Sunday, May 17, 2009

ANG LOVE LETTER


May napulot akong loveletter sa Luneta minsan. Hindi ko alam kung itinapon o nalaglag. Binasa ko dahil gusto kong malaman kung anong meron sa sulat na ito. 4 pages ito at isinulat sa magandang papel na kulay pink.

Nalaman ko na hindi lang pala baliw ang pag-ibig. Baliw man umiibig din.

Hindi ko na ilalagay dito ang buong sulat, namili lang ako ng mga paragraphs na talagang nabaliw ako ng husto.

Ito ang laman ng sulat...


My Ever Dearest-----

First, I would like to greet you a pleasant life for the only girl I met in the sky of my feeling to you. I was afraid to say I love you because I am shy to say I love you as my friend. Matagal nang kumita ang pananalitang ito ngunit may profit pa rin na marating ang langit sa tagumpay na mabasa mo ito. Lagi ka sanang masaya na sing saya ng joyful song. Alive, alive, alive forevermore to sing you a story short. Sana magtagal tayo sa Luneta na nakaupo, nakadamit at nakapaligo. Ang samyo ng kaisipan ay mabango sa isip sa salita at sa gawa.

Love, mahal kita, iniibig kita na salita ni kupido na pumana at ang busog ng pagmamahal ay sumibat sa primitibo na tulad yaring tulad ko sa simpleng makabago na tulad mo. Tulad ng isang ibon, ibon ay lumilipad na naghahanap ng pugad na kanyang maibabahay. Parang isang tao na naghahanap ng hanapbuhay sa pugad ng isang ibon. Iyong unawain, iyong namnamin ang lasa ng gatas na likidong lumalabas sa pastol ng mga baka, na binusalan upang wag nang magsalita at ipinid ang pintong bunganga ng armas nukleyar. Mabigat, masidhi, mahimutok ang damdamin na tila bagang bombang atomika na pinipigil ng puwersa ng hangin o vacuum ng isang compressor ng aking puso.

Huwag ka sanang magagalit sa akin sa akin na sabihin ko sa yo ang aking tunay na pagkatao. Ako'y isang anak mahirap lagi na lang akong nagsusumikap, college lang ang inabot ko, weirdo pa ako, paano na ngayon ang buhay ko. Kung wala ka, hindi ko makakaya harapin ang bukas na nag-iisa, kung mawawala ka kung mawawala ka. Awiting bago tunay na pagmamahalan masasayang awitin na nararapat tangkilikin. Sumayaw sumunod sa sindak ng panahon kasabay ng makabagong tungkulin ngayon at kailanman sumpa ko sa sarili ay ngayon ay kailanman.

Sumisikip ang aking dibdib na sana sagutin mo ako sa sulat kong ito, sana marating ko ang langit mo at kaligayahan, ito'y aliw sa pag-iinit ng aking damdamin. Aking sasalatin, aking kakapain ang pahina ng iyong pagkatao, sa diwa ng maselang bahaghari sa aking isipan. Sana unawain mo ako sa linis at dalisay ng aking ti...tiisin na maging ganito at simpleng ako. Sana kagatin mo ang aking ti...tipunin na pagmamahal bilang iyong kaibigan. Ang iyong angking ganda ay bulaklak na mabango at madamo na sariwang sariwa na aking nais pitasin at kainin na nagnanais pumasok sa aking puso. Aking nakita, aking naaninaw, na ikaw ay may dalawang bundok na mapuputing ulap sa tuktuk ng korona ng aking glorya. Ito'y sa puso at hindi lamang lumalabas sa nguso. Ang bundok na ito ay mababasa sa Biblia, itong sa Galacia 4:21-26. Ang bundok na ito ay sa Arabia at Jerusalem.

Kung tayo'y bagay na tumutunog ika'y piano at ako'y bajo. Ang piano ay mahalumigmig sa pandinig, ang bajo ay mabango sa pandinig. Salamat na lamang sa aking kantang inaawit, kantang sinasalat. Ohhh, bayan ko, ang iyong perlas na nagsisilang sa pahina ng iyong puso ay aking aakyatin, aking aarukin hanggang maabot ko ang gloria at tagumpay.

Pakikiusap ko lamang sa yo na mapagdamutan mo ako ng iyong litrato. Puso ko'y litong lito puwede bang maipasok ang nanginginig kong ti..napay sa salita sa iyong puso. Kung tayo'y bagay na metal ika'y ginto at ako'y tanso. Ang ginto ay puro na dalisay sa pag-ibig (24 karats). Ang tanso ay hinahalo sa ibang metal upang maging matibay, matatag at bigatin. Salamat sa iyo. Alien!!!

Precious wire,
A

5 Comments:

At Monday, May 18, 2009 10:05:00 AM, Blogger Reno said...

Aba't ikaw pala ang nakapulot ng love letter kong nawawala! Ilang taon ko nang hinahanap iyan. Pakitabi na lang at kukunin ko pag nagkita tayo uli. :P

 
At Tuesday, May 19, 2009 9:57:00 AM, Blogger KLITORIKA said...

waaahahahhahaha...
naloka nga ako hehehehe La-La hindi ba sayo galing yan at para sa La-la mo? hehehe

 
At Wednesday, May 20, 2009 1:31:00 PM, Anonymous Anonymous said...

magandang araw po ito po ay nahulog at nawala ng aking kaibigan matapos na aking isulat, ito po ay akin, nais ko po sanang makuhang muli. sa papano ko po kayo makokontak. salamat po.

 
At Wednesday, May 20, 2009 1:46:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Sulatan mo muna ako na nagri-request para mabawi yan, gusto ko nasa ganyang papel din :D

 
At Monday, May 25, 2009 9:21:00 AM, Anonymous Anonymous said...

isang gabi ng aking pagpupuyat...naaliw ako ng sobra habang binabasa ko ito...ang weird po...pero lets just understand him, he's inlove so badly...

 

Post a Comment

<< Home