PHILIPPINE ONLINE CHRONICLES
Mula ngayon ay regular na akong magsusulat sa website na The Philippine Online Chronicles. Kahit full-time na ako sa pagiging visual artist ay kalahati ng buhay ko ang pagiging manunulat. Pumirma ako ng kontrata noong nakaraang Disyembre at kabilang na sa responsibilidad ko ngayon ay magsulat ng mga artikulo, hangga't maari ay linggu-linggo, para sa naturang website.
Isa siguro sa dahilan kaya napapirma ako sa kontrata ay dahil sa usaping bibihira na daw ngayon ang manunulat sa wikang Filipino. Karamihang nagsusulputan ngayon ay palagi nang nalilinya sa pagsusulat ng Inggles. Kumbaga, endangered specie na daw ngayon ang manunulat sa sariling wika, ayon sa aking editor. Kunsabagay, may punto siya. Primary language natin ang Filipino pero maraming hirap magsulat nito. Isang penomenon na sa katotohanan ay nakalulungkot isipin.
Bilang panimula ay ininterbyu ko si Marife Necesito na dating manunulat sa komiks na ngayon ay isa nang mahusay na aktres sa larangan ng pelikula at teatro. Mababasa ninyo ito dito.
Marami akong seryosong artikulo tungkol sa komiks na malamang ay sa POC ko na ilabas at ili-link ko na lang sa blog na ito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home