Monday, June 29, 2009

COMICS ILLUSTRATING preview pages

Nagkita kami ni Ka Nestor Malgapo kahapon upang ibigay sa akin ang kopya ng kanyang napakagandang librong Dynacoil Books: Comics Illustrating. Ibinigay niya sa akin ito ng libre kaya laking tuwa ko. Salamat, Ka Nes!

Maraming interesting na pangyayari kung bakit nabuo niya ang librong ito noong 1980s. Wala naman pala ito sa plano, nagkataon lang na marami talagang gustong matutong mag-drawing sa komiks noon at ang pinakamadali nga, at para hindi gaanong maapektuhan ang kanyang deadlines noon, ay ang gumawa ng series of books para sa estudyante.

Ang aking interview sa kanya ay mababasa ninyo sa Pinoy Komiks Rebyu.

Maya-maya ay biglang dumating sa pinagtagpuan namin si Steve Gan, ilang sandali naman ay si Noli Zamora, at si E. R. Martin. Minsan ko lang nakakasama ang mga idolo kong ito kaya laking panghihinayang ko dahil kailangan kong umalis ng maaga para sa isa pang appointment.

****
Maari ninyong direktang orderin ang librong Comics Illustrating kay Nestor Malgapo sa email na o kaya ay mag-text sa 0906-3900222. Sa halagang Php1,000 ay sulit ito dahil binubuo ito ng sampung librong pinagsama-sama.





0 Comments:

Post a Comment

<< Home