KOMIKON
Matagumpay ang isinagawang Komikon sa UP (Oct. 22), nagkasama-sama ulit ang mga taga-komiks. Personally, medyo nakulangan lang ako sa program, para kasing naging tianggean lang ang nangyari. Nasayangan lang ako sa stage at sa big screen na nasa harap dahil hindi masyadong nagamit.
Salamat sa mga organizers, alam kong mahirap mag-organize ng ganitong event. Hindi kadaling pagsama-samahin ang mga grupong naroon. Siyempre, ang paghahanda at gastos. Sinasaluduhan ko kayo, guys!
Medyo dismayado lang ako sa mga kuha ko sa camera, di kasi ako gumamit ng flash, kaya ang ilan sa mga pictures na lumabas ay madidilim.
Salamat nga pala kina Gerry, Leinil, Edgar at Arnold sa pag-sign ng komiks na nabili ko. Salamat din kay Sir Orvy Jundis sa pagbigay sa akin ng libro. Kina Dennis, Lawrence, Mang Yong, Mang Ernie, Erwin, Steven Pabalinas, Reno, Mar, Meyo, at mga barkada sa Atlas at GASI, mauubos ang space na ito sa dami niyo, hanggang sa muling pagkikita!
2 Comments:
Randy! Saya no? OK lang pahiram ako ng ilang pics dyan?
cge ok lang ger, actually marami pa akong kuha, yun nga lang medyo madilim yung iba.
Post a Comment
<< Home