Sunday, October 30, 2005

ANG HINAHARAP NG KOMIKS NG PILIPINO

(Ang artikulong ito ay isinulat ko ilang taon na rin ang nakararaan. Naisip kong ilabas na rin ito sa blog ko dahil bahagi na rin ito ng aking karanasan sa industriya.)


Ayokong maging manghuhula. Wala akong karapatan para sabihin kung ano ang hinaharap ng komiks ng Pilipino. Ang sasabihin ko ay ang kasalukuyan dahil ito ang magtuturo ng pinto kung ano ang pupuntahan nito.

Naging computer graphic artist ako sa isang sikat na publication. Ang kumpanyang ito ay naglalabas ng lima hanggang walong komiks sa loob ng isang linggo (ito na ang panahong mahina na ang komiks kaya hindi na ganoon karami ang produktong inilalabas nila kumpara noon). Nang humina pang lalo ang sales ng mga produkto ng naturang publication (kabilang ang showbiz magazines, songhits at puzzle books), naapektuhan pati ang singilan ng mga contributors ng komiks kabilang ang manunulat, dibuhista, letratista at kolorista. Maraming hindi nababayaran ng regular. Sa sitwasyong ito, masasabi ko na aping-api ang mga taga-komiks. Karamihan ng contributors ng komiks ay maituturing nating hindi ganoon kaganda ang buhay at wala nang ibang inaasahan kundi ang trabahong ito—ngunit sila pa ang hindi nakakasingil ng maayos. Samantalang ang mga manunulat ng showbiz magazine at songhits, kahit hindi bayaran ng publication ay tiyak na makakakuha ng ‘payola’ at ‘padulas’ sa mga artistang ibabalita nila—ngunit mas nakakasingil pa ng maayos ang mga ito. Ang kalamangan kasi ng mga reporters na ito, kapag hindi sila binayaran ng publication, magsusulat sila sa iba pang publication at tiyak na uulanin ng paninira at batikos ang publikasyon na hindi nagbabayad. Sa mga ito natatakot ang may-ari (sa totoo lang, ilang beses na rin kasing na-dyaryo ang mga ito dahil hindi nga nagbabayad ng wasto sa mga empleyado, kaya kung tutuusin, anumang gawin nila ay sirang-sira na rin sila sa mata ng mga contributors ng iba’t ibang local publications).

Parang ‘supreme court’ ang accounting department noon sa dami ng nagrireklamo. Inaabot ng tatlong buwan o higit bago makasingil ang isang contributor. Nauso ang ‘tseke syndrome’ kung saan wala na talagang cash na inilalabas ang accounting. Ultimo isandaang piso, nakatseke. Ang masakit pa ay post-dated pa ito ng isa hanggang dalawang buwan. May isang letratista na nagwala (kapatid ni Jomarie Mongcal), inabutan ng P98 na tseke, post dated ng dalawang linggo. Ito mismo ang kanyang sinabi, “Binababoy niyo naman kami! Anong palagay n’yo sa ‘min, patay gutom?” sabay punit ng tseke sa harap ng may-ari. Iyong may-ari, tumawa lang, pero halata rin namang napikon.

May nangyari din naman na isang writer ang nagwala, si Jeff Abubot na anak ng illustrator na si Mang Ding Abubot. Hindi na nito nakayanan ang ilang kapapabalik-balik sa accounting na hindi malaman kung kailan talaga makakasingil, pinagbabagsak nito at pinagsisira ang mga upuan sa artist’s room. Ipinahuli ito ng may-ari sa guwardya, nanakot pa na magpapatawag ng pulis kapag naulit pa.

Mga ilang linggo pa ay hindi na talaga makatiis ang mga contributors kaya hindi na nagbalikan. Pinabayaan na lang ang utang ng publication. Para naman sa aming mga regular na empleyado, hindi rin namin nakayanan ang patakarang pinairal sa amin. Binabawasan kami ng monthly tax at SSS, nang mag-check naman kami sa ahensya ng gobyerno, wala namang ibinabayad ang may-ari. Nagsampa ng kaso ang mga kaempleyado ko, umabot pa sa korte. Hindi na ako sumama, umayaw na ako ng kusa at nag-full time na lang sa pagsusulat ng pocketbooks. Nabalitaan ko na lang na ang gulo-gulo daw ng nangyari sa husgado. Pero hindi pa rin tumitigil ang publication, naghanap pa ulit ng ibang editorial people. Maging ako ay kinontak ulit, ipinahawak sa akin ang dalawang komiks at dalawang songhits—sa akin ang lahat, editing at layouting. Kahit may atraso na sila sa akin ay tinanggap ko pa rin, ginawa na kasi akong per publication, babayaran nila ako pag nakatapos ako ng isa. Kaya binara-bara ko ang trabaho, anong aasahan mo e ako lang mag-isa ang gumagawa (saan ka naman nakakita ng lingguhang apat na titulo na isang tao lang ang gumawa? Dapat e bigyan ako ng award noon bilang ‘pinakamalaking tangang’ may hawak ng komiks at songhits).

