ANO BA ITONG MGA (HINDI) PINAGBABASA KO?!
Naranasan niyo na ba minsan na may binabasa kayong libro, tapos nakakailang pages na kayo, saka niyo mari-realize na: "Teka! Ano ba 'tong binabasa ko?"
Ito ang nangyari sa akin nang basahin ko itong librong pinamagatang 'Bolt From The Blue'. Kuwento ito ni Ernest Pintoff (hindi ko nga kilala kung sino ang taong ito!), isang Academy Award winner film director sa Hollywood. Kinuwento niya rito kung paano siya naka-survive sa stroke at mga medical complications.
Nakatutuwa siyang basahin dahil may part na informative at minsan ay tatawa ka, pero may mga part din na boring kaya hindi ko na siya nabasa ulit. Nakalagay lang siya sa gilid ng higaan ko ng ilang buwan na.
Saka ko lang din ulit nalaman na ang dami ko pa rin palang libro na katulad ng kapalaran ang dinanas sa kamay ko. Binuklat ko lang ang ilang pages ng mga ito pero hindi ko na nabasa ulit. Ni hindi nga yata ako naka-ten pages sa mga ito.
Gaya nitong 'The Origins of Love and Hate', na sa title pa lang ay interesting na para sa akin, pero nakakadalawang page lang yata ako ay binitiwan ko na kaagad. Sa Sobrang lalim ng paliwanag ng author ay hindi ko na maarok. Sa sobrang dami na nga ng iniisip ko ay dinagdagan pa ang iisipin ko dahil sa librong ito.
Ito namang 'Sino Ang Allah?' ay bigay ng kaibigan kong Muslim na si Asnawi ilang taon na ang nakararaan. Siguro gusto niyang magbalik-Islam ako (balik Islam ang tawag nila sa mga taong na-convert sa Islam) kaya ibinigay niya sa akin ito. Ito ang talagang hindi ko pa nabubuklat ang mga pages, pero interesado na akong basahin ngayong naalala ko na ito.
Ito namang 'Young man, go into business -Jose Rizal', ay mahigit sampung taon na yatang inaamag sa cabinet na hindi ko rin nabubuklat kahit minsan. Pero balak ko na ring basahin sa mga susunod na araw, linggo, buwan, bahala na.
Ito namang 'The Story of Money' ay isa ring napaka-interesting na libro/children's book para sa akin pero ilang pages lang at hindi ko na rin nabuklat pa ulit.
Ang dami ko ring libro na art-related pero hindi ko rin nabubuklat. Gaya nitong 'The Clockwork Muse' na dalawang taon ko na yatang nabili pero hindi ko pa rin nasisimulang basahin.
Ito namang 'Man As Hero: The Human Figure in Wester Art' ay napaka-interesting na subject para sa akin. Pero mag-iisang taon na rin yata ito sa cabinet at hindi ko na rin nabuklat.
Ito pa ang isa na wala na ngang nakasulat na kahit ano ay hindi ko rin nabubuklat at napag-aaralan kung ano talaga ang laman. Kunsabagay, kahit title nga nitong libro ay hindi ko rin maintindihan dahil Chinese ang sulat. Basta ang laman ng librong ito ay puro Chinese painting na parang 'Zen-inspired'. Nabili ko lang ito sa isang ukay-ukay sa Avenida ilang taon na rin ang nakararaan.
Ang nakakatawa, nang isalang ko na sa scanner ang librong ito ay may isang nalaglag na nakatiklop na papel. Hindi ko gaanong maintindihan ang sulat pero mababasa sa una ang 'Kuya' at 'Kayamanan'. Saka ko lang naalala, binigay pala ito sa akin ng isang may edad na babae mga 4-5 years ago na siguro habang nanghihingi siya ng limos sa akin. Tinanong ko pa nga sa kanya kung ano ito. Sabi niya ay pampaswerte daw. At ang natatandaan ko ay inasar ko pa siya, "E bakit kayo hindi sinuwerte?" Inisip ko na lang na sana ay fairy godmother 'yun o kaya ay kabit ng genie para bigyan ako ng tatlong kahilingan.
Ito namang 'Livre D'Images' ay isang French Book na ang laman ay hindi ko rin malaman kung storyboard o comic strip, walang nakasulat na kahit ano. At kahit meron man ay siguradong hindi ko rin naman maiintindihan dahil French. Hindi ko ito nabuklat ng matagal kaya hindi ko kabisado kung ano nga ang ibig sabihin ng mga illustrations. Nabili ko ito ng sampung piso ilang taon na rin ang nakararaan sa isang malaking bookstore.
5 Comments:
Nung binili ko yung KOMIKS SA PANINGIN NG TAGAKOMIKS ay hindi ko pa rin nabubuklat hanggang ngayon. hahaha! Joke lang! :)
Kumuha ka ng PROSEC speed reading course Randy. You won't regret it.
Sa pagkakaalam ko ala ring natutulong ang speed reading...
physiologically kayang magbasa ng lang 800 words per minute ang isang tao... beyond na ang 1000...
what is best is to read on your pace...
ganyan din ako magbasa,kaya sinisimulan ko sa huli,tapos iiwan na...
p.s.
yung sulat ni manang meron din ako nun...aba mukhang madami nang nabigyan si manang ng ganung sulat.:)
Hay naku ako din madaming book na hindi pa binabasa, interesting ung title kaya binibili ko..Yung tungkol dun sa libro na bigay sayo ng matanda randy, isang orasyon! haha..kelangan mo daw langis, pahid sa buong katawan! hala at baka orasyon ng mga mananangal yan! hehe
Post a Comment
<< Home