PALAISIPAN #1
Simula ngayon ay maglalagay ako dito ng mga palaisipan para sa lahat ng nagbabasa ng blog na ito. Kung maaari sana ay mailagay ninyo ang inyong tunay na pangalan sa comments section dahil may paggagamitan akong proyekto sa mga sagot ninyo. Kahit maganda ang inyong sagot kung hindi ninyo ilalagay ang inyong tunay na pangalan ay hindi ko tatanggapin. Ang proyektong binabanggit ko ay kasalukuyan ko pa lang binubuo at saka ko na lang muna sasabihin kung ano ito.
Narito ang unang palaisipan:
'Sa pangunguna ng Komiks Operation Brotherhood (KOMOPEB) ay nagkaroon ng parangal sa komiks noong 1984 na ipinalabas pa sa telebisyon. Ipinagkaloob ang grand award kay Don Ramon Roces sa pagsasabing siya ang nagsimula ng komiks publishing sa bansa.
Totoong siya ang naging publisher ng Liwayway magasin kung saan unang lumabas ang Kenkoy (1927) ni Tony Velasquez. Ngunit ang Liwayway ay hindi isang komiks kundi isang magasin ng mga balita, kuwento at artikulo. Ang kauna-unahang komiks sa tunay nitong esensya, at katulad ng mga komiks na lumalabas ngayon, ay ang Halakhak Komiks (1946) na inilimbag ni Atty. Jaime Lukas. Ang Kenkoy ay isa lamang filler ng magasin, at ito ay hindi rin naman una sa mga comics strips na lumabas, mas nauna ang mga political comic strips na lumabas sa mga magasing Telembang at Lipang Kalabaw (1920) na pinamumunuan naman ni Lope K. Santos.
Sino sa palagay ninyo ang dapat kumuha ng parangal sa pagiging kauna-unahang publisher ng komiks sa bansa?'
4 Comments:
Nung nasa GASI ako, madalas ko makita na nakalagay sa komiks ay "KOMIKS MAGASIN" so kung ang komiks na kinikilala natin ay nagsasabing magazine din sila. Malamang si Don Ramon Roces iyan.
Ang tunay ba na komiks ay iba rin sa mga comic strips? Kasi kung comic strips ay walang pinagkaiba sa comic books. Malamang hindi Kenkoy ang una kung may nauna nang comic strips na gawa ng pinoy sa mga pahayagan.
Depende talaga sa format ito eh. Maaari naman silang parehong una, sa magkaibang format na ginamit.
"Sino sa palagay ninyo ang dapat kumuha ng parangal sa pagiging kauna-unahang publisher ng komiks sa bansa?"
Kung ang tinutukoy mo Randy ay LOCAL komiks na nasa modernong pamphlet format, kung saan ay halos lahat ng nilalaman ay komiks, hindi mga reprint ang laman at original first time in print lahat, regular ang labas na parang periodical o "magazine" format ng mga Amerikano...palagay ko si HALAKHAK ang unang nagsimula ng komiks publishing sa bansa. Kung umabot ng lampas 3 isyu ang HALAKHAK, pwede na. Di siya fly-by-night.
Yung Telembang at Lipang Kalabaw ay hindi mga komiks magasin o comics periodical di ba? Feature lang sigurado ang mga political cartoons na ito sa mga magazine na yan.
Yung Kenkoy naman, tama ka. Filler lang yan. Isa sa maraming feature lang yan sa Liwayway. At noong nai-reprint ang mga strips ng Kenkoy sa isang libro tulad ng ginagawa ngayon sa Pugad Baboy, COMPILATION lang yan ng mga reprinted comic strips. Hindi talaga yan comics magazine. Isa pa, wala namang sumunod na mga comics magazine/periodical/pamphlet na nai-publish kasunod ng paglimbag sa COMPILED reprinted comic strips ng Kenkoy.
Pero nang mai-publish ang HALAKHAK, di ba agad na sumunod dito ang Pilipino Komiks, Espesyal, Hiwaga at Tagalog Klasiks ni Ramon Roces na gayang-gaya sa comics magazine format ng Halakhak? Di ba't meron ding mga original comics features, at halos lahat ng nilalaman ay komiks sa mga komiks ni Roces? Kung Oo, e di, HALAKHAK nga ang nagsimula ng local comics publishing sa Pilipinas.
Di ba nagtrabaho rin si Tony Velasquez, creator of Kenkoy, sa staff ng Halakhak? Tapos, naging manager siya agad sa mga apat na komiks titles ni Roces na sumunod sa Halakhak?
Kung walang HALAKHAK na nagtagal ng lampas 3 isyu, wala sanang sumunod na Pilipino Komiks, Espesyal, Tagalog Klasiks at Hiwaga ni Ramon Roces.
E bakit nga ba binigay ng KOMOPEB ang award sa boss nilang si Ramon Roces at HINDI ke Atty. Jaime Lukas ng HALAKHAK?
Ano 'yan, sipsipan? Nagpapalakas ang komiks brotherhood ke Roces? Sino-sino ba ang mga organizer ng KOMOPEB? Kung malaman natin kung sino, malamang may clue na tayo kung bakit nila binaluktot ang history ng local komiks. Lagi namang ganun di ba? Ha ha ha.
Randy, alam kong sinabi mong bawal dito sa post entry mo ang anonymous, pero...sorry ha? Ok lang kung di mo to i-post. Nagbibigay lang ng ako ng sariling opinyon.
--Juan Marquez
Walang pinagkaiba ito sa kasaysayan ng personal computing na si Ed Roberts ang nagpasimula ng personal computer na Altair 8800 noong 1975 pero sino ba ang naging tanyag matapos magkaroon ng idea ang mga nakakita sa gawa niya di ba sina Apple Computer at Microsoft na mas mayaman pa sa kanya at isama mo na rin ang IBM na nakakuha naman ng idea nang makita nila ang Apple II PC kaya gumawa naman sila ng IBM PC so sa palagay ko ganyan ang sinapit ng Halakhak Komiks at napunta nga kay Roces at sa iba pa ang parangal sa palabas na GABI NG PAHANGAL SA KOMIKS hehe.
Randz, bakit hindi pareho silang bigyan ng recognition. Yung isa para sa paglimbag ng "tunay" na comics format at yung isa naman ay dahil yung publication niya ang nagpasikat ng komiks?
Yung isa kasi - (1946) ay tunay na komiks format. Pero hindi naman siguro mai-inspire si Atty. Jaime Lukas na maglabas ng ganong format kung walang following ang comic strips na gaya ng Kenkoy ni Tony Velasquez. Isa pa, yung matatandang kilala ko, puro Kenkoy ang bukambibig kapag sinabing komiks. So siya ang nagpatanyag bagamat hindi man siya ang nauna. Deserve pa rin ng Liwayway magasin ang kahit konting recognition.
Post a Comment
<< Home