PICTURING AMERICA
Naka-attend ako ng opening ng exhibit na pinamagatang 'Picturing America: America's History Through Our Nation's Art' na ginanap sa SM Baguio. Ang mga naka-display ay high-quality prints ng mga sikat na trabaho ng mga kilalang sculptors, painters at illustrators ng Amerika, kabilang sina N.C. Wyeth, Norman Rockwell, James Whistler, Mary Cassat, John Singer Sargent, at napakarami pang iba. Mga prints lang ito pero napakagandang tingnan at kitang-kita ang hagod ng bawat artist.
Maraming kilalang tao ang nagpunta sa naturang event kabilang na ang mayor ng Baguio.
Nagkita kami ng kaibigan kong musikero na si Valaram Das at dinala niya ako sa Vacos, gallery ito ng filmmaker na si Kidlat Tahimik.
*****
Mayroon akong maikling interview na lumabas sa website ng Sigmate Studio. Kakaiba ang website na ito dahil pinaghalong art at pagkain ang laman.
5 Comments:
Astig! Si Krishna at Radha yung nasa t-shirt nya. Hindu pala yung kasama mo ah.
Nanggaling na dito sa Metro Manila ang exhibit na ito. Alam ko ginawa na nila ito sa SM MOA at SM North EDSA nung July 4. Pumunta ka pa ng Baguio para makita. :)
Papunta ako ng Sagada, nag-stopover lang ako sa Baguio, eksaktong andun ang exhibit.
Randy,
Magkano ba ang fare papuntang SAGADA ? ilang oras ang biyahe ? saan ang terminal ? magkano ang accomodations doon ?
Auggie
Hindi aabot ng isanlibong piso, kasama na doon ang pagdaan ko sa Baguio, one way. Mura lang ang mga transient sa Sagada, mula P300-600. Inabot ako ng 6 hrs galing ng Baguio papuntang Sagada, maulan kasi e.
Post a Comment
<< Home