TITLE SUBTITLE
Nang una kong mabasa itong title sa cover ng Ligaya ay bigla akong napaisip. 'SIGE, IHATID MO AKO...MAS MAKAPAL!', title ito ng isang short story na nasa loob ng komiks. Hindi ko agad nakuha kung ano ang ibig sabihin. Para kasing hinugot sa north 'yung 'Sige, ihatid mo ako...', tapos sa south naman 'yung 'Mas Makapal'. Ang tagal kong inisip kung paanong magkakasundo 'yung dalawa. Siguro, sa takbo ng kuwento, kapag sinundo ng lalake 'yung babae ay baka tawagin siyang mas makapal ang mukha, baka ganu'n. Pero siguro kung ako ang editor, baka i-revise ko na lang 'yung title, baka gawin kong 'IHAHATID MO AKO? ANG KAPAL MO!'
May kilala akong scriptwriter sa pelikula, nakausap ko siya ilang buwan na ang nakararaan. May ginagawa raw siyang script para sa isang indie film, tinanong ko kung ano ang title, sabi niya e 'OLIVER, ANG SAYA-SAYA!' Napanganga na lang ako. Tinanong ko kung comedy, sabi niya e sex-drama daw. 'E bakit parang comedy ang title?' tanong ko. Sabi niya, ang pangalan daw kasi ng bida ay si Oliver, isang male prostitute. 'Bakit may Ang Saya-saya?' tanong ko ulit. Kasi nga daw dahil nagbibigay ng ligaya 'yung lalake sa iba, pero hindi naman siya masaya sa sarili niya. 'Bahala ka na nga,' sabi ko, 'script mo naman 'yan e.'
Nakakalibang minsan basahin ang mga titulong may subtitle. Ang kauna-unahang papasok sa isip ko siyempre ay ang mga pelikula ni Carlo J. Caparas. Nariyan ang 'The Lilian Velez Story: Till Death Do Us Part', o kaya 'The Marita Gonzaga Rape-Slay: In God We Trust!', at meron pa ring 'The Vizconde Massacre Story: God Help Us!', at may part 2 pa, 'The Untold Story: Vizconde Massacre-God Have Mercy On Us!'. At ito pa ang matitindi, 'The Maggie dela Riva Story: God Why Me?', ito ulit, 'Lipa Arandia Massacre: Lord Deliver Us From Evil!', at isa pa, 'Victim #1 Delia Maga: Jesus, Pray For Us', isa pang hirit, 'The Cecilia Masagca Story, Antipolo Massacre: Jesus Save Us'. At ito naman para maiba ng konti, 'Humanda ka, Mayor! Bahala na ang Diyos'.
Talagang 'the name above every name' ang Lord-God-Jesus. Madalas magamit sa pelikula e.
Pero kung ako ang tatanungin, wala pa ring tatalo sa mga titulo ng tittilating films noong 90s. Narito ang mga halimbawa: 'Tag-ulan Noon, ang Bukid ay Basa', 'Kapag ang Palay Naging Bigas, May Bumayo', 'Kikay' Kaakit-akit, Kaaya-aya, Kikiligin Ka', 'Bibingka, Apoy sa Ilalim, Apoy sa Ibabaw', 'Samantha...Hiyas', 'Pag Dumikit, Kumakapit' , 'Tuloy, Bukas ang Pinto', 'Hiyas, Sa Paraiso ng Kasalanan', 'Walang Dayaan, Akin ang Malaki'.
3 Comments:
Wala pa ring tatalo sa "Horsey, Horsey, Tigdig-tigidig... I Love You Daddy!"
Baka naman yung sinasabing mas makapal ay yung komiks mismo mas makapal na dahil pinarami ang pahina.
pre, parang gawa mo lahat yung title na nabangit, sa huli..ha ha ha. naalala ko pa yung INGANGA MO MAHAL..at yung KONGRESO..SA LIKOD NG APARADOR.
Sabagay, trend-trend lang naman iyan. Ika nga ng tinadyakang presidente papalabas ng MalacaƱang: "weether-weather lang".
Noong mauso ang bomba films, ang mga title ay suggestive one-word lang, such as: UHAW, GUTOM, SABIK, DAYUKYOK, HAYOK, DAYUPAY, GANID, at kung anu-ano pang undesirable words. Noong pumasok ang 1970s, pahabaan naman ng titles: LUMAKAD KANG HUBAD SA MUNDONG IBABAW; AT SIYA'Y UMALIS AT SIYA'Y DUMATING; IBALIK MO ANG ARAW SA MUNDONG MAKASALANAN; GANITO KAMI NOON, PAANO KAYO NGAYON?
Yung title na OLIVER ay napulot lang siguro nung writer sa OLIVER TWIST version na ginawa sa Hollywood noong 1990s, na kung saan ginawang moderno ang setting at si Oliver ay nagtatrabaho bilang isang male prostitute.
Sana sabihin mo, gawin na lang na PABLO ang pangalan nung bida. Tapos, ang title ay tulad sa pangalan ng isang pinoy blogger na si PABLONG PABLING.
http://ka-blogs-tugan.blogspot.com
Magandang title ito, baka mas bagay sa istorya niya.
:)
Nakakatuwa pa ang mga entry ni Pabling. Amuse na amuse ako. :)
Post a Comment
<< Home