PINOY KOMIKS REBYU
Marahil ay nasasabik na ang marami sa mga kaibigan na hiningian ko ng article at interviews sa email kung ano ba itong ilalabas ko. Ito na ang matagal ko nang niluluto sa utak ko pagkatapos ng isang taon na lumabas ang libro namin ni Fermin Salvador na 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks'. Marami pa kasi akong isinaalang-alang kung libro din ba ang kasunod, o komiks, o kung anupamang babasahin.
Hanggang sa napag-desisyunan ko na magasin ang ilabas. Isinangguni ko agad ito kay Fermin at aprubado naman sa kanya.
Siguro ay pamilyar na kayo sa 'The Philippine Comics Review' na lumabas noong 1980 galing sa Tikbalang Publications. At sa kasamaang-palad ay hindi na ito nasundan. Pinilit kong i-trace ang nasa likod ng naturang magasin at sinuwerteng nakakuha ako ng ilang impormasyon, kasabay din na lumutang ang ilang larawan (film negative, actually) na hindi nagamit sa magasin, pati na ang tingin ko ay gagamitin nila para sa second issue.
Ang nakikita ninyo sa itaas ay sample cover pa lang ng unang isyu ng magasin na ilalabas namin ni Fermin. Wala pa akong ideya kung ano ang ilalagay ko ditong image (drawing/picture) hangga't hindi pa tapos ang content ng magasin. Sa kasalukuyan ay halos nangangalahati na ako sa 64 pages na laman nito.
Regular akong maglalagay ng updates tungkol sa magasin sa mga susunod na araw.
7 Comments:
Good day Sir,
Bagong salta lang ako sa mundo ng Komiks sir. Maitanong ko lang po saan pa ho bang bookstores mabibili ang Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks'? Magkano po ito?
Salamat po...
Jayson-
Sa lahat ng Central Books meron, ito ang mga branches nila:
http://www.central.com.ph/retail/retail.html.
Meron din sa Popular Bookstore (Timog) at sa Bookay Ukay (UP). Php 350 ang presyo.
Nakakailang rebyus ka na ba Randy ? sino-sino ang rebyuwers ?kailan ang book launching ?
auggie
Auggie-
Karamihan ng natapos ko pa lang ay articles at interviews, hindi pa ako naglalagay ng reviews ng mga komiks. Ang target ko ay sa susunod na convention, August or October. Kumporme kapag natapos ko agad at walang problema sa printing.
Basta tungkol sa komiks call ako dyan mukhang maganda na naman tong niluluto mo pareng randy pa reserve na ako ng isa ha goodluck sa project mo :)
ayos...magaling...makakatulong ito sa pagpapalawak ng komiks.
Parang ITO NA! ang magasing hinihintay ng lahat ng Komiks Artist ng ating panahon. Pero Bro, huwag mo lang susundan ng tagline na KOMIKS KILLS! O baka puwede rin! HHHHH! Bakas ako dyan, Randz, good luck!!!
Post a Comment
<< Home