Lichtenstein
Si Roy Lichtenstein ay isang pop artist noong 1950s na ginagamit ang komiks para sa exhibit. Kakaiba sa ibang pintor ang kanyang mga obra dahil inililipat niya sa canvass ang panel ng comics, hindi lang ang drawing kundi ang dialogue at caption ng eksena, maging ang texture ng papel.
Ang tanong dito, ginawa niya ba ang mga obrang ito upang maiangat ang komiks art form? O gamitin ang komiks bilang isang seryosong paksa at tema ng sining?
4 Comments:
Ang sagot: Para gamitin ang Comics bilang isang seryosong paksa o tema.
Ang Comics bilang artifact ng 21ist Century popular culture, ay kagaya rin ng mga consumer items na Brillo, Campbells Tomato Soup,mga icons gaya ni Marlyn Monroe, Che Guevarra, Mick Jagger na gawa naman ni Andy Warhol. Silang dalawa ni Warhol ang pinaka sikat na exponent ng POP ART sa US. Ang Pop art ay reaction sa art movement na ABSTRACT EXPRESSIONISM, na sa tingin nila ay elitist art. Ang pilosopiya nila ay gawing accesible sa Masa ang Art.
Auggie
Puwede rin bang tingnan ito bilang isang uri ng pagnanakaw sa gawa ng iba? Mabuti sana kung binigyan ng credit ang mga orihinal na artist, kaso di ko alam kung ginawa ni Lichtenstein iyon.
Just a thought...
^ Siya ang gumawa ng mga yun, ginamit lang ang style ng comics.
Hindi siya ang gumawa noon originally, blow-up serigraphy yun ng mga gawa nila Russ Heath, at iba pang mga comics illustrator, at wala ring credit. Pero hindi nagreklamo ang mga comics artist dahil na-edify ang mga trabaho nila. Ni sa guni-guni nila ay hindi nila ma-imagine na madidisplay ang art nila sa mga sikat at mamahaling art galleries sa buong mundo. In a sense, nagpapasalamat pa nga sila ki Roy.
Bakit dito sa atin walang gumagawa niyan ? mga blow-up ng trabaho ni Coching, Alcala, Redondo at i-display sa mga prestigious art galleries natin ? mukha ni Kenkoy, Bondying, Zuma, Darna, Palos, Valentina, etc...just a thought.
Auggie
Post a Comment
<< Home