Friday, July 31, 2009

PINAKAMURANG ENTERTAINMENT

Napagtripan ko lang kaninang magbasa ng mga showbiz balita sa mga lumang komiks. Natawa ako dito sa isang article na lumabas sa Sampaguita Komiks na may petsang Oktubre 21, 1981. Column ito ni Mely Arcega na may pamagat na 'Movie Talk'.

Mababasa ang isang paragraph na ganito: 'Malapit na ring ipalabas ang pelikulang Abigael na ginampanan ni Alma Moreno at malapit na rin ang Basilio at Magkasangga na pangunahing bituin si Lito Lapid. Kapag ipinalabas na ang mga pelikulang iyan at hindi pa nagsikita talagang mahirap na ang pera. Pero sa tingin ko, ang pelikula ay mahirap kalimutan dahil iyan lamang ang pinakamurang entertainment. Tama po ba?'

Aba, e nagtanong pa! Siguro kung may time machine lang ako at makababalik nang mismong sinusulat niya ang article na ito ay baka mahambalos ko lang sa ngala-ngala niya ang komiks na pinagsusulatan niya.

Gets niyo?

1 Comments:

At Saturday, August 01, 2009 6:49:00 PM, Blogger Everlito (ever) Villacruz said...

ha ha ha, mahirap pasukin ang ngala ngala.

 

Post a Comment

<< Home