Ang naging problema ko noon ay ang komiks. Wala nang contributors. Kahit ang mga kaibigan ko na pinilit kong mag-drawing at magsulat ulit ay ayaw na. Kaya bilang solusyon ng may-ari, ipinahukay sa amin ang mga lumang materyales mula pa noong 1950s. Sinubukang i-reprint ang mga lumang files. Dahil printed materials na ang mga ito, at wala naman kaming original, kailangan pang linisin ng husto sa computer. Hindi ko nga ma-imagine kung paano ko nagawa ang ganoon kahirap na trabaho.

Pero hindi rin ako nakatiis. Bigla rin akong umayaw sa trabaho. Naghanap na lang sila ulit ng iba.

Makalipas ang ilang linggo ay nakita ko sa mga komiks stand ang mga na-reprint na komiks. Napamura ako, hindi ko alam kung dahil sa asar o panlalait. Ang pangit ng kinalabasan! Malabo ang ilang pahina at distorted ang ilang characters (dahil hindi nagtugma ang sukat nito sa pahina). Hindi na rin angkop sa modernong panahon ang pagkakasalaysay ng mga kuwento (isang nakatatawang halimbawa ang pagri-reprint ulit ng nobelang may pamagat na ‘Maynila 1966—sa mga kolektor ay gusto ito, ngunit sa isang ordinaryong mambabasang Pilipino, hindi na sila interesado sa mga pangyayari noong 1966.’). Maski ang pagkaka-layout ng cover ay hindi naging epektibo. Negatibo ang naging feedback nito sa market, wala talagang tumangkilik.


Ito ang cover ng isang reprint products kung saan mababasa ang lahat ng unang isyu ng mga nobela noon. Hindi na maayos ang pagkakalay-out, sabog pa ang kulay.




Ito naman ang halimbawa ng isang pahina sa loob kung saan hindi masyadong nalinis ang drawing kaya malabo ang lumabas.


Naisip ko, walang future ang komiks kapag nagpatuloy ang ganito.

Ilang linggo lang ang pagitan, pinatay na ang lahat ng komiks ng naturang publication. Ang dahilan, wala na talagang bumibili. Atlas na lang ang naglalabas noon ng komiks, wala na silang kalaban sa market, ang problema, sa kanila na rin nagtakbuhan ang lahat ng writers at artists ng industriya ng komiks. Naging contest ang nangyari, kapag hindi malakas sa editor ay hindi mabibigyan ng trabaho. Gutom talaga ang kinalabasan.

Nang matapos kong sulatin ang aklat na ‘Pambalot ng Tinapa: Isang Pagtanaw sa Komiks ng Pilipino’, nagkaroon ako ng assignment para puntahan ang mga publishers ng mga local na komiks upang maipaalam sa kanila na may lalabas na ganitong aklat tungkol sa kanilang produkto, at para na rin humingi ng permiso para gamitin ko ang ilang illustrations ng kanilang mga komiks.

Isang sikat (na naman) na publishing house ang una kong nilapitan. Hindi pumasok ang editor kaya ang nakausap ko lang ay isang tauhan nito sa accounting department. Nang makausap ko ‘yung ale, at matapos akong magbigay ng mahabang intro tungkol sa laman ng aking libro, isa lang ang naitanong niya sa akin, “Bakit ka pa nagsulat ng ganyang libro, patay na ang komiks?”

Sabi ko, “Maaring patay na ang komiks ngayon, pero naniniwala ako na sisigla ulit ito. Proper timing lang ang kailangan at bagong strategy. Baka makatulong ulit ang librong ito para mapasigla ulit ang komiks.”

Umiling siya, “Wala nang pag-asa ang komiks. Nagsasayang ka lang ng panahon!”

