HAGIBIS
Tumitingin ako sa mga lumang komiks nang makita ko itong itong nobela ni D.G. Salonga at iginuhit ni Jun Borillo na pinamagatang 'HAGIBIS'. Tungkol ito sa kuwento ng isang bata na mabilis kumilos (parang The Flash) na anak ni Mercury (messenger of Roman gods). Lumabas ito noong 1979 sa Hiwaga Komiks ng Atlas Publication.
Napaisip lang ako dahil ang orihinal na pangalang 'HAGIBIS' ay ginamit na ni Francisco Coching noong 1940s, tungkol naman ito sa isang mandirigma (pinaghalong Tarzan at Lapu-lapu). Baka kasi dumating ang panahon na magkaroon ng problema sa paggamit ng kaparehong pangalan ng karakter lalo pa't parehong komiks ang medium na pinaggalingan. Imposible kasing hindi alam ni Salonga na ginamit na ang pangalang HAGIBIS noon pa, lalo pa ni Borillo na isang masugid na follower ni Coching.
4 Comments:
Di ba't si DG Salonga ay also known as PS GOMEZ.
Sa lumang mga komiks kasi, walang awayan sa ganito noon. Si PS GOMEZ din, noong 1970s ay gumawa ng spin-off character from Mars Ravelo's VALENTINA (na kalaban ni Darna). Ginawa naman ni PS GOMEZ ang VALENTINA na batang ang buhok ay taganas na ahas. Pero walang conflict na nangyari kina Mars Ravelo at Pablo Gomez. Okay lang sila. Noong sumikat ang MARUJA ni Ravelo, sumikat din ang batang si GABRIEL (na ang characterization ay hiniram ni Mars sa FAR FROM THE MADDING CROWD). Noong gawin ni CJC ang AKO'Y LUPA, ginawa niyang GABRIEL din ang bida at parang hinugot niya ito sa tadyang ni Gabriel sa Maruja, na hinugot nga rin naman sa Gabriel ng FAR FROM THE MADDING CROWD.
Kunsabagay, kung meron mang dapat magreklamo ay walang iba kundi ang Greek Mythology na kung saan si MEDUSA ay naging Valentina naman sa Darna. Di po baga?
Ang word naman kasing hagibis ay nangangahulugan ng SPEED (mabilis si Hagibis)he-he. ADJECTIVE lang naman talaga ang pinaggalingan nito na ginawang NOUN para itawag sa isang tao. In a way, magkakatalo na lang talaga ito kung alin ang bibilhin ang rights:
• Yun bang HAGIBIS na tungkol noong bata pa si MADAM AURING
• O yun namang HAGIBIS na noong bata pa si MYSTICA
Take your pick :)
Ba't nga pala hindi gawing DARNA si MYSTICA at Valentina naman si Madam Auring?
Tiyak na sasakit ang tiyan ng audience sa katatawa nito. Tiyak, tatabo ito sa takilya nang lagpas pa doon sa pelikula ni Ai-ai de las Alas na pinamagatang: MGA PUTANG INA NINYONG LAHAT!
JM,
How about the local boys band, HAGIBIS, sagot sa Village People ?
Auggie
Sir JM,
Si D.G. Salonga po ay si Daddie (or Dominador) Gomez na nakababatang kapatid ni PS Gomez.
-Komiklopedia
Sa tagalabas, akala nila ay si DADDIE ito, pero sa mga tagakomiks, alam naman ng lahat na ito ay si PSG. Si Daddy, nang nagsusulat na, ay DADDIE GOMEZ ang ginamit.
Kaya lang, parang ito rin kasi ang VIRGO VILLA ni Mars Ravelo.
Si Virgo Villa ay alam ng lahat sa labas, na si Mars Ravelo. Pero sa loob, alam ng marami (at alam ko personally), na si Virgo Villa ay more of TONY S. TENORIO than Mars Ravelo.
Gano'n din si DG SALONGA. Nagko-cross ito na tulad ni Virgo Villa.
Marami pang mga pangalan sa komiks noon na mababasang gawa ni ganito at ganoong WELL-KNOWN WRITER NG KOMIKS, pero ang sumusulat ay ibang writers. Usung-uso noon ang mga GHOST WRITERS sa lokal komiks at ito ang isang bagay na hindi napag-uusapan o naisusulat sa mga articles.
Post a Comment
<< Home