COMICS ILLUSTRATING by NESTOR MALGAPO
Isa si Nestor Malgapo ang nagkaroon ng pinakamaraming estudyante sa komiks noong aktibo pa siya sa pagdidibuho sa mga publications. Sa katunayan, maging mga taga-probinsya na hindi makarating sa Maynila ay nagkaroon ng pagkakataon na matuto sa pamamagitan ng kanyang mga librong inilabas noong 80s. Sampung libro ang inilabas niya na iba't iba ang topic tungkol sa pagdidibuho sa komiks. Nakakuha ako ng isang libro niya noon pero hindi ko na nakumpleto dahil ang hirap hanapin, at ang malas pa, hiniram ng isang kaibigan ang kai-isa kong libro at hindi na naisoli sa akin.
Kaya laking tuwa ko nang mag-email sa akin si Ka Nestor na muli niyang ilalabas ang mga librong ito, pero nasa isang compiled version na. Hindi pa ito available sa alinmang bookstore at tindahan pero maari na kayong magpa-reserve ng kopya kay Ka Nestor sa nesmalgapo98(at)gmail(dot)com
Sulit ang librong ito dahil lahat ng paksa tungkol sa pagdidibuho sa komiks ay narito. At sa tingin ko nga ay ito ang kauna-unahang 'Filipino how-to-draw' books na magiging available sa market. Karamihan kasi ng mga librong mabibili natin sa bookstores ay gawa sa ibang bansa.
Para sa iba pang impormasyon tungkol kay Nestor Malgapo, puntahan ang mga sites na ito:
Gerry Alanguilan's The Philippine Komiks Art Museum
Komiklopedia
Lambiek
Arman Francisco's Komixpage
5 Comments:
magkano po kaya itong librong ito?
the best itong balita mo pareng randy nagpa-reserve na ako kay mang nestor meron ako dati nito hanggang 4 books lang hiniram sa akin di pa sinauli ng hinayupak at di naman pala seryoso sa pagdodrowing hehe. bagamat ang dami ko ng nabili s abroad books about comics pero naiiba ito classic at walang katulad.
Cev-
Email mo na lang si Ka Nestor. Sinabi niya kasi sa akin na hindi pa niya gaanong napagdi-desisyunan kung magkano ang presyo. Pero i'm sure na mura lang ito at kaya ng bulsa.
kumpleto ako nyan libro na yan
kc dati ako nag aral kay mang nestor,maganda laman nyan kc andyan lahat ng proseso kung pano gawin ang isang komiks, hanggang ngayon nga binablik balikan ko pa kc minsan wala akong praktis malayo kc sa komiks ang naging trabaho ko ngayon
Kumpleto din ako dati nitong mga librong ito. Noong dumating ang bagyong Rosing (1995), tinangay ang bahay namin, kasama ang mga libro ko! Parang kwentong komiks ano? Anyway, pa-reserve na rin ako kay Mang Nes.
Post a Comment
<< Home