Pabiro niya iyong sabi, natawa nga rin ako. Pero sa loob-loob ko, ang mga ganitong klase ng tao ang dapat na unang-unang tinatanggal sa publication. Nakakadismaya dahil sa kanila nga dapat magsimula ang paghihimok na mapasigla ang komiks ngunit kabaligtaran pa ang nangyari.

Pagkatapos ay tumuloy naman ako sa isa ring sikat na publication ng komiks. Wala ang publisher kaya ang nakausap ko lang ay ang sekretarya nito. Sabi nito, “Wala na kaming komiks, printing na lang galing sa labas ang ginagawa namin.”

Sinabi ko sa kanya ang laman ng aking libro, naunawaan naman niya. Nag-iwan ako ng sulat (para mapirmahan ng publisher na ginamit ko sa aklat ang ilang pahina ng komiks nila nu’ng araw) kasama ang xerox copy at back cover ng aking aklat.

Pagbalik ko nang sumunod na araw, malungkot ang salubong sa akin ng sekretarya, “Ayaw pirmahan ni sir.”

“Bakit?”

“Bakit mo daw nilait ang komiks dahil sa title na ‘Pambalot ng Tinapa’?”

Napanganga ako. Bobo ba ang mga ito? “Marketing strategy ‘yun,” sabi ko. “Magiging interesting kasi ang title na ito sa unang makakakita ng libro. Kailangan kasi ay maka-catch tayo ng attention para pag-ukulan ng pansin ang produkto mo. Kung gusto niyo, ipapabasa ko sa inyo ang laman ng libro ko para maunawaan n’yo ng husto.”

Umiling lang ang sekretarya. Ibinalik sa akin ang sulat at ang mga xerox copies.

Ipinabasa ko sa kanya ang ‘teaser’ sa back cover.

“…aklat ng karanasan, ng kasaysayan, ng katuruan, at PAGTATANGGOL (ipinagduldulan ko sa kanya ang salitang ‘pagtatanggol’) sa isang uri ng babasahing pinaratangang naglalaman ng ‘kabalbalan’ at ‘kabulastugan’.”

Hindi ko alam kung naunawaan niya. At hindi ko rin alam kung naunawaan iyon ng kanyang amo.

Umalis akong masama ang loob. “Ako na lang yata ang may pagpapahalaga sa komiks. Maski publisher e wala nang pakialam.”

Nang tingnan ko ang mga masasakit na karanasang ito, nasabi ko sa sarili ko na mahirap nang paangatin ang industriya ng komiks kapag ganitong mga tao ang makakasalamuha mo.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat pa rin ako. At least, alam ko na kung saan at kanino ulit magsisimula ang komiks.

Hindi na sa kanila.

6 Comments:

At Sunday, October 30, 2005 2:01:00 PM, Blogger Gerry Alanguilan said...

Sa tingin ko hindi tayo dapat lumapit sa mga publisher ng komiks para maglabas ng aklat tungkol sa komiks.

Marami nang publisher ngayon na pwedeng lapitan tulad ng VISPRINT, ANVIL, National, Bookmark, at iba pa.

Ang proposal ay magandang wag banggitin na ito ay ginawa para pasiglahin ang industriya, kundi gumagawa ka ng "reference book" or "history book" isa isang bahagi ng popular culture ng Pilipinas. Kelangan andun ang "Philippine Culture" kasi naman talaga kasama talaga ito sa history at kultura natin.

Marami ring posibleng lapitan na government agency na maaring makatulong tulad ng National Commission for Culture and the Arts, o di kaya Cultural Center of the Philippines, o di kaya National Historical Institute.

Marami ring private entities na game magbigay ng grant sa kanino mang interesadong maglabas ng aklat tungkol sa Philippine Culture.

Gawa ka lang sulat sa kanilang lahat at sigurado ako na may kakagat dyan kahit isa.

Good luck pare ko! Dadaan din ako dyan sa proseso na yan sa susunod na taon.

 
At Tuesday, November 01, 2005 8:57:00 AM, Blogger Dennis said...

oo nga naman Randy, hayaan mo at tutulungan kita maghanap ng pablisher niyang aklat mo. Nagtatanong tanong nga ako. Mahalaga ang aklat mo kaya wag kang masiraan ng loob pare ko :)

 
At Wednesday, November 02, 2005 5:38:00 AM, Blogger Ceri Thomas said...

excellent blog you have here, will be adding it to my favourites! I have a website on bird of paradise art
and such subjects as bird of paradise art
with many articles like - If you don't have at least one piece of fine art in your home, then you just have no idea what you are missing out on. Whether an original or reproduction piece, fine art adds warmth, beauty and interest to every room. So why is it that people tend to spend lavishly on furniture, carpets and accessories, but do not provide in their budget for the piece that could be the focal point of the room?

