At one time or another, you also did STUPID things like voting WITHOUT THINKING. Kaya wala kayong karapatang itayo ang mga sarili 'nyo sa ibabaw ng nakararami at magpupu-putak na kayo ang ILAW sa problemang ito. THIS IS NOT AN ART PROBLEM. THIS IS NOT THE ART WORLD. WALA TAYO SA VENUS.

 
At Sunday, August 16, 2009 2:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Capisci,

I"m not talking about poor artists/ not paying taxes, but the masa in general who are not PAYING TAXES, But has ENOUGH CLOUT to get LOW-LIFE POLITICIANS GETTING ELECTED TO NATIONAL OFFICE. Naintindihan mo ? If I have my way, I'm going to to have these stinking Masa converted into FERTILIZER, para may contribution naman sila sa NATIONAL DEVELOPMENT. Right now, pampasikip lang sila sa mundo, including you at mga hordes ni CJC.


Kaiser Sose

 
At Sunday, August 16, 2009 9:57:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kaiser Sose: "I"m not talking about poor artists/ not paying taxes, but the masa in general who are not PAYING TAXES"

Atsus. E di na-contradict mo lang sarili mo. Poor artists who can't pay taxes are NOT Bonafide Taxpayers. Ergo, part din sila ng masa who are not paying taxes. Consequently, dapat din palang gawing FERTILIZER ang maraming POOR at FEEBLE-MINDED "ARTISTS" for National Development? Wow. Pasista ka rin pala ha? He he.

 
At Monday, August 17, 2009 10:12:00 AM, Anonymous Glorious said...

Capisci,

para sa hindi naniniwala sa power ng munting BLOG ay napakadalas mo sumubaybay at mag comment sa isang BLOG.

may point ka rin naman na hindi dapat maipit sa dakdakan at reklamuhan ang issue otherwise ay mapapagod lang ang lahat at magsasawa.

so with that in mind,
What's the Plan Mr. Randy man? Ano ba ang mga puwede pa nating gawing aksiyon para masindihan ang puwet ng mga Pilipinong apathetic/indifferent (walang pakialam).

Huwag tayo pumayag na mailibing ang mga Pilipinong Artist kasama ang National Artist Award?

 
At Tuesday, August 18, 2009 2:16:00 PM, Blogger Wordsmith said...

Gusto ko lang i-share ang comment ni Ms NERISSA CABRAL sa conferment ng NA title kay CJC.

She said:
“Dapat proud tayo coz he’s from our industry. But the award is questionable. He should have done some soul searching before accepting the title. Kaso bihira sa tao ang honest sa sarili. Dapat tanggap mo kung saan ka nakalakagay.”

The children of Mars Ravelo have issued a statement as well.

Sana ay magbigay rin ng pahayag ang iba pang tagakomiks na kasingprominente nina Nerissa Cabral at Mars Ravelo. Their disapproval could only strengthen the argument that CJC does not have the respect and esteem of his peers.

 
At Wednesday, August 19, 2009 10:23:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Anak ni Caparas na si Krishna, ipinagtanggol ang ama:

http://xhna.multiply.com/journal/item/112/CARLO_J._CAPARAS

 
At Thursday, April 08, 2010 6:14:00 PM, Anonymous Anonymous said...

hiya


just signed up and wanted to say hello while I read through the posts


hopefully this is just what im looking for looks like i have a lot to read.

 

Post a Comment

<< Home