RAMON R. MARCELINO
Kung sa ordinaryong mambabasa, siguro ay hindi masyadong matatandaan ang pangalang Ramon R. Marcelino. Ngunit sa halos lahat ng naging bahaging kasaysayan ng komiks sa Pilipinas, hindi maaaring hindi makilala ang tulad ni Mang Ramon.
Editor ng ilang komiks title ng GASI noong 1960s, naging editor-in-chief ng sampung taon sa New Ace Publications noong 1968, nobelista at manunulat, isa sa naging mahalagang opisyal ng APEPCOM (Association of Publishers and Editors of Philippine comics Magazines) kasama sina Tony Velasquez, Angel Ad Santos at Clodualdo del Mundo at nagsulong ng 'Golden Code ng komiks', naging pangulo ng KPPKP (Kapisanan ng mga publisista at mga Patnugot ng mga Komiks-Magasin sa Pilipino), naging production manager ng 'The Manila Times', editor at nanguna sa pagbubuo ng aklat na 'A History of Komiks of the Philippines and other Countries', nagsulat ng aklat tungkol sa kasaysayan ng Roces family at ang kanilang publication business sa Pilipinas, gumawa ng ilang aklat at babasahin tungkol sa komiks scriptwriting, creator ng karakter na si 'Cleopakwak' na isinapelikula noong late 60s, screenwriter ng pelikulang 'Bakekang' ni CarloJ. Caparas noong 70s, at napakarami pang achievements kung industriya lamang ng komiks ang pag-uusapan.
Nagtapos ng kursong Journalism sa Manuel L. Quezon Institute (ngayon ay MLQU).
Siya ang editor na nagsabi noon kay Alex Niño na: "Hindi bagay sa Pilipinas ang gawa mo, dapat ay sa ibang bansa ka magtrabaho."
Nang tanungin ko siya tungkol dito ay ito ang kanyang sagot:
"Na-misinterpret ako ni Alex na akala niya ay kinukutya ko ang gawa niya. Ang totoo, nang una kong makita ang kanyang trabaho ay alam ko agad na magtatagumpay siya kung sa ibang bansa siya gagawa. Hindi pang-Philippine komiks ang kanyang trabaho noon dahil may pamantayan noon ang mambabasang Pilipino na kailangan ay magaganda ang mukha at mukhang Pilipino ang mga karakter. Compliment iyon at hindi insulto."
Ilan lang ito sa napag-usapan namin sa isang exclusive interview para sa Pinoy Komiks Rebyu.
5 Comments:
Ngayon pa lang ay nata-tantaliza na ko sa magiging nilalaman ng inyong magazine. Maganda ang layon nito Sir; na muling ipakilala sa mas batang henerasyon (kung saan ako nabibilang) ang mga "movers and shakers" ng komiks at publishing dito sa Pilipinas noon. Sayang, bakit nga ba ganoon... "past perfect"... saan nga ba tayo nagkamali at bumagsak ang industriya ng komiks? Sana'y maging isa rin ito sa mga paksa ng ilan sa iyong mga artikulo...
astig ka pala pag walang salamin, haha!
Thanks for posting Mang Ramon's pictures. I am pleased to see him, kahit sa larawan lang, after several years.
He was my very first boss, and that was eons ago (LOL).
One thing I can tell the younger generation, Ramon Marcelino did help a lot of budding talents, both writers and artists. He encouraged them and were supportive even if he occasionally got piqued with their being makulit.
Thank you, Randy, for doing a feature on him.
Buti na lang at na-highlight at naklaro na compliment yung sinabi ni Mang Ramon ke Alex Nino. Parang nabasa ko nga somewhere na me editor na nagsabing di bagay yung art ni Alex Nino sa Pilipinas. It's good to know para maituwid yung maling akala. I hope Alex Nino knows this too.
Wartifact
While it's true that Mr. Marcelino turned down Alex Niño's drawings, there was also another editor named MARCELO B. ISIDRO who liked Niño's work and published him.
I also agree with Mr. Marcelino that Nino's characters are indeed the celebration of the grotesque, something that stood out in Philippine comics during the late 60s and early 70s – but not necessarily a smah hit to the komiks readers. And when he replaced Emil D. Rodriguez in Anak ni Prinsipe Amante, everybody was blown away by the amazing cinematic scope of his work.
Mr. Marcelino was indeed one of the strongest pillars of Philippine comics and he had created many good stories, and my personal choice as his best work is a serialized novel called LUHA SA DISYERTO, illustrated by Mar Santana. Sad to say, this one didn't make it as a film.
My sincerest condolences to his family.
Post a Comment
<< Home