We are indeed fortunate now to have a wide range of fine art available to us on the Internet. In just a few short hours, you can browse museums and galleries around the world to find the fine art painting you love. Reproductions of major artwork are available in several formats, from inexpensive prints to hand-painted oils. All at the touch of a button. You can also find original fine art online, often very inexpensively. Artists who have not yet become famed can exhibit their work at online galleries and reach a much wider audience than would be otherwise possible in smaller bricks and mortar galleries. Bringing a new piece of art into your home is always exciting, but imagine how much more intriguing it would be if it was something you'd discovered for yourself through your own research.

While prints will brighten up a room, you should also consider investing in a real oil painting or another form of original on canvas. Since the Internet allows galleries to show their work to a wide audience with little overhead, real paintings can be had for very reasonable prices. And you'll find the texture and substance of a painting as opposed to a print to be well worth the added expense. Home decor is a challenge for many home owners so the hardest part is not necessarily coming up with the theme, but tying it all together and making all of the colors, textures and themes combine. In order to decorate your home successfully there are a few things for you to consider.

First decide what your budget is. Having a budget will help you apportion money to the right areas and ensure that you have enough to finish the job. Next choose a style and make a plan. Decide the style of theme you want for your room or home decor. Do you want a modern or oriental tone? Once this is established you can pick the colors you want to use. Do you want the room to be calming or energizing? Colors have a very influential impact on our moods and feelings. You can then decide on the furniture and accessories you wish to use. This is a good time to select the art or prints you wish to feature. Make sure that the print is reflective of the theme of the room. Do not buy art just because it ties the colors in the room together. Art is a powerful medium that is used to invoke emotion, feeling, and thought so the emotion the art projects should be aligned with the feeling of the room.
take a look if you get the chance:-)

 
At Wednesday, November 02, 2005 10:06:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Hi Ger & Dennis,
Salamat sa inyo, actually ang dami ko nang natutunan nitong mga nakaraang taon sa pakikipag deal sa mga local publishers lalo na sa circulation. Ngayon medyo naka-freeze muna ang ibang laman ng book ko dahil ang dami-dami nang nagbago ngayon. Ang bilis ng evolution ng komiks natin kaya kailangan ay may bagong infos. Hinihintay ko rin ang mga libro nyong lalabas, hehehe..para makahingi agad ako ng LIBRENG kopya :)

 
At Thursday, November 03, 2005 4:34:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Hey, you have a great blog here! I'm definitely going to bookmark you!
I have a art website victorian art print

That promotes my very good friend Mark Connors artwork that pretty much covers victorian art print
articles and other related themes.
Mark's work is the produce of his passion for art, when looking at every piece the attention to detail is nothing short of spectacular and many a person will notice different details upon each viewing, they are truly a joy to observe. There are many talented artists around the world but few achieve the effect in their work as Mark does, when looking at his work that there is more than just a painting or a illustration there is a element of fantasy behind each piece that brings the inner child out of you and draws you in.
Come and check it out if you get time :-)

 
At Thursday, February 24, 2011 5:21:00 AM, Anonymous Anonymous said...

naranasan ko 'yan sir sa KISLAP, nakakabad-trip nagsisimula pa lang ako pa decline na ang komiks, hanggang ngayon tinabi ko na lang ang huling tseke na binayad sa akin nahihiya akong mag-encash noon kasi ang baba ng presyo (php300 lang po tapos dalawang tseke pa!) anyway alam kong naglipana na ang mga independent comics na gawang pinoy, na kung ikukumpara mo sa quality sa ibang bansa hindi na pahuhuli, pero ang nakakalungkot 'yung traditional na porma ng komiks natin, ilang beses nang ginatasan ng mga tv stations, para gawing teleserye/pantaserye, pero walang nakaisip ni isa man sa kanila ang irevive ang industriya.
nasaan na ang mga tikbalang, manananggal, duwende na kinalakihan natin, mga syokoy sirena, at ilang engkanto, para sa akin kultura na ng pinoy ang komiks at nakakalungkot po kasi walang nangangahas na buhayin ito in it's dignified form (not westernized)

 

Post a Comment

<< Home