HAND
Ilang grupong pang-illustrator na rin ang nabuo sa komiks. Kabilang na diyan ang SPIC (Society of Philippine Illustrators and Cartoonists), UAP (United Artist of the Philippines), SKP (Samahang Kartunista ng Pilipinas), at marami pang iba. Isa sa madalas kong makita sa komiks noong late 70s hanggang 80s ay itong logo ng HAND, na madalas ginagamit ng mga artist. Wala akong impormasyon tungkol dito, hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin ng HAND, kung sino at gaano karami ang naging miyembro nito, kabilang na ang mga opisyales.
Dagdag impormasyon din po kung kayo ay makapagbibigay ng ilang detalye tungkol dito.
5 Comments:
Kung di ako nagkakamali ang ibig sabihin ng HAND ay Huwarang Akbayan ng mga Nagkaisang Dibuhista. Noong uma-attend ako sa meeting nila ay si Nestor Malgapo ang President, nakita ko noon ang mga sikat illustrator na sina Carl Comendador, Danny Acuna, Joe Mari Mongcal, Rudy Florese atbp.
...:)
Randy...
Kung isang bahagi ng buhay ko ang HAND, higit na bahagi ito ng industriya ng komiks. Mahigit sa sampung taon na pinanguluhan ko ito at sa loob ng mga panahong iyon ay maraming naging kapaki-pakinabang na bagay ang naidulot nito hindi lamang sa mga miyembro kundi maging sa lahat ng comics publications dito...Maging ang mismong publications kasi ay nakinabang sa mga patakarang pinairal ng samahan.
Masyadong mahaba ang espasyong kakailanganin para isa-isahin ang mga tagumpay ng HAND, kaya isang bagay na lang ang tutukuyin ko ukol
sa nagawa ng samahan---ang matipon at mapag-isa ang mga dibuhista sa isang samahan ay maituturing nang isang napakalaking achievement! (ang mga artist ay very individualistic at mas gusto nila ang nag-iisa dahil umiiral at hindi naiiwasan ang kompetisyon.)
Hindi ito nagawa noong panahon ng unang Ace Publications kahit na kakaunti lamang sila noon na dapat magkaisa. Ang sabi noon ni Coching nang mainterview ng HAND--"gusto ko'yan...hindi namin nagawa noon 'yan!
Hindi kami outspoken...ito ang aming patakaran. Kaya hindi katakatakang di ninyo alam ang tungkol sa HAND.
Hindi pa natapos sa HAND lamang...dahil sa tagumpay na tinamasa nito. Hiniling ng mga writers na i-absorb sila ng samahan...Pumayag kami. at nagpalit kami ng title---naging UAP, United Artists of the Philippines. Maraming achievements pa rin ang nagawa! Pero nakalulungkot, inabutan na ito ng pagkawala ng komiks.
Ka Nes,
Siguro sa mga susunod na pagkakataon ay magiging magandang paksa itong pagkakabuo ng HAND. Alam kong marami kaming matutunan dito sa mga pangyayari noon sa komiks.
あなたのモテ度数を診断できる、モテる度チェッカー!日頃モテモテでリア充のあなたもそうでないヒキニートの貴方も隠されたモテスキルを測定して今以上にモッテモテになること間違いなし
Post a Comment
<< Home